Chapter 34

4 1 0
                                    

Fanco's P.O.V.

"Alam mo dahil sa kalokohan mo pwede kang mamatay, inuuna mo nanaman yung emosyon mo eh!"

"Gets ko na, mali na nga eh," sagot ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan.

"Pupunta na nga lang tayo sa hq mapapahamak ka pa."

"Sabihin mo nag-aalala ka lang."

"Ako? Magaalala? Sino ka ba?"

Wow ah! Sa pagkakaalam ko kasi patay na patay sa akin ang babaeng ito lalo na nung nasa Canada kami.

"Tsk, kunwari pa." 

"Crush lang kita pero hindi ako patay na patay sa'yo." 

"Crush lang?! Baka nakakalimutan mong asawa mo itong kausap mo," sagot ko sa kanya.

"Huwag ka ngang magmayabang, under lang naman kita." Sabay ngisi sakin.

Bakit ko nga ba pinakasalan itong babaeng 'to?

"Sige na, panalo ka na, ayusin mo nalang pagda-drive mo."

"Pagod na ko, pwede ikaw nalang magdrive? Bilhan mo na din pala  ako ng saging."

Grabe talaga makautos ang mga naglilihi!

Yah, buntis si Jasmine, one month and two weeks.

Itinigil niya ang sasakyan sa tabi at nagpalit kami ng pwesto.

Ilang minuto lang at may nakita na akong maglalako ng saging, agad din naman akong bumili, mga isang kilo.

"Hindi kaya maging minions ang anak natin dahil dyan sa kinakain mo?" pagbibiro ko sa kanya.

"Malay mo, maging mahahahaba ang biyas niya paglaki, baka matangkaran ka pa." May point siya.

"Hey look! Kambal na saging o." Sabay titig niya doon sa saging.

"Hala oo nga, ang galing!" Na-amaze kong sabi.


***

Aria Alejandro's P.O.V.

Naayos na muli ang hq mula doon sa unang pagkasira nito, nakakainis kasi yung mga kontrabida sa paligid.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay agad na akong nabighani sa ganda ng ayos ng hq.

Blessing in disguise din pala itong pagkasira ng hq, kundi pa ito nasira hindi pa ito maaayos ng ganito kaganda.

Bago din ako umalis ng bahay ay napaka-dami na din ang ginagawa ng mga maids, ano kayang meron.

Mayroon ding bagong decoration dito sa loob ng aming headquarters, ano kayang meron?

Nakita ko si Papa na parang kausap yung nagaayos sa lugar na'to, designer kumbaga.

Nilapitan ko siya dahil sobrang curious na ako sa mga nangyayari. 

"Pa, anong meron?"

"Alam mo, sa lahat ng tao na kilala ko, ikaw ang hindi ko in-expect na makakakalimot sa okasyon ngayon." 'Yun lang sagot niya sakin. Inisip kong maigi kung ano nga bang meron.

Nang mahimasmasan na ako ay agad akong nanakbo sa table ni Papa at tinignan ang kanyang calendar doon.

February 3...

May bilog yung date na iyon.

Oh my gosh...

Ngayon nga pala ang uwi nila Tito Franco.

Bakit sa lahat iyon pa ang nakalimutan ko. Argh! humihina na yung memory ko.

Si Tito Franco lang naman ang angiisa kong Tito, simula bata pa ako, siya na ang tumayo bilang bestfriend ko. Lagi ko siyang kalaro at sabihan ng problema. Siya din ang nagtatangol sakin kay Papa noon. 

Sa sobrang daming nangyari bigla iyon nawala sa isip ko.

Ilang minuto lang at nakita ko ang mga tao sa buong hq ay nagkakagulo na, tila madaling madali at agad na pinatay ang ilaw.

Lumiwanag ng bahagya ng buksan na ang pinto.

At sabay sabay na sigaw...

"WELCOME BACK SIR FRANCO ALEJANDRO AND MA'AM JASMINE!"

Agad akong napatakbo at napayakap kay Tito, sobra ko siyang na-miss.

May ilang luha ang pumatak sa aking mga mata, pero saglit lang iyon at tumigil na agad ang mata ko sa pagluha.

"Na miss kita." Sabay suntok ko sa balikat niya.

"Ako din, ang laki laki mo na nga, dalaga ka na."

Hindi kinaya nung puso ko nung nawala siya sa tabi ko, mas lalo akong naging duwag at malayo sa mga tao na nasa paligid ko.

Nalayo sakin ang kaisa-isang bestfriend ko noon. 

Nang maging sila ni Tita Jasmine, sobrang selos ko, kasi akala ko papalitan na niya ako. At siya din ang sinisisi ko kung bakit kailangan akong iwan ni Tito.

But I realized that ganu'n talaga ang buhay, may umalis man, meron namang babalik na magandang kapalit.

"Nice to meet you po," bati nilang lima sa kanila.

"So how's the baby malusog ba siya?" tanong ni Papa habang sobra ang kanyang ngiti sa labi, ngayon ko lang uli siyang nakita ng ganito.

Wait what?! Baby? May baby na sila?!

"Buntis ka Tita?" gulat na tanong ko sa kanya.

Nakangiti lang siya na tumango sakin.

"I'm so happy for you!" Sabay hawak ko sa tiyan niya, hindi pa ito kalakihan pero parang may part na medyo tumitigas na, ganu'n ba talaga pagbuntis?

"Hoy, ikaw ah huwag kang magmadaling magka-anak, mag-aral ka na muna ng mabuti," bilin sakin ni Tito.

"May jowa na nga 'yan eh," gatong ni Papa kaya siniko ko agad siya, napakadaldal pagdating sa kapatid niya.

"Sino?" tanong niya with a serious tone. Wahahahahah ano nalang kaya ang reaksyon ni Eric.

Agad ko siyang nilingon at naka-poker face lang, baka deep inside kinakabhan na 'to.

Tinuro naman nung apat si Eric.

"Magaling kang mamili ah, bagay kayo," bati ni Tita Jasmine.

"Tara kain na muna tayo," aya samin ni Papa. Doon uli kami kakain sa very long table kasama ang lahat ng mga nagta-trabaho sa agency na 'to.

"So, asan nga pala ang mga spirits?" tanong ni Tito. Mausisa talaga siya lalo na dito sa agency, mas maamo naman siya kumpara kay Papa.

Tumayo kaming anim at ningitian siya, specially ako.

"Seryoso?! kasama ka sa kanila?" gulat na sabi ni Tito.

Bigla nalang akong nag-invisible form at pumunta sa likod niya, sabay hawak sa balikat niya.

"Wow, amazing! You make me so proud." Niyakap ko nalang siya uli. Na miss ko talaga ng sobra ang first best friend ko.

"Hindi ba pahirap itong pamangkin ko sa'yo?" tanong ni Tito kay Eric.

"Hindi naman po, tsaka kahit maghirap ako ayos lang. Basta makasama ko siya."

"Ang cheesy!" komento ko.

"Hay naku Aria, dapat magpakabait ka 'wag kang gagaya sa Tita Jasmine mo." 

"Ano?!" sabay tingin ng masama ng kanyang asawa sa kanya.

"Wala! Ibig kong sabihin ang ganda mo."

"Uy, parang tayo lang pala sila," - Rockie.

"Yah, pero mas cute tayo." Sabay kapit ni Fherlyn sa braso ni Rockie.

Napailing-iling nalang ako, ang saya saya ng life!

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon