Chapter 20

14.5K 325 28
                                    

Gaya nga ng inaasahan ko, nag-iba ang tingin ng lahat sa aming team magmula nang manalo kami sa tune up game against Eastwood University kahapon.

Laman ng iba't ibang social media ang nangyaring pagkapanalo namin.

Marami ang nagulat sa naging resulta ng aming laro. Sari-saring opinyon sila kung bakit nanalo kami at natalo ang Eastwood.

Kasama ko na ngayon si Papa nang bumaba ako para mag-almusal. Hindi ko pa ibinabalita sa kanya ang naging resulta pero may idea ako na alam na niya. Kalat na kalat sa internet at maging sa mga tv news.

Pagkauwi ko kasi kahapon ay hindi pa siya dumadating at hindi ko na siya nahintay kaya natulog na agad ako. Kay Mama ko lang ibinalita iyon at tuwang-tuwa siya para sa akin. Sinasabi ko na nga ba at dinadamay lang siya ni Papa sa pagtatampo sa akin. Si Papa lang talaga ang madrama.

"Nanalo daw kayo?" wika nito pagkatapos sumimsim ng kanyang kape.

"Opo. Sayang, nanood ka sana Pa." nakangiti pa ako at proud na proud na tumingin sa kanya.

"Tsumamba lang kayo." Tss bitter talaga.

Nagpatuloy sa pagkain si Papa.

"Tsamba man o hindi pa, gumana pa rin yung naisip kong game plan namin kaya nanalo kami." sagot ko naman sa kanya.

"Ikaw? Bakit yung coach niyo?" nagtatakang tanong ni Papa.

Kinabahan naman ako bigla. Sobrang proud ko kasi sa sarili ko eh ayan tuloy muntik pa akong malaglag.

"Ah eh syempre siya talaga unang nakaisip nun Pa, nagbigay lang ako ng ibang ideas." palusot ko.

"Papaano sa darating na season. Alam na nila kung paano kayo maglaro, sa tingin mo kaya niyo ulit manalo?"

"You're a coach Pa, and you know kung papaano ang gagawin oras na mangyari yan so yun ang gagawin namin." sagot ko ulit sa kanya. Natigilan naman ito sa sinagot ko pero hindi na ito nagsalita.

Sa buong pag-uusap naming 'yon ay nakamasid lang si Mama.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko para mag-ayos at ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Gabriel.

Sabado ngayon at may practice kami. Kailangan dahil malapit na ang basketball season.

Nagpumilit si Gabriel na ihatid ako kahit sinabi kong okay lang naman na hindi na kapag weekend para makapaghinga siya.

"Alis na po ako!" paalam ko sa mga magulang ko at lumabas na ng bahay. Sumakay agad ako sa kotse ni Gabriel.

Lumapit naman ako sa kanya para humalik sa pisngi niya nang bigla itong lumingon sa akin kaya aksidenteng sa labi niya dumapo yung halik ko.

This is how we greet each other simula nung hinalikan ko yung pisngi niya. Kung hindi sa umaga kapag susunduin niya ako ay sa gabi naman pagkahatid niya sa akin. Pero ito ang unang beses na nahalikan ko yung mga labi niya kaya gulat na gulat akong napatingin sa kanya.

"S-Sorry." wika ko nang makabawi sa nangyari.

"Why are you saying sorry. Gagawin din naman natin 'yun, napaaga nga lang ngayon." ngumisi pa ito sa akin.

Ngumuso nalang ako atsaka inirapan siya kasi nahiya ako bigla pero nagulat ako nang lumapit ito sa akin at saka hinalikan ang mga labi ko.

"So you won't feel embarassed." bulong nito bago umayos ng upo at paandarin ang kotse. Umandar na lahat lahat pero natulala pa rin ako sa ginawa nito.

"Hon, if you still act like that I will kiss you again." sabi nito nang mapansin ang itsura ko. Dali-dali naman akong umayos ng upo kaya natawa siya.

Basketball Goddess (Sporty Princess #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon