Chapter 1

22.9K 480 168
                                    

"Good morning." masayang bati ko sa mga magulang ko pagbaba ko mula sa kwarto ko para magbreakfast.

Hindi naman kumibo ang mga ito at nagpatuloy lamang sa pagkain. Pero kahit ganun ay masaya pa din akong nakisalo sa kanila at binalewala ang cold treatment nila sa akin.

Gusto niyo bang malaman kung bakit sila galit sa akin?

Tumakas kasi ako noong araw ng entrance exam sa Eastwood University. Nalaman lang ito nila Papa nang hindi nila makita ang pangalan ko sa list ng mga passers.

Galit na galit sila sa akin ni mama lalo na at nalaman nilang sa Wilhelm University ako nag-exam at pumasa.

"Peace." sabi ko nang minsang kumprontahin nila ako.

"Gusto mo bang sirain ang basketball career mo Venus?!" galit na sigaw ni Papa sa akin.

"Eh Papa, ayaw ko naman doon sa Eastwood mag-aral, madami nang magagaling dun, mag-aagawan lang kami ng spot." yun ang palaging rason ko sa kanila but they are not buying it kasi alam nilang pasok agad ako sa line up at higit sa lahat ay mapapabilang pa agad ako sa first five.

"Ano nalang ang sasabihin ng mga co-coaches ko sa professional league? Na pinayagan ko yung anak kong sumali sa pinakamahinang team sa buong SAU women's basketball?!"

"Pa, sorry na. Gagawin ko ang lahat para hindi ka maging kahiya-hiya at magiging proud ka pa sa akin."

"Okay, pagbibigyan kita, pero siguraduhin mo lang na mapapachampion mo ang team na sinalihan mo dahil kung hindi, lilipat ka ng Eastwood!"

"Pa!" magrereklamo pa sana ako kaso ay pinigilan ako ni Papa.

"Yun ang kondisyon ko, namin ng mama mo, wala kang ibang choice." iyon ang huling sinabi nito bago umakyat sa kanilang kwarto ni mama.

Naiwan kami ni mama sa sala at tahimik pa rin itong nagbabasa ng isang fashion magazine.

Kakausapin ko sana ito at kumbinsihin niya si Papa na bawiin ang kondisyon nito pero gaya ni Papa ay nagwalkout din ito.

Bahala na nga.

Kaya heto kinabukasan, hindi pa rin nakakamove on sina Papa sa nangyari kagabi kaya hindi pa ako pinapansin.

Unang araw ko na bukas sa Wilhelm at excited na ako, hindi sa pagpasok kung hindi para makita si Gabriel.

Nagsimula akong magkagusto sa kanya noong first year highschool palang ako, nameet ko siya sa palarong pambansa at sobrang galing niyang maglaro ng basketball.

Isa pa siguro sa nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging seryoso nito kapag naglalaro. Never itong ngumiti kahit makagawa ng puntos at maging kapag sila nananalo.

Marami itong fangirls, highschool pa lamang pero wala akong naririnig na nagkagirlfriend na ito. Ang sabi nila ay mga babae pa daw ang nagco-confess sa kanya pero deadma lang siya.

I think isang beses pa lamang kami nag-usap ni Gabriel, second year highschool ako noon at nakisuyo ang coach namin na ipakuha ang gatorade namin sa kanila. Kasalukuyang naglalakad ang mga ito sa likuran namin at dahil walang mautusan si coach ay nakisuyo na ito sa kanila.

Nang makuha nito ang mga iyon ay nagvolunteer akong kunin sa kanila ang mga 'yon at dumiretso ako agad sa gawi ni Gabriel kahit na siya ang may pinaka-kaunting dala.

Kinausap ko siya para kunin iyon sa kanya at okay lang ang sumbat nito. At iyon ang una at huli naming pag-uusap. Ang haba no? Sad.

Kaya naman nang magcollege na kami, talagang ginawa ko ang lahat maka-enroll lang sa Wilhelm at masundan siya.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon