Chapter 36

5 1 0
                                    

Third Person's P.O.V.

Kasabay ng pagtaas ni Sarayang sa kaniyang kamay ang pagdilim ng kalangitan sa buong daigdig. Nawala ang liwanag na nagmumula sa araw.

Nagpunta sila sa isang lumang sementeryo malapit sa lugar na kanilang pinanggalingan.

Doon niya ginawa ang kanyang hukbo, ginamit ni Sarayang ang mga katawan ng mga nakalibing doon at muli itong binuhay, ngunit sa muling pagbuhay ng mga ito ay wala na silang alala. Hindi na nila matatandaan kung sino ang Kanilang mga mahal sa buhay at hindi din nila alam na sila pala ay nabuhay noon. Ang tangi lamang na nasa isip nila ay ang pagiging isang lingkod ng kanilang diyosa na si Sarayang.

Lumapit naman siya sa kanyang kanang kamay at pinatong dito ang kanyang mga kamay at binasbasan niya ito. "Ikaw, Aking tapat na lingkod, magmula ngayon ay magiging pinuno ka ng Aking hukbo. Ikaw ag papangalawa sa Aking pusisyon. Ikaw ay pagkakalooban ko ng kapangyarihan na kayang humigit sa sino man na nasa iyong hukbo, wala ni isa sa kanila ang makakahigit sa'yo at pagkakalooban din kita ng talinong higit sa iyong inaasahan."

Pagkatapos niyang ibigay ang kanyang basbas ay dahan-dahan nagpalit ang itsura ni Toxic. Nagkaroon siya ng tatoo na hugis diamante, mas lalo din lumaki ang kaniyang mga bisig at nakaramdam siya ng naguumapaw na kapangyarihan sa kanyang buong katawan.ss

"Lahat ay maghanda! Dahil nalalapit na, nalalapit na ang ating muling pagbangon!" sigaw lamang ang kanilang tugon mula sa sinabi ng kanilang Mahal na Reyna Sarayang.


***

Habang nakatingin sa kalangitan ay makikita mo sa mukha ng mga tao ang kaba at takot. Ang iba naman ya iniisip na may padating na bagyo. Ang iba naan ay pinagkakaingayan ito sa social media.

Totoo nga ba na ito ang Katapusan? Senyales na ba ito ng pagkagunaw ng buong mundo?

Ang anim na kabataan naman ay hindi mapanatag. Patuloy nilang sinasaisip ang mga pangyayari at ang babala ng ikapitong spirit sa kanila.

Hindi din sila mapatanatag dahil wala man lang silang nagawa para mapigilan ang muling pagkabuhay ni Sarayang, alam din nila na sa mga oras na ito ay nabubuhay na siya.

Masyado nang huli ang babala sa kanila ni Elyssa. Pagkadating nila sa lugar na inutos sa kanila nito para puntahan ay wala na silang naabutan.

Habang nasa couch sila ng headquarters ay biglang tumunog ang balita sa radyo. 

"Balita ngayon na sa mga oras ito ay nagkaroon ng butas ang mga kabaong sa simenteryo dito sa Lockhurt cemetery..."

Napatayo si Aria ng marinig ito mula sa radyo. "Hindi maganda ang kutob ko dito."

"Then, we must have a plan!" - Fherlyn.

"I and Watty will go to our Father's base. Medyo gamay ko na kasi ang lugar na iyon, we will do our best to save Elyssa. And the four of you must go to the cemetery that was reported  a minutes ago." - Eric.

"Arat na..." Sa senyas ni Cryst ay sabay sabay na silang umalis.


***

"We're here," sabi ni Eric sa kanyang kapatid sabay labas mula sa loob ng kanilang sasakyan.

"Saan tayo magsisimulang maghanap?" Tanong ni Watty sa kanya.

"Sa pinakamataas na floor, malamang nandoon si Elyssa."

Nagsimula nga silang puasok papunta sa loob ng building, at dumiretso sa elevator. 

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon