Aria Alejandro's P.O.V.
Habang nakikipaglaban dito ay nakatuon ang aking pandinig sa pinaguusapan nila Papa at ng isang backup mula sa agency.
At sa mga oras na ito ay nakikiramdam ako kung ano ang naisip na plano ni Papa para mapatigil ang mga souless.
"Kailangan maputol ang mga kamay at paa nito, nang sa gayon ay madali silang mai-seal ni Rockie, at Cryst dahil sila lang naman ang may kakayahan para dun," sagot ni Papa doon sa lalaking backup.
Now I know!
Gumawa ako ng wind blades at itinira iyon sa mga kalaban, naputol nito ang mga kamay at paa ng dalawang souless, effective nga! Hindi na sila nayon makagalaw, hindi na sila makakalaban, mas madali silang mase-seal.
"Fherlyn, Watty, Eric, Elyssa, kailangan natin putulin ang mga kamay at paa nila. Cryst and Rockie, kayo na bahala mag-seal sa mga 'to," command ko sa kanila. Thank you Pa for your intelligence.
Ginawa nga nila iyon, ginamit ni Fherlyn ang kanyang katana para mabilisang putlin ang mga paa at kamay nito, si Watty naman ay gumamit ng mas malakas na version ng water whip na kayang putulin ang mga paa at kamay ng mga souless, and Elyssa use her sword. Ako naman ay nagpapatuloy lang na gamitin ang mga air blades ko.
Si Rockie at Cryst naman ay patuloy sa pag-seal sa mga naputulan na namin ng mga kamay at paa.
Si Eric naman ay ginamit ang kanyang bilis at ang balisong niya upang putulin ang mga kamay at paa ng kalaban.
***
Sarayang's P.O.V.
Mukhang mali ang ideya ko na pasugurin ang ilan sa mga souless, dahil dito ay nagkaroon sila ng ideya para tapusin sila.
Dahil dito ay napagdedisyunan ko na pabalikin at paatrasin na sila mula sa laban, kaya may mangilan-ngilan pang nakaligtas.
Medyo nainis din ako sarili ko, dahil sa padalos-dalos kong desisyon.
Pumunta nalang ako muli sa aking trono sa Icuigas. Napakaganda pa din ng tanawin na ito para sa akin. Someone can called this as a legendary.
Marahil nagatataka kayo kung bakit ko na ngayon bumanat ng english lines. Simple lang, I am a goddess and I can learn and I can have what I want.
Isa pa ay hinahanda ko na din at kinukundisyon ko na ang aking sarili para sa magaganap na labanan. For sure the crown will be back again to the right owner, and it's me, ako lang.
I can't wait to imagine na sambahin ng lahat ng tao, lahat sila ay magiging alipin ko, more than sa pagkaalipin ng kinikilala nilang istorya ng mga israelita sa egipto.
Because I am a real goddess, and no one can stop me.
Pinagmasdan ako ang aking hukbo, I think this is not enough para masabi na sapat ang aming lakas.
I use my power para madagdagan ang lakas ng mga souless, I need a sure win battle, that's why I must do everything that I can.
Minsan ay nagtataka ako, bakit sila Corbin, Leo, at Donelle lang ang madalas kong nakikita mag-ensayo? Sapat na ba ang lakas nila Malling at Alexa para hindi paghandaan ang gagawin namin sa araw na pinakahihintay?
Hindi kaya nagtataksil sila sakin? Pero imposible, si Malling ay dati ko nang tapat na lingkod, at isa pa ay mahal niya ko, si Alexa naman ay isang souless, kontrolado ko ang kanyang isip at damdamin, isang maling galaw niya lang ay kayang-kaya ko siyang puksain.
SIguro nagaalala lang ako dahil madalang ko sila hindi nakikita, baka naghahasik din sila ng lagim bilang pangeensayo.
Hanggang ngayon ay wala nang tao ang nagpupunta dito sa lugar ng Icuigas, natakot na siguro sila mula sa aking presensya. Pero dapat lang talaga silang matakot, dahil mas matindi ang dadanasin nila kapag nakamit ko na ang tagumpay. Mas kampante ako ngayon at nasa akin din ang kapangyarihan ng bathala, kapantay at mas higit na ako mula sa pitong spirits.
Siguro ang iba ay mapapaisip na baka wala akong puso sa aking anak. Isa lang ang maisasagot ko, Elyssa is not my daughter. Hanggang ngayon ay hindi niya alam na siya ay half human. Kaya napakalaki ng galit ko sa kanya, dahil bunga siya ng pagtataksil ng aking asawa.
At mas lalo akong nagalit ng mamana niya ang kapangyarihan na dapat sa akin ipapasa bilang tunay na bathaluman at bilang isang asawa niya.
Kaya matitikman niya ngayon ang aking bagsik.
***
Elyssa's P.O.V.
Medyo napagod ako sa labanan kanina, kaya nakitulog muna ako dito sa kuwarto ni Aria, medyo malamig dito dahil sa tinatawag nilag aircon. Ang presko sa pakiramdam lalo na kapag bagong ligo.
Habang patuloy na dinadama ang malamig na hangin na bumabalot sa buong kuwarto na ito ay kunti-kunti akong natulog.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko ang isang madilim na paligid. Nananaginip na ba ako? Pero parang totoo ang pakiramdam ko.
Sobrang dilim dito, literal na walang ilaw.
Nang biglang nagkaroon ng liwanag ay nakita ko si Sarayang na nakatayo at tumatawa habang kaming pinto ay nakahandusay sa sahig.
Parang bigla nalang akong nahirapan makahinga, ano ba nangyayari sakin? Katapusan ko na ba?
Bigla akong napabangon ng wala sa oras.
Panaginip lang pala ang lahat, ngunit hindi ko pa din mapigilan ang paghahabol ko sa hininga ko. Para akong pagod na pagod at hingal na hingal.
"Elyssa, are you alright?" tanong sakin ni Aria, agad din itong kumuha ng tubig upang iabot sakin. "Ano ba kasing nangyayari sa'yo?"
"Ayos na ako, salamat." Nakahinga na din ako ng maluwag. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang napanaginipan ko, ayoko namang madismaya siya sa matutuklasan niya, kaya hahayaan ko nalang muna sa ngayon, baka hindi pa ito ang tamang pagkakataon.
"Girls miryenda na muna tayo!" Mula iyon sa boses ni Franco, kumatok siya sa pinto ng kuwarto ni Aria para ayain kaming mag-miryenda muna.
Agad din naman kaming kumilos at sumama sa kanilang pagmimiryenda.
"Halikayo, mag-miryenda tayo," alok ni Jasmine samin.
Agad din kaming sumali sa kanila at kumain.
Habang sila ay nagtatawanan dahil sa paglilihi ni Jasmine, gusto kasi nito kumain ng kambal na saging, ngunit alam naman natin na napakahirap hanapin nu'n. Ako ay nanatili pa ding seryoso at malayo ang iniisip sa kanila. Hanggang ngayon kasi ay nagmumulay-mulay pa din ako sa aking napanaginipan.
Ano kaya ang ibig sabihin ng lahat ng aking nakita?
![](https://img.wattpad.com/cover/248110338-288-k800541.jpg)
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...