Cryst Zamora's P.O.V.
Kasalukuyan siyang nakapatong sa ibabaw ko, alam kong weird ang position nmin pero naiilang na din ako ng sobra kaya parang naninigas na ako dito.
Agad naman siyang bumangon, parang natataranta din siya.
"Sorry, sorry," nahihiya niyang sambit. "Ikaw kasi eh, inagaw mo pa sakin, sabi ko ako na nga lang eh." Sabay kuha niya sa tambo at agad na nagwalis.
Ako naman ay tinuloy nalang din na gawin at tapusin yung project nila.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maalis sa isip ko yung nangyari kanina, nakakahiya. Hindi ko alam tuloy kung paano mago-open ng topic.
Parang sinasabi na din ng katawan ko na umuwi na ng bahay, pero iniisip ko din yung kalagayan ni Watty, babae lang siya at walang kasama lalo na ngayon at pagabi na din.
"Cryst uwi ka na, baka hanapin ka na sa inyo," sabi niya sakin habang hindi ako nililingon at patuloy sa pagwawalis.
"Hindi na sige, tapusin ko na din 'o isang kabit nalang ng isang piyesa," pagtanggi ko.
Nang matapos na akong gumawa nung project nila ay agad na din ako nagpaalam sa kaniya na uuwi na ako.
Parang pinagtutulakan pa niya ata ako palayo sa kanya eh.
***
Watty Ortiz's P.O.V.
Hindi ko ngayon alam kung ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya, takte, punong-puno na ako ng kahihiyan!
Buti nalang at mabilis natapos ni Cryst yung project namin.
Nagpaalam na siya sakin na uuwi siya kaso inuna niya munang i-check yung cellphone niya bago umalis.
Para itong may binabasa tapos tumingin siya sakin.
"Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Ah wala, wala, punta daw tayo doon sa restaurant na mga 1 km lang daw ang layo mula sa hq. Sa may Lanza Cocida daw," sabi niya sakin.
Agad naman akong nagayos ng sarili ko, may extra pa akong dress na color light blue kaya iyon nalang ang isinuot ko.
Nag-ipit din ako ng aking buhok. Inayusan ko din ang sarili ko gamit ang maninipis na make up. Hindi ako gano'n kahilig mag-make up pero hindi ko alam kung bakit ako naganahan na gamitin iyon.
Lumabas ako sa kuwarto at nakita si Cryst na nakatutok sa phone niya sa may pinto kaya ako na ang bumati sa ginagawa niya.
"Mamaya na 'yan, tara na," aya ko sa kanya.
Napatingin siya sakin at mukhang gulat na gulat naman siya. "You look so beautiful," batii niya sakin.
Ugh! Puso, huwag ka nang umasa, masasaktan ka lang!
"Thank you," pa-humble kong saad sa kanya.
"Tara na?" tanong niya. Tumango nalang din ako bilang tugon at sumakay kami sa sasakyan niya.
Wala kaming ibang kasama kagaya kanina sa bahay, wala siyang driver, siya nalang ang nagda-drive ng sasakyan niya.
"Are you okay?" tanong niya.
"Oo naman, ba't mo na tanong?" tanong ko pabalik.
"Ito kasi mga nakaraang araw, parang nagbabago ka. Iniiwasan mo ba ko?"
"Ano?!" gulat kong anas. "Pano mo nasabi 'yun? Diba pinatuloy na nga kita sa bahay? Anong iwas dun?" Medyo mataas kong tono na sagot dahil na rin sa biglaang pagkagulat.
"Relax, opinion lang." saad niya habang patuloy na nagda-drive.
Hindi ko na siya pinansin at sumilip nalang sa labas ng sasakyan ni Cryst.
***
Aria Alejandro's P.O.V.
Nandito na kami sa restaurant, inaantay nalang namin sila Cryst at Watty, asan na ba kasi yung mga 'yun?
"Parang ang tagal nila Watty," puna ko sa tagal ng oras sa pagdating nila.
"Ngayon lang daw nakita ni Cryst yung text ko, on the way na sila," sagot ni Rockie.
Ilang minuto lang at dumating na sila.
"Wow, Watty you looks so beautiful," bati sa kanya ni Fherlyn.
"And natural," dugtong ko.
"Kanino pa ba magmamana?" sabay turo ni Eric sa sarili na naging dahilan ng aming pagtatawanan.
Ningitian niya lang kami at dumiretso siya sa c.r. magaayos daw muna siya ng sarili niya.
Ngayon ay kami nalang lima ang nandito sa table.
"Guys, napansin niyo ba yung pagbabago ni Watty?" tanong ni Cryst.
"Oo, gumanda siya," ani Rockie.
"Hindi iyon, about her attitude." - Cryst.
"Bakit anong meron sa kapatid ko?" tanong ni Eric.
"Para kasing lagi na siyang umiiwas satin." - Cryst.
"Satin, o sa'yo?" sarcastic na sabi ni Fherlyn.
"What?! Bakit naman niya ako iiwasan?" tanong uli ni Cryst.
Nagkibit-balikat nalang din kaming lahat.
"Basta ako ang alam ko, emotional yung kapatid ko," ani Eric. Saktong pagkasabi niya ay dumating si Watty.
"May problema ba Kuya?" tanong niya.
"Ah wala naman," tugon nito.
Agad din naman dumating ang order naming pagkain, masaya na sana ang aming kainan ng biglang may dumating na mga tauhan ni Toxic.
Pagpasok palang nito sa pintuan ng restaurant ay nakilala ko na agad sila dahil sa mga tatak nila sa noong part ng maskara nila.
"Guys," tawag ko sa kanila nang pabulong. "Labas na tayo, baka may madamay na mga inosente, nandyan mga tauhan ni Toxic."
Lahat kami ay dali-daling nag-ayos na at umalis na palabas ng restaurant na 'to.
Nang makalabas na kami ay patuloy kaming sinusundan ng mga tauhan niya.
"Takbo!" sigaw ko at sabay sabay kaming nagtakbuhan.
Gumawa si Rockie ng hugis bangkang lupa, sakto lang din naman yun samin kapagnagsiksikan.
So ayun, gamit yung boat na iyon, tumakas kami sa mga alagad na pangit.
Pero sobrang bilis pa din nila, upgraded yung gamit nilang mga motor, may booster pa ata.
Tumayo si Cryst at ginawang yelo yung daan, nasemplang yung ibang naka-motor, pero nahulog naman siya doon sa lupang bangka.
"Cryst!" sigaw ni Watty.
Agad na nanakbo papunta samin si Cryst kaso sobrang bilis din nung isang naka-motor at agad siyang nahawakan sa balikat, bigla nalang din siyang bumagsak dahil sa kuryente na naka-attach sa gloves na iyon.
Biglang tumalon si Watty para iligtas siya. Agad din naman pinahinto ni Rockie yung bangka na gawa sa lupa.
"Watty bumalik ka na dito!" awat sa kanya nung Kuya niya.
"Hindi naman natin pwede pabayaan si Cryst!." At pagpapatuloy niya sa pagtakbo papunta doon sa naka-motor na dadakpin na dapat si Cryst.
Dahil ayaw niya magpa-awat sumunod nalang kami sa kanila at patuloy na hinahabol yung motor, habang si Watty ay nagsasariling sikap sa pagtakbo.
Kaso hindi sapat ang bilis namin para habulin namin sila.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...