Chapter 19

9 1 0
                                    

Aria Alejandro's P.O.V.

"Bibig mo, parang hinuhubaran mo na ko sa reaction mo diyan," sabi niya sakin. May pagkayabang din palang taglay ang isang 'to.

"Hey! How dare you!" - Me. Hindi niya lang ako pinansin at dire-diretsong naglakad habang kunti-kunti nawawala yung armor niya.

Tanghali na ngayon, still bad mood pa din ako, wala akong pakialam sa paligid ko dahil sa inis ko, pinagluluksa ko din ang pagkamatay ni Tatang sa oras na ito. Hindi pa din mawaglit sa isip ko ang storm stone, nanghihinayang ako.

"Kain ka na muna," sabay abot sakin ni Eric ng tinapay.

Ilang oras lang at nakahanda na ang lahat sa libing ni Tatang. Nandito na ang mga buto niya sa isang banga. 

Nais ng mga naninirahan dito na ilibing si Tatang sa tuktok ng bundok, bilang pagala-ala sa mga mabubuting nagawa nito.

Sama-sama kami na nagpunta sa paanan ng bundok, at kami na ni Eric ang umakyat sa tuktok nito at nagiwan ng banga ni Tatang.

Hindi ko na talaga mapigilan ang luha ko, sobrang naging mabait sa amin si Tatang, napaka-init ng pagtanggap nila samin at siya lamang ang nagalaga sakin ng sobra.

Nag-nestea style nalang ako sa pagpapalaglag dito sa bundok, ang sarap pala ng feeling na ganito ang presence ng hangin.

Don't worry, air forest nga diba, tsaka ulap naman ang babagsakan ko eh.

Sama-sama din kami bumalik sa resting area namin kagaya kung paano kami pumunta dito sa paanan ng bundok.

Pagkadating doon ay agad kaming nagayos ng gamit ni Eric, paghahanda sa aming pag-alis dito sa Air Forest.

Habang nagaayos ako dito sa silid na tinutuluyan ko ay nagtanong si May kung pwede daw ba pumasok and pumayag naman ako.

"Sana maging payapa na muli itong lugar niyo," sabi ko sa kanya.

"Sana nga," malungkot niyang tugon. "Bago sana kayo umalis, may gusto sana akong aminin sa inyo, sana huwag kang magalit."

"Bakit naman ako magagalit? Ano ba 'yun?" tanong ko sa kanya.

"Kami ang tinutukoy namin sa mga kwento namin sa inyo patungkol dito sa air forest."

"So ibig sabihin kayo yung mga abusadong tao dito?" curious kong tanong.

"Oo, kami ang naparusahan, ang bundok na nandito ay ginawa para samin, madami na din kaming kasamahan na namatay sa bundok na iyon." Is this for real?! "Kaya din kami nakakapagsalita dahil maging kami ay dating tao din, wala nang ibang tao ang kayang umintindi sa mga sinasabi ng ordinaryong ibon maliban lang sa air spirit."

"Kaya ba gano'n nalang magsalita yung sexy na alagad ni Toxic?" medyo disappointed na sabi ko sa kanya.

"Wala kayong kwenta! deserve niyo lang pala na ihagis at patayin sa bundok na 'yun!" sabat ni Eric. Nagulat ako nang makita ko siya sa may pintuan ng silid ko. Agad ko siyang nilapitan para pakalmahin.

"Past is past Eric, wala na tayong magagawa," sabi ko sa kanya.

"Pwes ako may gagawin ako!" sigaw niya sabay nagmadaling lumabas ng silid. Masama ang pakiramdam ko about this. Ginamit niya ang panther niya para mabilis makaalis, sunundan ko naman siya with Manang Agila, papunta siya ngayon sa direksyon papunta sa bundok.

Sobrang bilis ng panther niya, hindi namin matapatan, gano'n siguro epekto kapag nagsama ang inner spirit at ang tao, kasi halatang napipilitan lang din si Manang Agila na sundan sila, parang sangayon pa nga siya sa ginagawa ni Eric.

Mula dito sa pwesto ay natanaw ko na ginamit ni Eric ang lightning spirit niya para sirain at pabagsakin yung bundok. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita, mas malakas siya ngayon, dahil ba iyon sa lugar na 'to?

"No!" sigaw ko habang nakikitang gumuho yung bundok sa harapan ko. "What did you do Eric?!" bwisit na sabi ko sa kanya.

"Sa'yo na nga mismo nanggaling na past is past diba? Kung gano'n, dapat sirain na din ang past na sumpa, para sakin, napatawad ko na sila sa ginawa nila sa dating ordinaryong gubat na 'to, sapat na naghirap ang ilan sa kanila bilang kaparusahan," sagot niya sakin. Minsan talaga hindi ko mabasa ang katauhan ng isang 'to. Sa aming anim siya lang talaga ang hindi ko matukoy kung ano.

"Gigil, ka agad dyan eh," sabay tawa niya sakin.

Babalik na sama kami sa mga silid namin ng bigla namin naramdaman ang pagyanig ng ulap na inaapakan namin. Parang dahan-dahan itong bumababa.

Napaupo ako dahil na-out of balance ako sa paggalaw nito.

"Are you okay?" tanong sakin ni Eric, tumango nalang din ako bilang tugon sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakadating na kami sa baba, ito siguro ang dating pwesto nito.

Unti-unting naging lupa ang mga ulap at putol-putol na punongkahoy ay agad na lumitaw, muli nga itong nabalik sa dati ngunit wala na ang dating ganda nito.

Kung papansinin maiigi ay hindi na ito karapat-dapat pang tawaging gubat, naglitawan din ang ibang uri ng hayop dito.

Nanakbo si May papunta kay Eric at patuloy ang pasasalamat niya dito habang lumuluha, pero ang sumpa ay sumpa. Dating nasa 20's si May pero dahil sa epekto ng bundok, naging 50's na edad niya.

"Pangako, muli naming bubuhayin ang gubat na 'to," sabi sa amin ni May. 

Sa wakas, solve na din ang problema, kami nalang talaga ang may problema talaga.

"About doon sa stone, 'wag kayong mag-alala," aniya. "Alam ko kung saan ang kuta nila, ngunit hindi kayo basta-basta makakapasok, delikado. Kakailanganin niyo ang isang hukbo."

Medyo nanindig ang balahibo ko dahil sa mga sinasabi niya.


***

Cryst Zamora's P.O.V.

"Hindi nga maitatanggi na malakas ka," bati niya sakin habang naninigas.

"Para sa kaalaman ng lahat, ako ang ice spirit, at ang hari niyo ay ginamitan ko lang ng kaunting icey powers, kaya siya naninigas, huminto ang pagdaloy ng dugo niya dahil sakin," Pagkatapos kong magpaliwanag ay tinanggal ko na ang yelo sa kanyang dugo.

"Papayagan niyo na ba kami na makuha ang emerald stone?" tanong ko sa kanya.

"Halika, sumama kayo sakin," sabi ng hari.

Agad din naman kaming sumunod sa kanya.

Pumunta kami doon sa parang bilog na gawa sa crystals at may tubig iyon sa gitna.

"Baka ang water spirit lang ang makasama ko, kailangan nating lumusong dito, baka hindi mo kayaning makahinga sa ilalim ng tubig na 'to," babala ng hari.

"No, kaya ko naman siyang pahingahin sa tubig," pagkontra sa kanya ni Watty.

Ginawan niya ako ng barrier na gawa sa tubig, at nagpatuloy na kami sa paglubog.

First time kong nakalubog sa ilalim ng tubig habang humihinga. Nakaka-shock lang din kasi marunong palang huminga sa tubig si Watty? Bakit hindi ako na-inform dun?

Nandito na kami sa may kalagitnaan, napaka-dilim dito, wala akong ibang makita kundi kadiliman.

Ilang minuto lang at nadating na namin yung Lugar kung saan naroroon ang emerald stone.

Medyo maliwanag na sa lugar na 'to, at base sa hari, ang emerald stone lang ang dahilan kung bakit may ilaw sa ilalim na parte nito.

Sabay-sabay kaming pumasok doon para kunin ang emerald stone.

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon