Chapter 25

8 1 0
                                    

Aria Alejandro's P.O.V.

Masaya ako para sa kaibigan ko, sa wakas at hindi na siya magseselos sakin dahil confirm na siya ang pinili.

Kailan kaya ang tamang time para sakin?

Ngayon nga pala ang araw ng pag-alis namin na pangungunahan ni Cryst. Hanggang ngayon ay medyo may kaba akong nararamdaman sa kanya dahil hindi pa niya kontrolado ng sobra ang regin niya sa hindi malamang dahilan.

Agad kong kinuha ang mga dapat kong dalhin at sumakay na agad sa aking inner spirit. Kasama ko si Eric, si Fherlyn at Rockie naman ang magkasama sa sand dragon, and yung mag-jowa sa kabayo ni Watty naman.

Ilang oras ang nakalipas bago kami makadating doon. Dito daw nila nakita ang stone na naka-assign para sa team nilang dalawa.

Ang ganda, parang islang gawa sa yelo.

May sumilip na mga serena at shokoy mula doon, hindi naman sila nagdalawang isip na papasukin kami nung makita nila sila Watty.

Mas maganda pala dito sa loob. Kaso nga lang sobrang lamig ng buong paligid, giniginaw tuloy ako.

Dahan-dahan kaming pumapasok sa loob ng biglang may isang Shokoy na nakakatakot ang tindig.

"Anong dahilan at bumalik ka pa dito! Pagkatapos mong sirain ang lahat ng 'to?! Mas maganda pa sana ang lugar namin kung hindi mo sinira!" sigaw niya kay Cryst.

Oooops may hindi pala kaaya-aya sa paligid na 'to.

"Sorry na," sabi ni Cryst sa kanya, "Promise hindi ko na sisirain ang buong lugar niyo. Napunta lang kami dito mga spirit kasi need namin ng tulong mo. Kailangan mo kami i-train para mapalabas ang aming mga special ability," pagpapaliwanag niya.

"Papayag ako, pero sa isang kondisyon..." - Hari.

"Ano?" sabay-sabay naming tanong.

"Hindi pwedeng gamitin ni Cryst ang regin niya hanga't hindi naaayos ang pagdaloy ng regin sa katawan niya," sagot niya samin.

"What?! Paano ako makakapag-training?" pagrereklamo niya.

"Huwag ka nang tumanggi," utos sa kanya ni Eric.

Natuloy na nga ang nais ng isang 'to, kawawang Cryst.

"Magpahinga muna kayo at maglibot-libot sa paligid. Magsisimula ang ensayo natin bukas," sabi ng Hari sa amin at agad naman namin itong sinunod.

Ang galing lang kasi meron din kaming sariling kuwarto, and sa kuwarto namin, hindi na masyadong malamig kasi crystals na ang nandoon.

***

It's already 7:00 in the morning sa cellphone ko. Kainis lang kasi walang signal sa lugar na 'to.

Nagulat ako ng biglang may tumunog na isang malakas na ugong. Lahat tuloy kami ay napalabas mula sa aming mga silid.

"Ano nangyayari?" gulat na tanong ko.

"Magsisimula na tayo ng pageensayo, lilikas tayo at lilipat sa islang may isang kilo-metro ang layo mula dito, bilisan niyo, paunahan nalang makadating doon, kasama na din ito sa inyong pageensayo, bawal kayo humingi ng tulong sa iba, at walang gagamit ng bangka."

Medyo challenging ang part na 'to pagdating kila Cryst, Fherlyn, at Eric.

Agad naming pinalabas ang eagle ko at ang sand dragon ni Rockie.

Dalawa kaming ngayon na nagunguna, habang kasunod si Watty.

Nang nasa kalahati na ako ng distinasyon ay tinanaw ko muna sila Eric, Fherlyn, at Cryst.

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon