Chapter 44

3 1 0
                                    

Captain Jame's P.O.V.

"Huwag!" Sigaw ko habang papunta sa isang babae na malabo ang mukha, hindi ko matukoy kung sino. Ang tanging nakikita ko lang ay may tatama dito na sibat na likha ng kidlat na itim. Kidlat na gawa ni Sarayang.

Bigla akong napabangon habang naghahabol ng hininga, panaginip lang pala. Iniling-iling ko din ang aking ulo para magising ang aking diwa.

Pagkatapos ay agad na akong bumangon mula sa higaan at bumaba sa dining area para kumain. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko ang aking anak na nagluluto, ang nakakapagtaka lamang ay parang may kausap ito sa pamilyar na boses.

Alam ko na ang boses nito ay hindi mula sa mga kaibigan ni Aria, it was Alexa. 

Dahan-dahan akong bumaba at sumusulyap sa dining area.

Nakita ko mismo ang pagkuha niya ng kutsilyo mula sa kanyang likod.

"Aria!" tawag ko sa kanya.

"Ano po yun" 

"Ipaghanda mo ako ng makakain," utos ko.

Tinignan ko ng masama ang babaeng kausap niya, at sa pamamagitan nito ay sinisindak ko siya at tila nakikipagusap ng mata sa mata, at alam niya na ang ibig kong sabihin na umalis na siya sa bahay namin.

Mabilis  sumunod si Aria, kaya hindi niya namalayan ang mabilis na umalis ang kanyang Ina na kausap niya sa bahay.

Medyo nakampante ako sa nangyari, ngayon ay nasiguro ko na ligtas ang anak ko. Ayaw ko man na ilayo siya sa kanyang Ina, ngunit alam ko sa mga oras na ito na siya ay napaka-mapanganib.

Ilang minuto lang at lumapit na sa akin ang aking anak. Napakunot ito ng noo habang naghahanda ng makakakain ko.

"Pa, asaan yung babae na kausap ko kanina?" nagtatakang tanong niya sakin.

Kung tutuusin ay nangangati na ang dila ko na aminin sa kanya ang lahat pero hindi pa ito ang tamang pagkakataon.

"Umalis na kanina, hindi na nakapagpaalam sa'yo at nagmamadali, may lakad pa daw siya," pagsisinungaling ko.

Umupo nalang siya sa aking tabi at nagsimula na ding kumain, habang siya ay kumakain ay pasimple ko siyang pinagmamasdan. Napakaganda nga ng anak ko. Ngayon ko na nakikita ang tunay niyang halaga. Kung dati ay parang wala lang sa akin ang lahat, ngayon ay sisikapin kong i-appreciate ang lahat ng sakripisyo niya at lahat ng kanyang pagpapagal.

Nagtataka din ako. Paano niya kaya natunton ang lugar na ito? May sinundan ba siya? O baka may parte sa kanyang puso at isip na hindi kami kayang kalimutan?

"Anak, sino yung kausap mo kanina?" pa-inosenteng tanong ko.

"Ahhh....Sabi niya siya daw si Alexa, ang weird nga ehh, parang sobrang coincident po na kapangalan siya di Mama diba po? Pero ang amazing at nagkakilala pa din kami, at isa pa napakagaan ng loob ko habang kausap ko siya," sagot nito sakin.

Kung ganoon pala ay ibig sabihin ay nakakaramdam na ang anak ko ng lukso ng dugo, dapat siguro ay lalo pang magmadali na maayos na ang lahat at ibalik sa dating pagiisip ang asawa ko.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong bumalik sa kwarto ko upang magasikaso at magbihis. Aalis ako ngayon sa bahay, kailangan ko siyang sundan.

Papalabas na sana ako ng pinto ng biglang nagtanong si Aria, "Pa, saan ka pupunta?" 

"Magpapahangin lang diyan sa labas,"  muli kong pagsisinungaling. Ang totoo naman ay pupunahan ko si Alexa. Hindi pa siguro iyon nakakalayo.

Buti nalang at nakuntento si Aria sa sagot ko.

Pumunta ako ng palihim sa hq nila, kung saan ko siya nahuli noong una.

Patuloy lang akong nanatili doon at nagmatyag.

Bakit wala siya? Asaan na kaya siya???

"Ako ba ang hinahanap mo?" Napalingon ako sa tao sa gilid ko, at may nakatutok din sa leeg ko na isang matalim na balisong.

"Ano ba talagang kailangan mo sakin?" tanong niya pero mahina ang boses, halatang ayaw niya din na mabuking ang nagtatago ako.

"Kung sasabihin ko ba sa'yo, paniniwalaan mo ba 'ko?" sagot ko sa kanya.

"Depende sa sasabihin mo," aniya.

Nonsense lang pala kung makikipagusap ako sa'yo.

 Napaisip ako bigla kung sasabihin ko pa ba sa kanya. Mukhang hindi naman siya handang makinig, at sa palagay ko ay isang maling salita lang ang magamit ko ay agad niya akong mapapatay.

"Noong nabubuhay kapa, noong hindi ka pa kabilang sa mga souless. Isa kang matapang at may mabuting puso. Dahilan kung bakit kita minahal. Sa ating pagmamahalan ay agad iyon nagbunga, at ang bunga nito ay si Aria, ang dalagang kausap mo kaninang umaga," pagpapaliwanag ko.

Dahan-dahan niyang inalis ang balisong na nakatutok sa aking leeg. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, tila ba ito hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

Patuloy ko lang siyang pinagmasdan. Tila ba kunti-kunti na itong naniniwala. Mas maigi.

"Pagiisipan ko 'yang mga sinabi mo. Pero sa totoo lang, magaan ang pakiramdam ko sa anak mo. Kahit na pinilit kong pagtangkaan ang buhay niya," aniya.

"Desisyon mo pa din naman ang masusunod bandang huli." Pangungusap na tanging lumabas sa aking bibig bilang tugon sa kanyang sinabi.

Pagkatapos ng aking huling tugon sa kanya ay umalis na agad ako. Sana ay madami siyang naunawaan sa mga sinabi ko sa kanya, madami nawa siyang nakumpirma sa kanyang sarili.

Agad kong hinanap ang aking sasakyan at natagpuan ko iyon kung saan ko iyon ipinarada, akala ko ay naiba na ito ng pwesto.

Agad akong sumakay dito at dire-diretsong umalis. Habang nasa biyahe ay nakatuon lamang ang atensyon ko sa pagmamaneho habang nakikinig ng radio. Nagulat nalang ako ng biglang tumugtog ang theme song namin ni Alexa noong kami ay kinasal.

'Ikaw na nga ang siyang kaloob sa akin...

Ang sagot sa aking panalangin...

Kaya naman ang laang pagmamahal...

Pangalawa lamang sa may kapal...

Aking Mahal...'

Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Nami-miss ko na ang dati kong asawa. Ngnunit dapat ko ding isaisip na matagal na siyang patay. Hindi na dapat pang manatili dito. Tapos na ang kanyang paghihirap dito sa mundo. Kaya kailangan naming matalo si Sarayang upang maibalik sa kapayapaan maging ang iba pang mga souless.

Habang nasa gitna ako ng pagmumuni-muni, at habang nagmamaneho ay biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong sinilip, tumatawag sakin si Franco.

"Hello?" seryosong bungad ko sa kanya, na tila hindi ako umiyak.

"Kuya kailangan ka namin dito ASAP," sagot niya.

"Huh? Bakit ano nangyari diyan?" 

"Sumugod ang mga souless dito sa bahay niyo." - Franco.

Binaba ko na ang telepono at agad nang nagmadali pauwi sa bahay namin, buti nalang at inayos ng mga imbentor mula sa nature agency ang sasakyan ko, at sa ngayon ay pwede ko na ito magamit sa himpapawid.

Agad nag-change ang setting ng sasakyan na ito into flight mode. 

Limang minuto lang ang nakalipas at natanaw ko na ang tahanan namin na dinadagsa ng mga souless habang kinakalaban sila ng mga spirits.

Agad kong hinanda ang baril ko mula dito sa sasakyan at agad na lumapag sa parking lot namin sa may bakuran. 

"Captain, anong gagawin natin? Hanggang ngayon ay hindi pa din namin malaman kung ano ang kanilang kahinaan," sabi ng isa sa mga backup mula sa agency.

Patuloy akong nanatiling tahimik at napapaisip.

I have an idea!

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon