Elyssa's P.O.V.
Kahit na alam kong may punto sila ay ayaw ko pa din pumayag na protektahan nila ako, dahil ayokong maging pabigat sa kanila. Masyado na sila madaming ginawa para sakin.
Alam ko din naman na sa akin lang din nagmula ang mga regin nila, pero gaya nga ng sinabi ko 'nagmula' lang. Wala na, hindi na sakin.
Ang tanging tungkulin ko lang ay maging gabay sa kanila. Ngunit kailangan ko din lumaban sa ngayon lalo pa't kalaban nila ang aking Ina.
"Wala ka na ba talagang ibang kakayahan?" tanong ni Cryst.
Biglang natigilan ako saglit at napaisip sa sinabi niya.
Hinampas ni Watty ang balikat nito, "You are so very insensitive."
"Pasensya na, matagal ko na din kasi hindi nagagamit ang kapangyarihan ko kaya hindi ko alam kung meron pa ba," tugon ko nalang.
"Alam mo, magpatuloy nalang tayo sa pageensayo, baka may iba ka pa palang kakayahang tinatago diyan diba," ani Aria.
"Pero bago tayo magpatuloy, can we eat first, my tummy is kulong-kulo na." - Fherlyn.
"Ako din gutom na." - Rockie.
"Okay then, let's eat for a while." - Eric.
Naglatag ang tatlong babae ng isang malaking tela at ang mga lalaki naman ang nagaayos ng mga pagkain. At ako ay nandito lang sa isang tabi at pinapanood silang kumilos.
"Elyssa, halika dito. Tabi ka samin," pag-aya sakin ni Fherlyn.
Sumunod nalang ako sa kanila at tumabi.
Ilang minuto lang at pumwesto na din ang mga lalaki naming kasama.
"Kainan na!" Hudyat ni Cryst at nagsimula na nga silang magkainan. Pinauna ko muna sila pakuhain bago ako kumuha ng sa akin.
"Anyway, magkwento ka nga samin. Ano nangyari nung nakalaban mo si Sarayang?" tanong ni Fherlyn.
"Naging magkalaban kami noong mamatay ang aking Ama at ibinigay sa akin ang pamamahala sa kapangyarihan ng kalikasan."
"Diba hindi naman namamatay ang mga bathala?" pagputol akin ni Cryst.
"Wala nga kaming kamatayan, ngunit pwede din kami mamatay kung may papatay sa amin. At alam ko na kilala na ninyo ang pumatay sa Ama ko."
"Sikat na pala ang pangalan ko dito." Lahat kami ay napatingin sa aming likod at nakita ang isang babaeng nakatayo, si Sarayang.
"Anong ginagawa mo dito?! Paano mo kami natunton?!" gulat na sambit ni Aria.
"Nakalimutan niyo ba na nanalantay ang inyong mga dugo sa aking katawan, dahil dito ay kaya kong malaman kung saan kayo naroroon, konektado na tayo sa isa't isa," tugon nito.
May dala din ito na armas, ang aramas niya noong siya ay bathala pa.
"Anong pakay mo dito?" diretsong tanong ni Eric.
"Napunta ako dito dahil gusto kong ipaalam sa inyo na nais kong makipagharap sa inyong buong hukbo sa Icuigas," sagot nito.
"Sinasabi ko na nga ba, doon mo pa din nais makipagharap sa amin," sabi ko sa kanya.
"Hindi kita nais kalabanin aking anak, dahil wala kang silbi at wala ka ng kapangyarihan dahil ipinamigay mo na ang iyong kapangyarihan sa mga tao," aniya.
"Ngayon mo ako subukan." Sabay ngisi kong sambit.
Itinutok sa akin ni Sarayang ang kanyang sandata at mayroong itim na kuryente ang lumabas mula doon papunta sa aking direksyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/248110338-288-k800541.jpg)
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...