Chapter 24

7 1 0
                                    

Eric Ortiz's P.O.V.

Wala akong lakas ng loob na sabihin at ipaalam na siya ang Tatay namin, na si Toxic ang Tatay namin.

Ngayon ay pupunta muli ako sa kanya para tapusin na ang lahat, tama na ang mga paligoy-ligoy, tatapusin na din namin ito ngayon!

At para lang din sa kaalaman ng lahat ako ang isa sa mga espiya ng nature spirit dito sa mga kalaban.

Hindi nga lang ako makapasok sa loob pero ako ang nagsisiyasat sa pagkilos ng mga nagta-trabaho sa building na ito.

Kasalukuyan akong nagtatago sa likod ng isang sasakyan. 

Pinasok na nila sa building yung scientist na kinuha nila mula sa agency namin.

Sumunod naman akong pumasok sa building na 'to, and this time hindi na ako inawat ng guard, hindi ko alam kung anong dahilan pwedeng dahil sa alam niyang anak ako ni Toxic o dahil malaki na ako ngayon, isa pa hindi lang naman ang hq ng Anti-Nature ang nandidito.

Dumiretso ako sa area kung nasaan ang hq nila.

Pagkaakyat ko doon sa floor na aking pupuntahan ay agad agad akong pumasok sa hq nila.

"Asan si Toxic?!" hanap ko agad sa kanya.

Mula sa lamesa niya ay dahan-dahan siyang humarap sakin. "Welcome back, anak."

"Wala akong panahon para makipaglokohan pa sa'yo!" sagot ko sa kanya.

"Relax anak, sana naman next time na babalik ka dito isama mo ang kapatid mo," sabi niya sakin habang nakangisi.

"Kahit kailan hindi ko ipapaalam sa kapatid ko na ikaw ang Tatay namin!" bulyaw ko uli sa kanya.

"Ibalik niyo sakin ang mga stones ngayon na!" utos ko sa kanila, walang sumunod sa kanila ngunit lahat sila ay inihinto ang kanilang mga ginagawa.

"Hindi niyo na iyon makukuha, dahil magiging kayo ang mga stone na iyon," aniya.

"Ano ibig mong sabihing magiging kami?" - ako.

May pinindot siyang remote at may umangat na anim na capsul mula sa sahig, nagbukas iyon at nagulat ako sa nakita ko.

Katawan naming anim ang nandoon!

"Binalak mo pa talagang gayahin ang pagkatao namin!"

This time may humawak na dalawang tauhan niya sa mga braso ko, nagulat nalang ako ng bigla niya akong sinikmuraan.

Nanghina buong katawan ko, at sa mga oras na ito ay nakaluhod na ako.

Ang 3 stone ay naging anim, hinati nila ito sa kalahati, ito pala ang purpose kung bakit sila nakikipaglaban samin, to collect our data, our fighting style.

"Sa pamamagitan ng power stone na ito, magma-manifest ang regin ninyo sa mga artificial na katawan na nasa harapan mo, kaya humanda ka na," sabi tingin sakin ng masama. Pinadaloy ko ang electricity sa aking buong katawan kaya na kuryente yung mga may hawak sa braso ko.

"Malalaman din nila ang lahat ng plano mo!"

"Kung makakalabas ka pa ng buhay dito!" sigaw niya at agad nila akong nilusob.

Hindi sila nakaramdam na nakapagsend ako ng message sa mga kasamahan ko, naramdaman kong malapit lang sila dito kaya kampanti na ako ngayon.

Mula sa corridor ng floor na 'to ay agad akong tumalon.

"Paalam lightning spirit," huling pangungusap niya na narinig ko habang nahuhulog sa building na 'to.

Nagulat silang lahat sa biglang paglipad ko sakay ng isang malaking agila, hindi nga ako nagkamali at nandito na nga sila.

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon