Chapter 10

11 2 0
                                    

AN: Thank you @arlettevgetizo for your votes! Thank you for your support!!!!



Aria Alejandro's P.O.V.

"Sana naman madala ka na Rockie, magaral ka na kasi ng mabuti," sermon ni Eric kay Rockie.

"Nagaaral naman ako ah, sadyang mahirap talaga ang lesson ni Ma'am Dizon, lagi kaya 50% ang score ko sa ibang subject, sa kanya lang ako zero. Ang sungit sungit pa, mukhang bowl," pagdepensa niya pa.

"May sinasabi ka ba Mr. Cruz?!"

Sabay-sabay kami napalingon sa likod at doon namin nakita si Ma'am Dizon na naka-cross arm pa habang nakataas ang isang kilay.

Nag-peace sign lang si Rockie, and because we are all connected to each other, nababasa namin ang isip ng isa't-isa.

"Takbo!" Sabi ni Rockie sa isip niya kaya sabay-sabay kami nagtakbuhan papunta sa kanya-kanya naming class. Ilang minuto lang at nakadating na kaming tatlo sa room namin.

"Bakit kayo late? I want your valid reason kung bakit kayo late," bungad samin nung masungit naming teacher na si Sir Esteban.

Hindi ako makapagsalita sa sobrang hingal kaya si Eric nalang, wala din kasi sa hulog kung magpaliwanag si Cryst eh.

"May inayos lang pong gulo sa Guidance office," sagot ni Eric.

"Where's your cards?" tanong uli ni Sir.

"Grabe sir? pag-guidance card agad? Hindi po ba pwede na malinis ang record namin?" biglang satsat ni Cryst kaya siniko ko agad siya para manahimik.

"Yeah, may point ka nga naman, Come inside."

Aba, nakatulong pa pala ang pagiging wala sa hulog nitong si Cryst. Not bad for this time.

Time pass by and uwian na namin ngayon, doon kami nagkita-kita sa gate ng school sa may waiting shed sa labas.

Ilang minuto lang at kumpleto na kami, sabay-sabay kaming sumakay sa van namin at umalis na kaagad.

Naunang bumaba si Fherlyn, malapit lang din kasi yung bahay niya dito, next si Rockie.

Ilang minuto pa at natunton na din namin ang bahay ni Cryst. Nakakapagtaka lang, bakit may sled sa gilid ng gate nila eh wala namang yelo?

Pagbaba niya ay patuloy ko lang siyang pinagmasdan mula sa uma-andar na van, ginawa niyang yelo yung daan at ginamit yung sled papunta sa pinto ng bahay nila. Malaki din ang bahay nila.

Malawak ang bakuran, and elevated ito mula sa gate ay pababa na ang daan at patag na sa mismong tapat ng maiksing hagdnan papunta sa mismong pintuan ng bahay nila. Nice idea din ang sled, mas mabilis and mukhang nakaka-enjoy i-try.

Nahatid na din namin si Watty sa bahay nila, sasamahan daw kasi ako ni Eric mag-training sa bahay habang may two hours pa ako bago magsimula yung training ko kay Tita.

Gusto ko sanang isama si Watty kaso nga lang gagawa daw siya ng project nila.

Pagdating namin sa bahay ay agad na akong nag-ayos na susuotin ko, dumeretso ako sa kuwarto ko at sinuot yung pambaba ko na pantraining, fit na black jogging pants, stretchable naman ito at hindi mabilis masira.

Sports bra, nalang ang ginamit kong pangitaas.

Agad na akong bumaba at pumunta sa bakuran, baka kasi mainip sa kahihintay si Eric.

Pagbaba ko ay agad na bumungad sa akin ang malaki niyang katawan, ang chest niya na halos kasing laki ng hinaharap ko at ang mga pandesal niyang naglalakihan.

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon