Sarayang's P.O.V.
Ngayong buo na ang mga pinuno ng aking hukbo ay makakapagsimula na sila magsanay ng maayos at matitiyak ko ang labis na pagkalakas ng aming hukbo.
Humanda lang talaga ang Elyssa na 'yan sa akin at matitikman niya ang bagsik ko. Hindi pa ako tapos sa'yo, kahit na may bago ka ng kapangyarihan ay hindi mo pa din ako masisindak.
Umalis na muna ako mula sa aming kuta at nagpunta sa Icuigas para masigurado na maayos ang gaganapan ng lugar kung saan ako ang magtatagumpay.
Pagkadating ko doon ay napupuno na iyon ng sambahayan at mga gusali, hindi na pala iyon katulad noon na isang lugar ng labanan. Ngayon ko napagtanto na mabilis talaga ang takbo ng panahon. At habang humahaba ang panahon ay mas lalo akong namumuhi sa aking asawa at nilikha niya pa ang mga tao na walang ibang ginawa kundi sirain ang magandang mundo.
Ako ang magiging pag-asa sa mundong ito, gagawa ako ng isang bagong mundo na wala ng mga tao, isang mundo na puno ng kaayusan at katahimikan. Ako ang bagong pag-asa ng lahat, kailangan ko lang tapusin ang mga hadlang sa aking plano, ang mga pipitsuging mga bata na nakikisali sa gulo ng mga bathala.
Pumunta ako sa sentro ng Icuigas at ginamit ko ang aking malakas na boses para marinig ng mga tao. "Lahat kayo na nandidito sa bayang Icuigas ay inuutusan kong magsilikas kung ayaw ninyo madamay sa labanan!"
May mga tao na agad nakinig at nagayos sa kanilang paglikas at mayroon din namang pinagtawanan at kinutya lang ako.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Gusto mo tuluyan na kita ha!" Bulyaw ko sa isang lalaking lasing na dinuduro ako.
Hindi ito tumugon sa akin at dinuruan lang ako.
Tinutuok ko sa kanya ang aking sandata, at sa isang iglap lang ay naging abo ito, nakita din ito ng ibang mga tao kaya sila ay nagtakbuhan at umalis na sa lugar. "Matuto kayong lumugar kung sino ang kakalabanin at babastusin niyo!"
Nang masiguro ko na naubos na ang mga inosenteng tao sa lugar aya agad kong sinira ang mga bahay at mga gusali sa lugar na ito. Sinimot ko lahat ng bagay na makakasira o makakaistorbo sa labanan namin.
Tanging natira lamang ay ang isang trono na gawa sa bato, naka-pwesto ito sa gitna ng Icuigas. Nang masira ko na ang lahat ng gambala ay agad kong ginawang ginto ang trono at umupo doon.
Ilang minuto lang din at dumating na ang aking hukbo.
Ilang oras na akong nakaupo sa aking trono at patuloy na pinagmamasdan ang paligid nang biglang makuha ang aking atensyon ng isang sasakyan papaunta sa luagr namin.
May lumabas doon na mga tao na may hawak na kung anong kagamitan.
"Isang magandang araw sa ating lahat, isang kalagim-lagim na pangyayari ang naganap dito sa bayan ng Icuigas, malinaw mula dito ang isang babae na nakaupo sa trono na tila ba isang reyna, malamang sa malamang siya ang may kagagawan ng lahat ng 'to." Ani nung babae na may hawak na patpat na may bilog sa ibabaw.
Lumapit ako sa kanila. "Anong ginagawa ninyo? Bakit kayo naririto?" Tanong ko.
Takot na lumingon sa akin ang babae. "Nagbabalita po, lalabas po kayo sa tv at makikita kayo ng madaming tao." Nanginginig na tugon nito.
"Kung gayon, sasali ako, nais kong iparating sa lahat ng tao na ako si Sarayang, ang bagong bathala sa mundong ito! Ako ang bagong pag-asa ng mundong sinira ng mga tao!" Sabi ko sa kanya. "Anong tawag diyan?" tanong ko sabay turo doon sa patpat na may bilog sa ibabaw.
"Mic po, para mas lumakas ang boses ng gagamit nito." Nangiginig at tila takot na takot na sagot niya.
"Sige, sasama ako sa pagbabalita mo."
Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay nagmadali ang mga tao na bumalik sa sasakyan nila at agad na umalis.
Ilang minuto lang at mga sasakyan na maiingay nanaman ang lumapit sa amin, may ilaw ito na asul at pula.
"Sumuko na kayo kung ayaw niyong masaktan." Sigaw nung naka-asul na lalaki na may hawak na pampalakas ng boses.
"Kilalanin niyo muna ako!" Sigaw ko sa kanila.
Iniangat ko ang aking armas at biglang nabuo ang isang buhawi, nang makita nila iyon ay agad silang lumikas at nagsilaisan sa lugar. Pagkatapos nilang umalis ay sinira ko na ang buhawi.
Napalinga-linga ako sa paligid at may naramdaman akong kulang sa mga kasamahan ko. "Asan si Malling?"
***
Aria Alejandro's P.O.V.
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa bahay, kakatapos lang din namin mag-ensayo sa araw na ito.
"Hey guys! You must see this." Sabi ni Fherlyn na tila ba gulat na gulat.
Agad kaming sumilip sa cellphone niya, nakita namin ang isang balita at sa balita na ito ay involve sila Sarayang, hindi dapat madamay ang mga inosente dito. Nasaad din sa balita na maging ang mga pulis ay hindi sila mapaalis.
"Kumikilos na talaga siya, panigurado may ginawa na siya na panibagong bagay kaya tumataas nanaman ang tingin niya sa kaniyang sarili, marapat lamang na maging wais tayo kesa sa kanya, huwag tayo basta-basta magdesisyon at huwag tayo magpadala sa ating mga emosyon."
"Tama si Elyssa, kailangan muna natin ng isang matibay na plano na ating panghahawakan before we do something." - Rockie.
"So what's the plan?" Tanong ni Fherlyn.
"I suggest na tayo muna ang humarap kay Sarayang at kilalanin munang maigi ang kanyang hukbo, at pagkatapos ay tumakas tayo at paghandaan sila, para wala din madami ang magbuwis ng buhay sa labanan." Sabi ko.
"Hindi pwede ang suggestion mo," kontra ni Eric.
"May naisip ka pa ba?" Pataray na tanong ni Watty.
"Kailangan natin ng tulong ng Nature Agency, gera kung gera, iyon na ang pinaka-final option natin, sa isang digmaan hindi maiiwasan ang pagbuwis ng buhay, mamatay man sila ngunit hindi naman sila mamatay nang walang karangalan. The best plan is lalaban tayo hangga't kaya." - Eric.
"Sangayon ako," sambit ni Elyssa. "Sapat na ang ating pagsasanay, kung gera ang nais na ibigay sa atin ng aking Ina iyon din ang ibalik natin sa kanya, ngunit kailangan pa din natin maging matalino, hindi tayo dapat mabitag sa mga patibong nila o sa mga plano nila."
"Hindi muna tayo susugod sa kanila," nagulat kami sa isang boses mula sa likod.
"Papa?" Gulat na sambit ni Watty.
"May mga bagong pinuno ng hukbo na nilikha si Sarayang, kailangan ninyo na maging handa. Hindi sila basta-basta, kasama sa kanila si-
"Wilbert? Anong ginagawa mi dito?!" Nangigigil na sambit ni Tito Franco.
"To, relax lang." Sabi ko.
"Franco!" Sabay yakap dito ng mahigpit.
"Magkakilala kayo?!" Gulat naming sambit.
"Dati ko siyang bestfriend, pero hindi na ngayon, simula nung naging Toxic siya." - Tito Franco.
"Pero ngayon ako na uli ito, si Wilbert na kaibigan mo." - Tito Wilbert.
"Mawalang galang na po mga Tito, pero may kailangan po tayong ayusin sa mga oras na 'to dahil kumikilos nanaman po si Sarayang." Pagawat ko sa nabubuo nilang conversation, may mas importante pa kasi kaming dapat ayusin. "By the way, Tito Franco, asan si Papa?"
"Hindi ko din alam," tugon nito.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...