Captain Jame's P.O.V.
Umalis ako agad dito sa bahay, may kailangan akong alamin.
Dapat kong malaman kung talaga nga bang nabubuhay si Alexa.
Sumakto talaga na may ensayo ang mga spirits ngayon kaya malaya akong pumunta sa ibang lugar.
Pumunta ako sa hukbo ni Sarayang, at nagkataon din na wala doon si Sarayang.
Patago akong pumasok sa loob ng kanilang kampo.
Nakita ko agad si Alexa, ibang-iba na ang itsura niya, pra itong bumata at mukhang mas malakas ito kumpara noon.
Pumwesto ako sa likod niya at agad ko siyang tinurukan ng pampatulog, mabilis lang din ito umepekto sa katawan niya.
Sa lahat ng soul less na alagad ni Sarayang, natatanging si Alexa lang ang mayroong maayos na itsura, hindi nakakatakot ang mukha nito. Maaaring nabigyan siya ng katungkulan ni Sarayang kung bakit natatangi siya sa iba.
Tuso talaga ang mga kalaban, alam nila ang aming kahinaan.
Tinali ko siya sa isang puno sa may tagong kagubatan, tulog pa din siya hanggang ngayon. Malakas talaga ang epekto ng gamit naming pampatulog.
Ilang oras lamang at agad na din itong nakagising. Dahan-dahang niyang minumulat ang kaniyang mga mata, at ng makita niya ako ay agad nagbago ang titig niya sakin, galit na galit ito.
"Pakawalan mo 'ko," utos niya na para bang nansisindak.
Inobserbahan ko lang siya at hindi pa din kinakalagan.
Mukhang nakalimutan na niya 'ko, inalis na ni Sarayang ang kanyang pag-iisip at diwa.
"Alam kong hindi mo na ako natatandaan mahal ko, kaya magpapakilala ako sa'yo, ako ito, si James, ang asawa mo at ang tatay ng anak mo."
"Ano? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya na may halong inis pa din.
"Pakiramdaman mo ang puso mo." Sabi ko sabay hawak sa kanyang pisngi. Hindi ko alam kung bakit ngunit nang hawakan ko iyon ay bumalik lahat ng ala-ala sakin, kung paano kami naging magkakilala, paano nabuo ang aming relasyon, hanggang sa araw ng kanyang pagbubuntis at panganganak kay Aria kung saan siya nabawian ng buhay.
"Bitawan mo 'ko! Huwag mo akong linlangin!" sigaw niya na tila may pinipigilan siya sa kanyang kalooban.
Nang bumalik na ako sa wisyo at nawala sa isip ko ang mga ala-ala namin ay napagtanto ko na pumapatak na pala ang mga luha sa aking mga mata.
Tinurukan ko uli siya ng pampatulog at sinakay siya sa sasakyan para dalhin sa mas ligtas na lugar, ngunit nang nakalas ko na ang tali niya ay bigla siyang dumilat at tuluyang nakawala mula sa pagkakagapos.
"Hindi mo ako kaya." Sabi niya sabay tuluyang umalis.
Kahit na may kirot sa puso ko ay hindi ko na siya hinabol. Darating din ang araw magkikita uli tayo, aking mahal.
***
Alexa's P.O.V.
Ayoko itong maramdaman pero nagtataka ako kung bakit ganito, bakit ganito ang puso ko, parang gustong kumawala.
Pilit ko mang alisin sa isip ko yung nararamdaman ko pero di ko magawa.
Agad nalang akong bumalik sa aming lungga.
Ang tanging tuon nalang ng isip ko sa ngayon ay dapat sa magaganap na labanan. Sa oras na iyon dapat kami ang manalo.
"Alexa, ihanda mo ang iyong hukbo, dahil ang hukbo mo ang ating alas laban sa kanila," sabi ni Sarayang sakin.
Hindi ko alam kung bakit nila siya kinakatakutan pero para sakin hindi ako takot sa kanya.
Oo, mapapasunod niya 'ko pero kahit kaunting takot sa kanya ay wala ako, sino ba siya para katakutan?
"Bakit? Bakit kami? Bakit hukbo ko ang naging alas? Hindi ba si Malling ang iyong kanang kamay?" direktang tanong ko sa kaniya.
"Dahil ang mga alagad ko na hawak ng iyong pamumuno ang pinakamalakas," sagot niya na para bang may halong pag-aalinlangan.
Pagkasabi niya nito ay lumisan na ako sa harapan nila, hindi ko alam kung bakit ngunit wala akong ganang makipag-usap sa kanila.
Nagsuot ako ng jacket para matakpan ang sarili ko at hindi ako makilala ng iba, naglagay din ako ng shades at mask para sigurado.
Naglakadlakad ako sa tabing kalsada at hinayaan ang paa ko kung saan ako nais dalhin nito.
Napunta ako sa lugar na may nakasulat sa arko, 'Villa Alejandro' pamilyar sakin itong lugar na ito ngunit hindi ko maalala kung kailan ko ito nakita.
Pagpasok ko doon ay madami ditong kabahayan, isang subdivision. Maaaring Alejandro ang ngalan ng may ari ng lugar na ito.
Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad, hindi ko alam ngunit parang alam na ng katawan ko ang nais nitong puntahan, sa daan lang ako nakatingin ngunit ang paa ko ay napapadpad nalang ng kusa kung saan.
Maging ako sa aking sarili ay nagulat ng bigla akong napahinto sa tapat ng isang malaking bahay na may malawak na bakuran. Nasa bakuran na iyon ang pitong kabataan na napakasarap pagmasdan.
Nagtatawanan lamang sila habang nagmi-miryenda.
Dahan-dahan akong lumapit sa fence ng bahay na iyon at pinagmasdan sila.
Biglang napukaw ang aking paningin sa isang batang babae na kapareho ko ng kulay ng buhok, at kapareho ng aking mga mata, para bang may connection kami sa isa't - isa at para bang dati na kami magkakilala.
Napadpad din ang kanyang paningin sakin at nginitian lang ako.
"Aria, gusto mo pa ba ng juice?" tanong sa kanya ng lalaki na para bang may gusto sa kanya, dahil nang alukin niya ang babae ay agad itong kinutya ng mga kaibigan.
Agad na din akong umalis at muling napalakad-lakad, hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Para bang may kirot sa aking puso, bakit gusto ko siyang makilala? Bakit gusto ko siyang mahawakan? Bakit gusto ko nalang siyang hagkan? Hindi ko na maintindihan! Naguguluhan na 'ko!
Hindi ko inakala na mapapadpad ako sa lugar ng Icuigas, lugar kung saan magaganap ang labanan.
May mga nakita ako dito na ilang sundalo, at nakita ko din na mayroong trono dito sa gitna. Ano kayang halaga nu'n?
Ilang minuto lang at biglang diretsong dumating si Sarayang sa kanyang trono.
Umupo agad ito at pumwesto na akala mo talga'y reyna.
Lumingon siya sa akin at ngumiti, kahit sa porma kong ito ay nakilala niya pa din ako, makapangyarihan nga siya. Pero hindi pa din niya ako masisindak.
"Alexa, maligayang pagdating sa lugar ng ating katagumpayan," sabi niya habang nakangiti.
Tinanggal ko ang hood ng jacket ko at nagtanggal din ako ng face mask at shades.
Tinignan ko lang siya ng seryoso at ipinakita na wala akong pakialam sa pinagsasasabi niya.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...