"Kumpleto na ba?" tanong ni Elle pagkasakay namin sa school bus. Ngayon na magsisimula ang journey namin sa season na ito at kahit alam kong mahihirapan kami, gagawin pa rin namin ang lahat magtagumpay lang.
Alam kong kinakabahan ang lahat pero mas higit ang kabang nararamdaman namin ni Elle ngayon. Dahil walang iba sa aming team ang mag-guide kung hindi kaming dalawa lang.
"Let's go." sabi ko kay Elle nang huminto na ang bus sa harap ng Arena kung saan gaganapin ang lahat ng basketball games.
Ngumiti siya sa akin at sabay na kaming bumaba. Pagpasok namin sa loob ay nagtungo agad kami sa locker room kung saan kami naka-assign.
Nakasalubong pa namin ang Traelhore nang papunta kami roon. Nagulat ako nang huminto ang mga ito at tumingin sa amin. Sa akin pala.
"Totoo nga na nasa Wilhelm ka. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa walang pag-asa at talunang team ka pa sumali." wika ng nasa unahan na sa pagkakaalam ko ay ang center ng Traelhore at team captain nila.
"Pwes, huwag mo nang alamin at baka 'yon na lang ang isipin mo buong laro mamaya." sabi ko bago pinagpatuloy ang paglalakad. Mabilis namang sumunod ang mga teammates ko sa akin.
"Ang cool mo dun Captain!" ani Ashley.
"Buti nga sa kanila, ang yayabang eh nasa 7th place lang naman sila last year. Akala mo naman nasa top 5 sila." sabi naman ni Elle.
"Mataas pa rin ang 7th place, 10 teams ang mayroon sa SAU at nagawa nilang mag-place sa 7th kaya naman hindi sila basta-bastang kalaban." wika ko.
"Mag-ayos at magstretching na kayo dahil anumang minuto tatawagin na tayo para magtungo sa court." dagdag ko habang isinusuot ang sapatos ko.
Hindi naman nagtagal ay may kumatok na sa aming locker roon at isa iyong staff ng SAU at sinabing lumabas na daw kami at magtungo na sa court.
Mabilis naman kaming sumunod. Namangha naman ang mga teammates ko. Maluwang kasi ang Arena at kakasaya ata dito ang dalawampung libong katao na manonood ng isang game.
Wala naman kaming napansin na mga supporters namin dahil halos mga nakasuot lamang ng kulay sky blue na may tatak na Traelhore ang naroon para manood.
Hindi ko naman sigurado kung manonood si Gabriel ngayon dahil alam kong kasagsagan ng practice nila para sa laban nila bukas.
"Okay! Warm up na guys!" sigaw ni Elle. Dumiretso naman kami sa court dala ang aming mga bola para magwarm up.
Matapos ang ilang minuto ay tumunog na ang buzzer hudyat na tapos na ang warm up at oras na para magsimula ang laro.
Same line up pa rin kami ng first five, Ako, si Amethyst, Audrey, Anna at Claire.
Pumwesto na kami sa gitna at ganun din ang first five ng Traelhore.
Nakuha ng Traelhore ang first ball kaya mabilis kaming kumilos pra magbanty sa mga players nila. Tumakbo kami papunta sa kaniang court at doon dumipensa.
At dahil hindi ganun kahigpit ang aming depensa, mabilis nila itong nalusutan kaya sila ang unang nakapuntos.
Nagpatuloy ang laro at kaming dalawa lamang ni Amethyst sa team ang pumupuntos. Hindi ganun kaganda ang pinapakita ng ibang teammates namin kaya nang matapos ang first half ay dehado kami ng labinlimang puntos kahit may tig-sampu mahigit na puntos na kami ni Amethyst.
Nasa locker room kami ngayon. Tahimik ang lahat na tila ba suko na sa laro.
"Guys cheer up please! May second half pa! Makakabawi pa tayo!" wika ni Elle pgkatapos ay tumingin ito sa akin at iminuwestrang magsalita din ako.
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...