Captain James P.O.V.
Tuloy tuloy lang kami sa pakikipaglaban. Napakadami nila ang hirap nilang ubusin.
Nagpatuloy lang ako sa pagsugod sa mga kalaban at dire-diretsong napugot ang mga ulo ng mga souless.
Mukhang maganda ang nagawa ng company ng Nature Agency na espada, hindi iyon gaano mabigat pero malaki-laki.
Napakatalas din at may shock wave impact once na tumama sa isang object.
Patuloy lang ako sa pagatake sa kanila, hindi sa pagmamayabang pero hindi pa din pala ako nangangalawang hanggang ngayon.
Sa hindi inaasahang pagkakataon. Tila ba lagi nalang kaming dalawa ang pinagtatagpo ng tadhana.
May katana siya na hawak, sobrang tulis. Ang ang suot niyang panlaban ay bagay na bagay sa kanya. Mas lalong lumitaw ang magandang hugis ng katawan niya dahil sa suot niya ngayon.
Nakangisi lang siya habang naglalakad pasalubong sakin, yumuko pa siya at pinagmasdan ang sarili mula sa paa pataas sabay tingin sakin at biglang ngisi, tila ba nagyayabang siya.
Ningitian ko lang siya sa inasal niya. Kahit na souless siya ay mayroon pa din ilang part sa kanya na natira, katulad ng ilang behavior niya.
At sapagkakaalam ko siya lang ang nagiisang souless na may puso, may emotion kumbaga.
Samantala ang iba, kahit subukan mong galitin ay hindi mo magagalit.
Binigyan nga ni Sarayang ng emotio si Alexa pero puro galit lang naman ang emotion nito.
Maya-maya pa'y patakbo siyang sumugod sakin at nagsimula na ang paglalaban namin.
"Kumusta mahal ko?" Nakangiting bati ko sa kanya habang magka-cross ang mga sandata namin.
Hindi siya kumibo, sobrang seryoso lang niya.
Agad siyang gumawa ng second move.
Sasaksakin niya sana ako pero napatalsik ko 'yun gamit ang espada ko na may shock wave.
Kahit na tumalsik iyon sa ere ay agad nya pa din iyon nasalo.
Pagkasalo ay agad na umatake uli sakin.
Kung pagmamasdan kami ay parang matatawa ka nalang dahil para kaming mga bata na panay ang suguran pero hindi naman nagkakaamaan, puro armas lang namin ang nagpupuruhan.
"Proud ka ba sa anak natin?" Tanong ko uli sa kanya habang nakangiti.
"Pwede ba? Hindi ako natutuwa sa ngiti mo. At wala din akong anak!"
Sabay sugod nanaman sakin.
Parang biglang sungit ng isang 'to sakin. Dati sobrang lambing nito ahh.
"Diba nag-meet na kayo ni Aria noon? Anong naramdaman mo? Natuwa ka ba? Nagandahan ka siguro sa kanya 'no, manang-mana kasi sa kagwapuhan ko." Pangaasar ko pa sa kanya habang nakikipaglaban.
Ewan ko ba, dapat hindi naman ganto kasi nasa gitna kami ng pakikipaglaban. Basta trip ko lang.
"Kung may anak man tayo, hindi sa'yo magmaman 'yun gunggong! Lalo na kung si Aria 'yun, halata naman na kamukha ko 'yun." - Alexa.
Totoo ba 'to? Naniniwala na ba siya sa mga pinagsasasabi ko?
"Kung iniisip mo na naniniwala ba ako sayo? Oo, naniniwala na ako. Kung hindi ako naniniwala sana kanina ka pa may galos mula sakin."
Aba! Nagyabang ka pa ah!
