Rockie Cruz's P.O.V.
Napatigil kaming lahat ng may makita kaming isang cruise na papunta samin, hindi namin ito masyadong makita pero masama ang kutob ko sa isang 'to.
Napaayos ang pwesto naming lahat at muling naghanda, mukang mapapasubo nanaman kami sa isang labanan.
Nang makarating na ang cruise dito samin ay agad naming pinagmasdan ang mga bumababa dito.
Meron lamang itong anim na sakay, puro sila naka-coat na itim na may hood kaya hindi namin agad nakita ang itsura nila.
Nang makalapit na sila sa amin ng kaunti ay sabay-sabay nilang tinanggal ang kani-kanilang mga coat.
Laking gulat naming lahat sa aming nasaksihan.
Para lang kaming nakatingin sa salamin, nakikita namin mismo sa aming harapan ang aming mga sarili.
"Iyan ang dahilan kung bakit nila kinuha ang mga power stone, para magaya din ang regin nating mga spirit," sabi ni Eric.
"Paano mo naman nalaman?" tanong ni Cryst.
"Matalino ang kalaban natin, tuso si Toxic, hindi iyan gagamit ng armas na walang bala." May punto nga siya.
Nagsuot kami ng mga bandana na may logo ng Nature Agency. Para alam namin kung sino ang kakampi sa hindi.
Naunang sumugod ang mga kalaban kaya sumugod na din kami, para kaming mga baliw ngayon na kinakalaban ang aming mga sarili.
Nakikipagsuntukan ako ngayon dito sa kamukha kong peke, ginagaya niya din ang mga move steps ko, mukhang nakuha din nila ang mga data namin maging sa aming fighting style.
"Kainis! Ginagaya lang nila tayo!" sigaw ni Fherlyn, mukhang hindi lang ako ang magisang nahihirapan makipaglaban sa kanila.
Ang kaibahan lang namin sa kanila ay hindi sila marunong mapagod, para silang mga robot na merong kumokontrol sa kanila.
***
Aria's P.O.V.
Mas mahirap makipaglaban dito sa ere dahil ang bilis ko lang ma-out of balance.
Kinokontrol ko palang ang balanse ng katawan ko ng bigla siyang sumugod.
Sa isang iglap lang ay nasuntok na niya ako sa sikmura at tumilapon ako sa ere.
Kitang-kita ang pagtalsik ng mga dugo ko mula sa aking bibig.
Susugurin nanaman niya ako, ang bilis-bilis niya, ni hindi masundan ng aking paningin ang mga atake niya. Pero mas mabilis ang senses ko, and remember, ako pa din ang original air spirit!
Agad akong bumaba sa lupa, at ang pagbagsak ko ay nagdulot para magkaroon ng malaking crater sa lupa...ginaya niya ang ginawa ko, walang hiyang fake!!!
Sa aming pakikipaglaban ay hindi namin na pansin na na-corner na nila kaming mga original.
Nakapalibot samin yung anim na fakes.
"I have a suggestion," Bulong samin ni Watty. "Magpalit-palit tayo ng kakalabanin, hindi natin kayang kalabanin ang ating mga sarili."
Nice idea, totoo din ang sinabi niya, but wait!
Bago pa ako maka-kontra ay nakipaglaban na sila sa iba, habang ako ay nanatili na sa fake na ako nakikipaglaban.
Ang unfair naman!
Pagod na pagod na ko, I need more energy. Kailangan kong magtago.
Agad nag-flashback sakin ang training ko. Kailangan kong maging kasing payapa ng hangin, dahil kung hindi madali lang akong makikita dahil sa lakas ng puso ko sa pagkakaroon ng kaba.
Nanakbo ako sa kagubatan, iyon na ang ang pagkakataon ko para ibuhos ang lahat ng energy ko sa aking katawan. Binuhos ko na lahat ng kaya kong ibigay.
May nakita akong isang puno na mayroong butas sa may ugat no'n, sigurdadong kasya ako doon. Agad akong pumasok at hindi ko akalain na meron pala doon na mga rabbit, tahanan pala nila ito.
"Pasensya na sa pagtuloy ko dito," sabi ko sa kanila, since nakakausap naman namin ang mga hayop.
"Okay lang, walang problema samin iyon kagalang-galang na air spirit," tugon ng Nanay nila.
"Asan ka na?! Magpakita ka, isang duwag!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ng fake na ako.
Nagulat nalang ako ng biglang lumpiad ang puno sa ibabaw namin, tila nahigop ito ng isang malakas na ipo-ipo.
Gumawa naman ako ng wind barrier para protektahan ang maliliit na nilalang na kasama ko, buti nalang at marunong silang maghukay. Naghukay sila at doon dumaan para makatakas.
"Huwag kang mandamay ng iba! Ako ang kailangan mo diba, ako ang harapin mo!"
"Ito na ang katapusan mo!"
Hindi ko alam kung paano nawala ang kaba ko, ang alam ko lang ay meron akong dapat protektahan at ingatan, dahil ang mga munting mga nilalang ay hindi pa tapos sa pagtakas.
Agad niya akong tinira ng mga air blades niya, mas improve ang paggamit niya ng regin compare sakin, pero hindi ako basta-basta magpapatalo sa bruhang 'to! Akmang tatama na sakin ang mga air blades niya ng bigla akong tinangay ng hangin.
Parang gulat din ang reaksyon ng kalaban ko. Nagawa ko na ba? Na-apply ko na ba ang invisibilty?
Parang may sariling isip ang hangin at pabor siya sakin. Tinangay niya ako papunta sa likudan ng aking kalaban.
Maging ako ay hindi din makita ang parte ng aking katawan, at nang mabalik ako sa wisyo ay nakita ko na ito at ang posisyon ko ngayon ay nakaamba ng pana sa kanya. Agad ko iyong binitawan, kasabay nito ang pagtalsik ng bala nito ay agad na tumama sa kanya.
Unti-unti siyang naging isang likido.
Hindi na din ako nagaksaya pa ng oras at agad na pumunta sa kinaroroonan ng labanan.
Lahat ng makita kong kalaban ay inaatake ko gamit ang aking spirit weapon na pana.
Ilang minuto lang at nagdatingan na din mula sa helicopter ang mga kakampi namin. Sa wakas at may katulong na kami sa mga epal na kalaban, garabe almost 100 vs. seven ang labanan kanina, sinama namin sa bilang si Hari, ano ba kasing pangalan niya?
Pero infernes ang galing niya sa labanan.
Una kong nakita ay si Fherlyn. Lalapit sana ako sa kanya para tulungan siya pero parang naguusap sila.
Hindi ko marinig ng klaro pero parang tungkol sa pagkatao ni Fherlyn ang pinaguusapan nila.
"Isa kang fake!" sigaw nung fake na Rockie.
"At ano naman ang tingin mo sa sarili mo? Hinde?!" sagot nito.
"Ampon ka lang, hindi ka nila tunay na anak , at hindi ka nila minahal!"
Natigilan si Fherlyn sa huling pangungusap na binitawan ng fake na Rockie at ginamit niya ito bilang butas para tirahin ng rock ball si Fherlyn na ngayon ay naninigas na sa kanyang kinatatayuan.
Agad akong kumilos at ginamit ko ang regin ko para ibalik sa direksyon niya ang earthball na tinira papunta kay Fherlyn. Pero wala pa din iyong silbi dahil na-kontrol niya iyon papunta sa direksyon ko.

BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...