Cryst Zamora's P.O.V.
Kung maganda na ang mga crystals sa unahang parte ng lugar na ito, di hamak na mas maganda dito, may iba't ibang uri ng mga bato, may silver, may ginto, may mga perlas, maging ang ruby din ay nandito din.
"Ito ang kayamanan naming mga naninirahan sa lugar na ito," sabi ng hari, "Bihira lang ang nakakapasok dito, tanging ang mga may dugong bughaw lang at ang mga spirits ang may karapatang makapasok dito."
"So, bakit mo pa sinubukang kalabanin si Cryst?" tanong ni Watty sa kanya.
"Nawala na kasi ang mga tiwala ko noon sa mga spirits, noong bata pa ako ay may isang salamangkero na dumalaw dito, pinakilala niya ang kanyang sarili bilang fire spirit, pinakita niya din sa aking Ama na kaya niyang kontrolin ang apoy, ngunit isa lang pala siyang impostor na nagnanais mapasakanya ang kaharian namin."
Medyo nalungkot naman ako sa story nito.
"Nang dumating ang tunay na ice spirit, agad niyang ginamit ang crystal sa paligid ng kaharian namin para patayin ang salamangkerong impostor. Kaya nagduda ako sa inyo noong una, dahil isa dapat sa katangian mo bilang ice spirit ang pagkontrol sa crystals."
Seryoso?! Pwde ko kontrolin kahit ang crystal? Ang galing!
"Nagiwan din siya samin ng babala, patungkol sa mga natatanging kapangyarihan ng mga tunay na spirits, kung sa ice ay ang crystals, sa tubig naman ay healing, sa apoy namay ay ang heat o init, sa lupa ay metal, sa lightning ang pagiging mabilis, at sa hangin ay ang pagiging invicible."
"Thank you, for that wonderful information," sabi sa kanya ni Watty. Kinuha na namin ang emerald stone at umakyat na palabas.
Sa pagpapatuloy namin ay agad na bumungad sa aming harapan ang mga sirena at shokoy na sugatan.
"Anong nangyari dito?" galit na tanong ng hari.
Biglang lumitaw ang isang nilalang na naka-coat, at pagtingin ko sa kamay ko ay wala na sa akin ang emerald stone.
Akmang aalis na siya ng gamitan ko siya ng mga matutulis na yelo, ngunit nadurog niya iyon sa pagsalag gamit lang ang kamay niya.
Sumuntok si Watty sa ere, kasabay nu'n ang paglitaw ng dalawang kamao na gawa sa tubig, hinaluan ko din iyon ng yelo para mas malakas, at napaupo yung magnanakaw dahil sa impact ng pagatake namin.
Mabilis siyang bumangon at nanakbo.
May kung ano akong naramdaman sa katawan ko, nag-crack ang kaunting bahagi ng pader ng lugar na ito, ipaaatake ko sa kanya yung crystal kaso agad siyang nakatakas dahil sa pagkuha sa kanya ng mga nasa air battle ship.
Hindi ko din natuloy yung balak ko dahil hindi ko pa gaano ma-kontrol ang regin ko, buti nga at umayos ito kumpara sa mga nakaraang araw.
Nilingon ko ang bahagi nng crystal na may crack.
Pakunti-kunti iyong lumaki hanggang sa tuluyang masira ang mga iyon.
"Ang kaharian ko!" sigaw ng hari, "Bumalik na kayo sa pinaggalingan niyo mga lamang lupa!" Hindi ko naman sinasadya yung nangyari, yet hindi ko din siya masisi kung galit na galit siya samin.
"Kaya ko namang ayusin," sabi ko nalang at pinalitan ng yelo ang crystals, and ampangit din ng itsura nito na sa labas, tila isang alon na mula sa bagyo na biglang nagyelo.
"Alis! Pinalitan mo ng yelo wala kang silbi! Paano kung may umataki samin, edi wasak uli 'to! Lumayas na kayo!" patuloy lang siya sa pagtataboy samin, wala na din kami ibang nagawa kundi magparaya at umalis, tapos na din naman ang mission namin dito eh.
"Ano ba kasing naisipan mo at pinilit mong gamitin ang crystal?" tanong sakin ni Watty habang nasa daan plus with serious tone.
"Ba't parang galit ka? Masama bang subukan na gawin ang ginawa ng nauna na ice spirit?" tanong ko pabalik.
"Seriously? Iba ikaw sa kanya," aniya.
"Kung kaya niya, edi kaya ko din."
"Nagawa mo ba? Diba mas pinalala mo lang ang nangyari," - siya.
"Ano bang problema mo?! Naiinis ka ba sa ginawa ko o naiinis ka na hindi natin na-accomplish ng maayos ang first mission natin na magkasama?" - ako.
"Naiinis ako kasi hindi ka muna nagiisip bago umaksyon, kung may maramdaman ka lang na kakaiba babanat ka na agad kahit hindi pa nagiisip!" bulyaw niya sakin, at ngayon ay damang-dama ko na ang galit niya. "Hindi na din ako magtataka kung mas piliin ni Aria si Kuya over You."
"Tsk! Never mangyayari 'yan, malakas ang pagmamahal ko para sa kanya." Buti nalang at nandito na kami sa hq, hindi na namin kailangan magusap pa.
"Manhid!" sigaw niya sabay nagmadaling pumasok sa hq, hindi ko nalang siya pinansin, baka sadyang mahina lang ang pangunawa niya.
"Cryst!" tawag sakin nila Aria at Eric.
"Kumusta ang mission niyo?" tanong nila agad sakin. Napailing nalang ako, hindi ko kasi alam kung paano i-explain sa kanila ang naranasan namin kanina sa lugar na pinaggalingan namin.
"Don't worry, kami din, hindi din nagtagumpay, ayoko pa pumasok sa loob, gusto ko na nandito na muna sila Rockie at Fherlyn para complete tayo. Anyways, asan si Watty?" ani Aria.
"Nagkaalitan lang kami, dahil sa inis niya diretso pasok siya sa hq."
"Naku patay!" saad niya, "Malalagot tayo kay Papa."
Sinubukan kong makipag-communicate sa kanya gamit ang isip.
"Watty, lumabas ka na sa hq ASAP, bago ka pa makita ni Sir James."
"Pano mo nagawa 'yun?" tanong Eric.
"Sinubukan ko lang, diba we have our connection to each others?" sagot ko.
Ilang minuto lang at nakalabas din siya ng hindi nahuhuli ni Sir James, hayst salamat naman.
***
Rockie Cruz's P.O.V.
"Naku, Ma'am, Sir, hindi po kami sigurado kung papayagan namin kayo hanapin 'yun, sobrang delikado po kasi ang lugar na pinaglalagyan nu'n," sagot ni Kuyang Macho.
"Boss, may mission kami na dapat gawin kaya dapat ay payagan niyo na kami," sagot ko sa kaniya.
"Sige po, papayagan na po namin kayo, basta hindi na po namin pananagutan kapag may nangyaring masama sa inyo," sagot uli niya.
"Saan po ba ang location ng lava stone?" tanong ni Fherlyn.
"Diyan o," sabay turo ni Ateng Sexy sa malaking bulkan sa likod namin. Kaya pala nakakaramdam na ako ng pagbaha ng pawis sa kilikili at likod ko.
Iyon din siguro ang dahilan kung bakit naging hubadero yung mga staffs dito.
Hindi na din kami nagaksaya ng oras at agad nang nagasikaso ng mga bagay na kailangan namin.
Binigyan din pala kami nung mga staff dito ng room na pwedeng paglagyan ng iba pa naming gamit.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...