"Sinong marunong sumayaw?!" pasigaw na tanong ni Elle sa amin pagkapasok palang niya sa club room.
"Bakit?" tanong ko.
"Why?" si Amethyst.
"At bakit tanong din ang sagot niyo?" iritadong sumbat ni Elle bago naupo sa upuan nito sa tabi ko.
Binuksan nito ang kanyang bag at inilabas ang tablet nito at saka may pinindot pindot ito bago ipinakita sa lahat ang nais nitong sabihin.
Dahil gusto ng lahat na malaman kung ano ang nakasaad sa picturena ipinakita ni Elle ay nag-unahan ang nga ito sa pagkuha ng tablet kaya naman na-highblood na naman ang katabi ko kaya mabilis nitong kinuha ang tablet niya at saka niyakap.
"Kung sisirain niyo rin lang ang tablet ko mas magandang ilabas niyo na lang ang mga cellphone niyo at doon niya tignan sa official page ng school natin ang nais kong sabihin." inis nitong saad kaya mabilis namang inilabas ng lahat ang kani-kanilang phone para alamin kung ano ang nasa official page ng aming school.
"Oh?! Nakasaad naman dito na may baging dean ang accountancy department. Claire may bago kayong dean!" sabi ni Ashley. Napakamot naman sa ulo si Elle.
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, scroll down niyo pa at hanapin niyo yung post about sa sports day ng ating school." wika nito. Ganun nga ang ginawa ng lahat.
"OMG! lahat ng teams sasayaw?!" excited na sabi ni Ashley. "Alam na kambal! Boys hunting tayo! Balita ko madaming gwapo sa volleyball at football team." dagdag pa nito.
"Talaga?! Sige! Gusto ko 'yang naiisip mi kambal." wika naman ni Audrey. At dahil dun, nabatukan silang dalawa ni Elle.
"Bawal lumandi sa Sports Day! Mas atupagin muna natin kung anong sayaw ang ipe-perform natin."
"May marunong bang sunayaw dito?" tanong ko pero tahimik lang ang lahat at sabay-sabay na umiling.
Well marunong ako pero hindi magaling. Fast learner ako kaya kahit hindi oanilyar sa akin ang sayaw pero once na itinuro iti ay matututunan ko agad.
"Then, kailangan natin ng magtuturo sa atin dahil hindi pwedeng hindi tayo magperform sa Sports Day dahil required na magparticipate lahat ng teams." sabi ni Elle.
"I think may naisip na ako kung sino ang pwedeng magturo sa atin." napatingin naman ang lahat sa akin natapos kong sabihin iyon. "Elle, do you still have contact with Cassie?" pagkabanggit ko palang sa pangalan nito ay automatic na lumiwanag ang mukha nito.
"Oo nga no! Bakit hindi ko siya naalala agad. Pupuntahan ko siya mamaya para naman mapakinabangan ang talent niya." wika nito.
Matapos ang usapang iyon sa aming club room ay nagsibalikan na kami sa aming mga klase.
"Oh? Nagreply si Cassie, wala daw siyang klase ngayong oras, balikan kita diyan." paalam ni Elle dahil nasa library kami ngayon para sa isang research na iniwang activity sa amin ng aming professor dahil may gagawin daw itong importante. Kaya ibig sabihin may klase pa din kami ngayon pero nasa library nga lang kami kaya walang takot na umalis si Elle dahil wala namang magbabantay sa amin dito.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ko pero bigla akong natigilan nang makita ko si Gabriel na papasok dito sa loon ng library.
Shit! Bakit ngayon pa? Sobrang messy pa naman ng buhok ko dahil nakakastress magbasa ng madaming libro. Mautak din yung professor naming 'yun eh. Talagang research kung research talaga ang pinagawa at yung partner ko iniwan pa ako.
Ang haggard ko na tuloy at dahil wala akong dalang ponytail. Ginawa ko nalang pang-ipit yung isang ballpen ko at kahit na magsihulog na ang ilang hibla ng buhok ko ay wala akong pakialam basta matapos ko itong pinaparesearch sa amin.
Pero syempre kanina 'yun. Iba naman ngayon dahil nandito si Gabriel. At dahil wala na akong oras para ayusin pa ang itsura ko, pasimple nalang akong umalis sa table ko dala ang mga libro at saka pumunta sa mga shelfs na nasa pinakadulo at doon nalang ako pumwesto.
Wala naman na sigurong pupunta masiyado dito. Kaya umupo nalang ako sa sahig at saka ibinaba ang mga librong hawak ko at iyon ang ginawa kong patungan para makapagsulat ako sa anumang mareresearch ko.
Mabuti nalang at palagi lang akong naka-jeans kaya kumportableng umupo kahit sa sahig.
"Bakit ba ang hirap ng mga 'to? Wala naman ata dito yung pinapahanap ni Sir at talagang gusto niya lang na maghanap kami ng maghanap para may magawa kami sa oras ng klase niya." wika ko sa sarili habang isa-isang nililipat ang mga pahina ng librong hawak ko.
Kung pwede lang sumigaw ay ginawa ko na dahil sa frustrations ko dito sa research na ito. Medyo maarte pa naman 'yung sir naming iyon dahil kahit own words mo ang ilalagay mong sagot, kailangan may reference ka pa rin, kung anong title ng libro, author, pahina, year kung kailan naipublished at walanghiya na-stress na ako dahil wala pa din si Elle.
"Arrggh!!" inis kong saad at saka tumingala pero nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Gabriel. Nakayuko ito at tinitingnan ang binabasa kong libro kaya nagkasalubong ang mga mukha namin nang tumingala ako.
At dahil sa gulat ko ay biglang nanlambot ang mga kamay ko na nakatukod sa magkabilang gilid ko kaya natumba ako pero bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang mabilis itong lumuhod at saluhin ang katawan ko.
Shocks! I'm not a fan of romantic movies or dramas and sobrang nagc-cringe ako sa mga ganitong moments pero ngayon gusto ko nalang ganito kami ng matagal. Siya na nakahawak sa likod ko habang magkatitigan kami.
Pero biglang nawala ang moment na iyon nang marinig namin ang boses ni Elle at hinahanap ako.
Tinulungan niya akong umayos ng upo bago muling tumayo at saka umalis. Naiwan naman akong nakatanaw sa kanya habang paalis ito. Nang mawala na ito sa paningin ko ay sumakto naman ang dating Elle na sa kabilang sulok dumaan kaya hindi sila nagkasalubong ni Gabriel.
"Andito ka lang pala, napapayag ko na si Cassie basta daw hindi dito sa school tayo magpapractice." sabi nito at naupo na din aa harapan ko.
Kumunot ang noo nito nang mapansin akong tumitingin-tingin pa din sa likuran ko, nagbabakasali na baka bumalik si Gabriel.
"Hoy, nakikinig ka sa akin? Kanina ka pa tingin ng tingin sa likuran mo, ano bang meron?"
"Sana tinagalan mo pang dumating para naenjoy ko yung moment ko kay Gabriel." mahinang usal ko habang nakatingin pa rin sa dinaanan ni Gabriel kanina.
"Hoy girl, ayos ka lang? Ikaw napaghahalataan na kita, lagi ka nalang tulala. Gutom ka ba palagi?" tanong nito sa akin.
"Oo kaya ilibre mo na ako at ikaw na din tumapos nitong research na 'to." sagot ko sa kanya nang matigil na ito at kung baka ano pa ang maisip.
Inaya naman ako nitong bumalik sa table namin kanina at saka siya na ang nagpatuloy sa research namin. Pero tinutulungan ko pa din naman siya at naghanap pa ako ng ibang books na naroon sa library na pwede naming mapaghanapan ng sagot.
Hindi ko na din nakita si Gabriel sa library kaya sa tingin ko ay umalis na din agad ito. Hindi ko man siya nakitang muli sobrang saya ko sa nangyari kanina kahit na ang pangit ng itsura ko basta nahawakan ako ni Gabriel.
Grabe ang landi ng isipan ko.
**
BINABASA MO ANG
Basketball Goddess (Sporty Princess #5)
General FictionIf there's a muse in basketball, then I am the GODDESS. Alam ng lahat na ang basketball ay popular lamang para sa mga lalaking manlalaro. Pero nag-iba ang lahat ng iyon nang sumali ang isa sa pinakasikat na highschool standout na si Venus Francesca...