Chapter 5

14.9K 369 41
                                    

"Venus may problema tayo." iyon agad ang salubong sa akin ni Elle pagpasok ko sa club room.

"Ano 'yon?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Nagback-out na yung ibang sumali sa team at iilan nalang ang natira." sabi nito.

Napapikit naman ako ng mariin pero kinalma ko pa rin ang isipan ko.

"Bakit daw?" malamig kong tanong muli.

"Tinakot daw sila ni Nikka. Venus, maimpluwensyang tao si Nikka maging ang boyfriend niya kaya takot ang lahat sa kanya." sagot nito.

"Gaano ka-maimpluwensya ang dalawang 'yon?" tanong ko na naman habang inaayos ang bag ko sa table ng club room.

"Parehong board ang parents nila at maaring isang mali mo lang pwede ka nilang paalisin dito sa Wilhelm."

"Ganun naman pala, asan sila ngayon?"

"S-Sa gym, naroon din ang ilan sa mga nagbackout at mga alipores na ngayon ni Nikka. Bakit Venus? Anong binabalak mo?"  kinakabahan nitong wika. Ngumiti lang ako sa kanya bago naglakad palabas.

Nagmamadali naman itong sumunod sa akin at lumaki ang mga mata nito nang mapagtantong sa gym kami papunta.

"Hoy Venus siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng kung ano ha." ngumiti lang ako sa kanya habang patuloy sa paglalakad.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa tapat ng gym kaya mabilis akong pumasok sa loob at naabutan ko doon ang men's team na kasalukuyang nagpa-practice.

Nakatayo lamang ako sa gilid at hinahanap kung saan nakapwesto sina Nikka at hindi naman nagtagal ay nakita ko ang nga itong prenteng nakaupo sa isang parte ng mga bleachers.

Aksidente namang may tumapong bola sa harapan ko kaya pinulot ko iyon.

"Hi miss, pwede?" sabi ng isa siguro sa mga varsity player, gesturing me to pass the ball to him.

"Pwedeng hiramin ko muna?" malambing kong sabi sa lalaking 'yon. Mukhang nagulat ito at bigla itong nagblush ito bago tumango sa akin.

"Thank you." wika ko ng nay matamis na ngiti.

Pagkatalikod nito ay bumalik sa pagkaseryoso ang aking mukha at naglakad patungo sa kinaroroonan nina
Nikka.

"Woah! Look who's here!" wika nito nang makita akong papalapit sa kinaroroonan nila. Tumingin ako sa likuran nito kung saan naroon ang mga kasama namin na nagsi-backout.

I stared at them and they seems so scared by just looking at me.

"Violet, Savannah, Claire, Anna, Steph, Diane." isa-isa ko silang tinawag.

Nakayuko lamang ang mga ito at hindi sumagot sa akin.

"I thought you wanted to play basketball and become a champion? Bakit bigla kayong umalis?" tanong ko sa kanila.

"Hey Venus girl, don't pressure them." nakangising wika ni Nikka.

"I'm not pressuring them 'cause you are!" mariin kong sumbat dito.

Natigilan naman ito at natawa. "What? It's my fault? Tanga ka ba? They clearly don't want to be a lossers like you that's why the backout."

Napangisi naman ako sa sinabi nito. "Hindi  mo ba alam na ang nga taong bigla nalang sumusuko kahit wala pang nasisimulan ay ang mga talunan? Just like you."

"How dare you!" umamba itong sasampalin ako pero agad ko iyong naharangan at pabagsak na binalik ang kamay nito halos mapatumba pa ito sa ginawa kong iyon.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon