Kinakabahan ako habang papasok sa loob ng bahay. Hinihiling ko na sana wala sa loob sina Mama at Papa dahil baka himatayin na ako sa takot.
Pagkabukas ko nang pinto ay dahan-dahan akong pumasok. Tinanggal ko na nga yung sapatos ko at nakapaa nalang ako para hindi nila marinig yung footsteps ko.
Mas lalo akong kinabahan nang makita ko silang dalawa na nasa sala. Nanonood si Mama sa tv habang si Papa naman ay nagbabasa.
Dahan-dahan pa rin akong naglakad papunta sa hagdan at pigil hininga ako habang papaakyat. Pero nang nasa gitna na ako ng hagdan ay biglang lumingon si Papa kaya nanlaki ang mga mata ko at tumakbo na agad nang mabilis sa kwarto ko.
Hingal na hingal ako nang makapasok ako sa kwarto ko. Hinanda ko na rin yung sarili ko na mapagalitan pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin kumakatok sa pinto ko.
Nakakapagtaka dahil inaasahan kong unang gagawin ni Papa ay sisigawan at papagalitan ako, tapos ipapamukha sa akin kung gaano kamali yung desisyon ko sa pagsali sa Wilhelm University.
Halos mag-isang oras na akong nasa kwarto pero hindi pa rin sila kumakatok. Hindi kaya hindi pa nila napapanood yung game namin? O baka naman hindi talaga ako nakita ni Papa na umakyat dahil mabilis akong tumakbo?
Pero nasagot ang mga tanong kong iyon nang kumatok si Mama sa kwarto ko at sinabing nasa sala daw si Gabriel at hinihintay ako.
Kahit kinakabahan ay nilakasan ko na ang loob ko nang lumabas ako ng king kwarto para puntahan si Gabriel sa baba.
"Hi!" bati nito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya bago inilibot ang tingin para hanapin kung nandito ba sa baba si Papa pero hindi ko siya nahanap kaya nagmadali akong lumapit kay Gabriel at hinla ko siya para umakyat sa taas.
"Oh saan kayo pupunta?" tanong ni Mama pagkalabas sa kusina.
"Sa kwarto ko po Ma." mabilis kong sagot. Nanlaki naman ang mga mata ni Mama habang napakurap ng ilang beses si Gabriel. "May ire-review lang po kami Ma, tsaka hindi ko ilo-lock yung pinto para wala kang ibang isipin." inunahan ko na siya dahil pakiramdam ko may iba pang iniisip si Mama.
Hinila kong muli si Gabriel saka pumasok kami sa kwarto ko. Mabuti nalang at malinis 'tong kwarto ko ngayon.
Dumiretso agad ako sa study table ko atsaka binuksan yung laptop ko para doon namin panoorin yung replay ng game namin kanina.
Mabuti nalang at may extra chair ako doon, wala nga lang sandalan since pinapatong ko lang naman yung paa ko dun kapag nangangalay na.
Doon umupo si Gabriel. Pagpunta ko sa site ng SAU ay hindi pa nila nau-upload yung full game namin kaya hinintay muna namin 'yon ni Gabriel.
"Bakit ka pala nagmamadaling umakyat kanina? May tinataguan ka ba?" tanong nito sa akin.
"Oo. Si Papa." sagot ko.
"Why?"
"Natatakot kasi ako. Natalo kasi yung team ko, panigurado sesermunan niya ako." sagot ko habang ini-scroll yung site ng SAU.
Natigilan ako nang makita ko yung isang article tungkol kay Jillian Krae Villegas. Siya yung volleyball superstar ng Venusville University. Balita ko after nitong mapa-champion yung team niya ay nagpunta na ito sa Japan para sumali sa isa sa pinakamalakas na team doon.
Clinick ko agad yung article at nakasaad nga doon yung highlights niya sa isang game kung saan siya ang naging best player.
"Who's that?" tanong ni Gabriel sa akin dahil dito na lang nakatuon yung atensyon ko.
"What?! Di mo siya kilala?!" hindi makapaniwalang sabi ko.
Kumunot naman ang noo nito sa naging reaction ko.
"Do I need to know who she is?" suplado nitong sagot.
"Hay nako. Kilala mo ba yung dating team captain ng Wilhelm Men's Basketball team na nagpasyang mag-aral sa Japan?"
"Yeah. Si Julian." napanganga ako kasi parang close sila kung tawagin niya lang na Julian.
"Well, itong si Jillian Villegas yung girlfriend niya and siya yung reason kung bakit sa Japan na nag-aaral yung team captain niyo pa rin sana ngayon."
"Oh I see." parang hindi talaga siya interesado sa buhay ng ibang tao.
At dahil hindi pa rin nau-upload yung replay ng game namin ay nagbasa muna ako ng mga articles tungkol kay Jillian.
Sa totoo lang, sobrang galing niya talaga na kahit ako 'tong nangangarap noon na maging volleyball player ay parang natatakot makaharap siya kung sakali sa isang match. Umpredictable kasi yung mga plays niya.
Hindi mo mabasa kung ano nasa utak niya. Seryoso, parang sobrang dami niyang alam na tricks. Siguro magician siya noong past life niya.
At kung ikaw na volleyball player at na-block mo yung isang play na ginawa niya, sobrang nakakaproud na iyon dahil sa sobrang hirap basahin ng mga plays niya.
Tapos in real life, sobrang soft-spoken daw nito at sobrang ganda. Sobrang swerte talaga nilang dalawa ni Julian sa isa't isa.
Magaling din kasing basketball player si Julian. Sa tingin ko hindi nalalayo yung skills nilang dalawa ni Gabriel. Muntik ko na nga din maging crush yun eh kaso nauna si Gabriel eh.
Hindi naman nagtagal ay nai-upload na din sa wakas yung replay ng game namin kaya nireview namin iyon ni Gabriel. Naghatid din ng pagkain si Mama sa kwarto ko.
"Thank you." sabi ko sa kanya paglabas namin ng bahay para ihatid siya sa kanyang sasakyan.
"You're always welcome." sabi nito bago ako hinila at binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"Talk to your father. I'm sure he already knew the result of your game. He understands you that's why he's silent." dagdag nito habang nakayakap pa rin sa akin.
Bumuntong-hininga ako ng malalim bago tumango. Siguro nga kailangan kong kausapin si Papa para wala akong ibang iniisip kung hindi ang pag-aaral at game ko lang dapat.
"Good girl." tumitig ito sa mukha ko bago niya guluhin yung buhok ko. Kunwari namang naiinis kong inalis yung kamay niya dun pero ang totoo ay nag-eenjoy ako.
"I'll watch your game tomorrow. Good luck!" sabi ko.
Ngumiti naman ito sa akin bago nagpaalam para umuwi na.
Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Papa na nakaharap sa laptop niya at mukhang may pinapanood siya. Lumapit naman ako sa kanya.
"Pa." tawag ko.
Umangat ang tingin nito sa akin. Seryoso lang siya at walang ekspresyon ang mukha.
"About my actions earlier. Nahihiya lang po akong humarap sa inyo kasi natalo kami sa first game namin." pag-amin ko.
"I understand." simpleng sumbat nito.
"Galit ka po?"
Huminga ito ng malalim. "I'm still disappointed Venus."
"Sorry Pa pero next game I promise po, babawi po kami." mabilis kong saad. Tumango naman ito bago muling itinoon ang atensyon sa kanyang laptop.
Dahil mukhang busy si Papa ay nagpasya akong ipagtimpla siya ng kape pagkatapos ay nagpaalam na ako para matulog.
**
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...