"Actually, hindi ikaw ang dahilan para maniwala ako. Kundi ang puso ko. Kung may pagkakamali si Sarayang 'yun ay binigyan niya pa ako ng puso at emosyon. Alam mo ba yung tinatawag nilang mother instict? I think, no I believe na totoo 'yun. Seryoso ako naniniwala ako totoo talaga. Dahil ako mismo ang nakadama nung una ko siyang makita, lalo na nung ngumiti siya, parang may kakaibang saya din sa puso ko. At dahil doon ay nakumpirma ko kung ano ang totoo."
"Naniniwala ka na asawa mo ko?" Tanong ko habang gulat ang reaksyon.
"Naniwala nga ako na may anak tayo diba? Malamang!"
Hindi pa din talaga ako makapaniwala.
Hanggang sa biglang may lumapat sa mga labi ko, isang malambot na labi at isang masiil na halik.
Doon ko naramdaman uli ang ganitong pakiramdam.
Dahil nasa gitna kami ng pakikipaglaban ay isinantabi na muna namin ang dapat isantabi at mas pinili na tumulong sa iba sa pakikipaglaban.
Aria's P.O.V.
Pagkadala namin kay Tito sa safe zone ay agad akong gumawa ng wind barrier na wala ni isang kalaban ang makakapasok dito.
Nakakainis ka Aria! Sana kanina mo pa 'to naisipan para hindi na nagaalala si Watty.
Pagkatapos, bumalik na agad ako sa labanan, isa sa mga naisip ko din na tao ay si Papa at Elyssa, bakit parang hindi ko sila nakikita?
Binaling ko nalang ang atensyon ko sa pakikipaglaban sa mga kampon ni Sarayang.
Medyo nakaka-stress pala iton mga 'to.
Medyo hirap din ako kasi long range ang weapon ko at hindi naman nakakapugot ng ulo ng mga souless.
But wait! Diba ang weapon mo ay connected sa regin mo? That's right Aria, pagsamahin mo ang regin mo at ang weapon mo.
Nag-focus ako at inilaan sa target ang buong isip ko.
Kinontrol ko ang regin na dumadaloy sa aking katawan, sabay tira ng pana sa kalaban.
Direkta iyon na tumama sa leeg ng isang souless, pagkaapos ay biglang nagkagutay-gutay ang leeg hanggang kalahati ng ulo nito dahil sa impact ng wind na kasama nung bow.
Amazing!
Pinana ko nang sunod-sunod ang mga souless sa leeg at lahat 'yun ay bull's eye.
Then isinarado ko ang kamao ko, kasabay nito ang bilang pag-compress ng hangin at gaya ng nangyari sa unang souless, ay naulit lang iyon sa kanila.
Nagpatuloy lang ako sa pakikipaglaban hanggang sa mahagip ng mata ko na nakikipaglaban si Elyssa kay Sarayang.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na akong pumunta sa kanila para tulungan si Elyssa.
Akmang tatamaan niya ito ng itim na kidlat ng bigla akong gumawa ng wind barrier at naharang iyon.
"Sakto lang pala ang dating ko." Sabay ngiti ko kay Elyssa.
"Gawin na natin!" Saad niya sabay tango sakin.
Gumawa ako ng giant wind ball at inatake ko si Sarayang gamit iyon.
Lumaban si Sarayang gamit ang dark energy niya at gumawa ng elementalist giant ball.
Mukha itong isang malaking itim na bola na may kidlat na kulay violet na palitaw-litaw.
Nilingon ko si Elyssa, at sa tingin ko alam na niya ibig sabihin nu'n.
Biglang lumakas ang wind ball ko, palakas iyon ng palakas. Lumagpas na iyon sa limitasyon ko pero kinaya pa din ng katawan ko dahil kay Elyssa.
Mas lumakas pa iyon hanggang sa pareho kami ni Sarayang na tumalsik, mas malayo nga lang ang talsik niya at napahiga siya sa lupa, hindi tulad ko na nanatili pa din na nakatayo.
"Nice one Elyssa." Sabay kindat ko sa kanya.
Very Nice combination!
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...