Chapter 27

7 1 0
                                    

Fherlyn Tuazon's P.O.V.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanigas...ang alam ko lang ay sa mga oras na ito, naalala ko ang naging buhay ko.

Isa lang akong batang babae na kanilang inampon at inarugaan na parang tunay na anak nila dahil hindi sila makabuo ng kanilang sariling anak...ngunit isang milagro ang nangyari at malakipas ang kanilang madaming taon na pagsasama ay nagkaroon sila ng anak, isang anak na lalaki, maputi ito at may itsura, mana siya sa kanyang mayaman na magulang. At ako ay naging taga-bantay na lang, ni hindi na nila makita ang aking silbi, parateng siya nalang ang kanilang nakikita kahit na mas pasaway ito sakin, kahit na bulakbol ito ay patuloy pa din nilang kinukunsinte.

Bigla akong nabalik sa reyalidad nang makita ko ang rock ball papalapit sakin, at may hangin na pumigil doon.

Nakita ko ang bestfriend ko...isang magandang babae na mayaman, napaka-formal at napakabuti, siya ang unang nagparamdam sakin ng tunay na pagmamahal ng isang kaibigan. Kahit na nagiging fake ako dahil sa mga maarte kong kilos para lang masabi na kaya kong pantayan ang yaman niya, siya ay patuloy pa din sa pagiging loyal sakin. Kahit na busy siya sa pamilya, responsibilities, at sa school ay never siyang nawalan ng oras para sakin.

Hindi ko man maamin ang totoong nararamdaman ko sa taong mahal ko, meron naman akong kaibign na totoo, at siya ang dahilan para magpakatotoo ako sa sarili ko, at sa pamamagitan ng kanyang mainit na pag-ibig niya para sa kanyang bestfriend ay mas lalo akong lumalakas.

Inangat ko ang aking mga kamay at ang earth ball na tatama na sa kanya ay biglang sumnabog at pumutok.

Nang itaas ko muli ang isa ko pang kamay ay hindi na makakilos ang aking kaaway. Nakita kong unti-unting namumula ang mga balat nito.

Nararamdaman ko ang init mula sa buo kong katawan na lumalabas, parang singaw ng kumukulong steamer.

Ilang minuto pa at umuusok na ang ilong, bibig, at ang mga tenga nito. 

At habang nakataas ang aking dalawang kamay ay may isang samurai ang biglang lumitaw. Agad kong sinugod ang kalaban ko at sinaksak siya sa kanyang dibdib.

"Wala kang karapatan para gayahin ang taong mahal ko," bulong ko sa kanya.

Pagbunot ko ng samurai ay bigla siyang naging isang malagkit na likido.

Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at nakipaglaban na ako sa mga paepal na kalaban kasama si Aria.

Masyado silang madami kumpara sa grupo namin. 


***

Cryst Zamora's P.O.V.

Imbis na yung kalaban, ako ang ife-freeze ko, sarili ko ang napagyelo ko.

Kamalas-malasan nga naman, yung fake na Eric pa naman yung kalaban ko ngayon.

Buti nalang ay nandyan si Watty, siya ang pumoprotekta sakin.

Nagulat nalang ako nung biglang tumalsik si Watty at tumama sakin, pareho na kaming nakabagsak ngayon, dahil din sa pagtalsik niya kung bakit nabasag ang yelo na nasa katawan ko.

Buti nalang bago pa kami matuluyan ay dumating na sila Fherlyn at Aria.

Ang ganda ng mga weapon nila. "Saan niyo nakuha 'yan?" tanong ko sa kanila.

"Spirit weapon namin 'to," sagot nila sakin, sana all.

Nagulat ako ng biglang naging hangin si Aria at napunta sa likod ng mga kalaban, papanain na sana niya iyon kaso may um-epal na extra sa likod, agad niya iyon naramdaman kaya naging hangin nanaman siya at pinatay yung kalaban na dapat ay aatakihin siya.

Dahil naman kay Fherlyn kung bakit hindi maka-kilos ang mga kalaban namin, nakontrol na niya ang heat.

Nagulat ako ng biglang humawak si Watty sa balikat ko. "Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" pag-aala ko sa kanya, "Pasensya na, dahil sakin kaya ka napapahamak." 

"Hindi mo iyon kasalanan," tugon niya sakin, "Si Toxic ang may kasalanan," nakita kong naging light blue ang mata niya. "Nakikita ko ang lason na inilagay niya sa iyo. Isa itong liquid form, kaya ko itong tanggalin sa iyo, i-relax mo ang sarili mo."

Agad kong sinunod ang sinasabi niya, nag-relax lang ako at sinimulan na niyang tanggalin ang lason.

Parang may pawis na lumabas sa katawan ko, padami iyon ng padami. Nang makuha na niya ang lahat ay itiniapon niya iyon at tumama sa isang puno, at ang punong tinamaan ng likidong iyon ay nabulok.

Walang hiya ka Toxic!

Biglang lumitaw ang sibat ni Watty at agad na inihagis sa fake na ako. 

Sumunod naman ako, naramdaman kong nagiba ang kulay ng mga mata ko at mas nakita ko ang particles ng yelo, maging sa mga crystals. 

Ginamit ko ang crystals para hindi na makagalaw ang mga paa at kamay ng pekeng Eric.

Agad na lumitaw ang boomerang na may blade. Wow! Ang angas!

Agad ko iyon inihagis sa pekeng Eric at pagtama nito sa kanya ay naging yelo siya at pagbalik sakin ay bigla siya ng nasira at nagpira-piraso.

Napalingon naman ako sa direksyon kung saan nakikipaglaban si Eric sa pekeng Fherlyn. 

Akala ko mas madadalian siya kumpara samin, pero base sa nakikita ko nahihirapan talaga siya.

Madami na siyang galos at paso sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

Napatingin ako kay Watty, tila nagliyab ang mata niya sa galit at inis dahil sa ginawa ng fake na Fherlyn sa Kuya niya.

Papalapit na sana siya kaso pinigilan siya ng Kuya niya. "Kaya ko na 'to," sabi niya. Biglang naging violet ang mata niya at nagkaroon ng kuryente ang buo niyang katawan. 

Sa isang iglap lang ay bigla siyang nawala...no, hindi siya nawala, bumilis siya. Sobrang bilis niya, parang isang kidlat.

Sinubukan siyang atakihin ng fake na Fherlyn pero hindi pa din nagiging sapat iyon para tamaan si Eric. 

Biglang nalang niyang nasuntok sa tagiliran ang fake na Fherlyn. Mabilis siya pero kitang-kita ko ang paglitaw ng dalawa niyang balisong.

And in just an instant ay nagilitan na niya sa leeg ang fake na Fherlyn. Ang brutal.

"Ayos ba?" sabay kindat sakin. Oo nga pala, nababasa niya ang isip ko.

Dahan-dahan siyang lumapit kay Aria at hinawakan ang kamay nito...ngayon alam ko na nag-assume lang pala ako, akala ko kasi yayabangan niya ko. Mukang ang nabasa niyang isip ay ang kay Aria. Katabi ko din kasi si Aria kaya akala ko sakin siya nakatingin.

'Parang ang hot niya sa galawan niya...'  yan ang sabi niya sa isip niya kanina.

Nilingon kaming lahat ni Eric sabay tingin sa dalawang kamay nila ni Watty na magkahawak na ngayon. "Let's Finish this war together!"

Tumango nalang kaming lahat bilang tugon.

Lahat kami ay nakipaglaban na sa mga paepal na nasa harapan namin ngayon, pero teka? Asan si Rockie?

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon