Chapter 31

5 1 0
                                    

Aria Alejandro's P.O.V.

Uuwi na sana ako ng bahay namin kaso biglang nagbago isip ko, gusto ko munang dalawin si Tita Alexis.

Kung hindi dahil sa kanya baka hindi ko marating ang mga bagay na mayroon ako at mga bagay na kaya ko nang gawin ngayon.

Hindi na ko nagpahatid kay  Kuya Rick (Driver namin) kasi baka pagod na din siya. Isa pa, kaya ko naman na mag-commute magisa papunta doon.

Oo, anak mayaman ako at hindi ko na itatanggi 'yun. Obvious naman sa laki ng bahay namin diba? Pero kahit ganu'n lumaki pa din naman akong independent.

Ilang minuto lang at nakadating na ako sa gate ng subdivision ng lugar nila.

Bumili din pala ako ng mga prutas na ibibigay ko sa kanya, meron din akong dalang regalo.

Agad din naman akong pinapasok nung tulog na guard ng subdivision ngayon. Obviously madali akong nakapasok kasi tulog nga.

By the way it's already six pm, kaya may kadiliman na sa lugar na 'to. Buti nalang at madami itong poste na may ilaw.

Papaliko na sana ako sa kanto kung nasaan ang bahay niya kaso may nakita akong bigla na mga alagad ni Toxic, yung mga paepal na alagad na wala namang maibubuga.

Naging invisible ako at agad pinana ang mga nakikita kong mga alagad niya.

Bakit kaya nagkalat ang mga ito sa subdivision kung saan nakatira si Tita?

Oh no! Sana mali ang iniisip ko, may balak silang masama kay Tita!

Agad akong naglibot sa paligid habang lumilipad at naka-invisible form.

At sa wakas ay natanaw ko siya sa may dulo ng subdivision na naglalakad.

Bumaba na ako at pinagmasdan siya tinangal ko na din ang invisible form ko ngayon.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dito, doon pa naman sa kabilang block ang bahay nila. Siguro may dadalawin.

Patuloy ko siyang pinagmasdan hanggang sa nakita ko siya na pumasok sa isang masikip na iskinita.

Agad muli akong nag-invisible form.

Sinundan ko siya hanggang sa pinasukan niyang maliit na iskinita.

Na-shock ako ng makita na nandoon si Toxic.

Inihanda ko ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari.

Akala ko ay maglalaban sila pero bakit ganto ang nakikita ko, para bang sanay na sanay na sila sa isa't isa.

"Kumusta ka?" tanong ni Tita sa kanya.

"Ayos lang naman, medyo stress lang sa pakikipaglaban sa mga spirits," sagot nito.

"Huwag kang magalala, lahat ng plano ng Nature Agency ay asahan mong makakarating sa'yo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Shemay! Si Tita pala ang espiya ng mga kalaban.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at kinuhaan sila ng video. 

Huwag kayong mag-alala, nagiging invisible ang mga bagay na gusto ko din maging invisible, kontrolado kumbaga. As in wala silang kamalay-malay na may video na sila.

"Salamat mahal, sabay tayong mamumuno sa buong mundo na ito, pinapangako ko 'yan," sabi ni Toxic sa kanya at agad niyang binigyan si Tita Alexis ng isang masiil na halik.

Punyemas! Ang landi! Isasakripisyo ang buong mundo para sa iisang lalake!

Sa sobrang bad mood ko ay umuwi nalang ako ng bahay. Hindi pa nga ako ganoon ka-komportable kasi naginginig yung mga laman ko sa inis.

Kung sino pa ang taong pinagkatiwalaan mo, siya pa ang sisira nito.

Nakauwi na ako sa bahay, pero hindi pa din nawawala ang galit ko, argh! Kainis!

Bakit ba kasi kailangan siya pa, paano niya nagawa na magtaksil? Sa ginawa niya parang sinira na din niya, parang sinira na din niya ang pagiging magkapatid nila ni Mama.

Hinding-hindi ko ito papalampasin... Bukas, may meeting ang council dito sa bahay, at kasama siya sa mga council na tinutukoy ko.

Humiga na ako sa aking higaan, ilang minuto lang makalipas kong ipikit ang aking mata ay agad na din akong nakatulog.

"Aria," tawag sakin ng isang boses.

Idinilat ko ang aking mata at nakita ko ang isang magandang binibini na mayroong berde na buhok.

"Elyssa?" paniniguro ko.

"Oo, ako nga. Nagpakita ako sa'yo dahil nais kitang bigyan parangal sa pagiging pinuno sa inyong grupo."

"Ako pinuno? Kailan? Ang alam ko lang madami akong nagawa na plano, pero hindi naman siguro ibig sabihin nu'n ay pinuno na ang turing nila sakin." 

Hinawi niya ang kanyang kamay sa ere at nakita ko bigla ang mga kasamahan ko, na nakikinig at sumusunod sa mga sinasabi ko.

"Maaaring hindi mo lang dama, pero isa kang mabuting pinuno, ikaw ang magtutuwid sa nakararami."

Bigla siyang nagliwanag na naging dahilan para mapapikit ako ng sobra.

Nang muli ko nang maimulat ang aking mga mata ay nasa ibang lugar na naman ako. Parang isang paraiso.

Parang naging fast forward ang lahat. Mula sa napakagandang lugar na napuno ng mga tao, sibilisasyon, kalat, basura, chemical, nagtataasang building, stablishments, at sa huli ay nauwi sa pagkawasak. Yung tipong itsura kapag may gera.

Bigla akong nagising na hinahabol ang aking hininga.

 Napahawak nalang ako sa dibdib ko at pilit na ibinabalik sa normal ang aking paghinga.

Nang maiayos ko na ang aking sarili ay agad na akong bumaba mula dito sa second floor para pumunta sa dining hall. Yah, tama kayo, dining hall, hindi kasing liit gaya ng pangkaraniwan.

Mayroon itong mahabang lamesa at may mga prutas sa gitna nito.

Ipinaggawa ako ng mga maid ng pancakes at iyon ang kinain ko for this morning with matching milk pa.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong naligo at nagayos ng aking sarili dahil maya-maya na ay dadating na ang mga kaibigan ko at ang council...

humanda ka na Tita Alexis...


***

Ilang minuto lang at isa-isa na silang nagdatingan.

Yung mga kaibigan ko ay dumiretso dito sa sala namin, at ang council naman ay sa backyard kung saan gaganapin ang meeting.

Sa meeting namin tatalakayin ang mga bagong strategies namin lalo na na mayroon kaming malalakas na abilidad. At dahil doon mas lalo nila kami daw dapat pagingatan.

Habang iniintay pa yung iba na kasama namin sa pagpupulong ay nag-movie marathon muna kaming magkakaibigan dito sa sala.

Nanonood kami ng Avatar: The Last Air Bender, yung mga highlights lang, mga best fight scenes kumbaga.

Tuwang-tuwa sila sa panonood, gusto daw nilang gayahin yung mga techniques na ginagawa doon baka daw kasi makatulong in real life.

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon