Sarayang's P.O.V.
This is it! This is the perfect day for my victory!
"Corbin, handa na ba ang iyong hukbo?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo dito sa trono ko sa Icuigas.
"Opo, mahal na reyna." Tugon niya.
"Donelle?"
"Handa na din kami mahal na reyna."
"Leo?"
"Handa na po."
"Malling?"
"Handa na, mahal ko."
"At ikaw Alexa?"
"Gaya ng dati, ang hukbo ko pa din ang pinkamahusay sa lahat." Sabay ngisi niya sakin.
"Mabuti kung gano'n." Tugon ko.
Nakahanda na ang hukbo ng bawat isa, nakapwesto na din kami ng ayos. Inaantay na lamang namin ang aming mga kalaban.
Asan na kaya ang mga 'yun? Sa oras na wala pa sila ay manggugulo na kami sa mga tao! Kaya dapat ay madaliin nila ang pagpunta sa aming lungga.
Ilang minuto lang at may narinig akong kakaibang ingay mula sa himpapawid, mukhang nandito na sila.
Mahigit sampung helicopter ang isa-isang bumaba at naglabasan ang mga sundalo mula doon, pagkababa ng mga sunadalo ay agad iyon na umalis.
Sumunod naman ang mga trucks na pang military, kagaya ng sa helicopter ay naglabasan ang mga naroon, yun nga lang ay hindi nagalisan ang mga truck, nagpark lang sila ng maayos sa pinakadulong parte ng Icuigas.
Maya-maya pa ay dumating ang isang kabayong puti, at sakay-sakay nito si James, sumunod ang isang kabayo na kulay brown, si Franco naman ang sakay nito, ang kapatid ni James.
Ilang minuto lang din at dumating na ang pinaka-aabangan ko. Ang pitong spirits, si Aria ay nanggaling pa mula sa agila, si Eric naman ay nakasakay sa isang black panther, si Watty ay may kabayo na gawa sa tubig, si Fherlyn at Rockie ay magkasama sa sand dragon, at si Cryst naman ay nakasakay sa isang lobo kasama si Elyssa.
Talagang naghanda din pala sila para dito, akala ko ay masyado nilang minaliit ang laban este ang gera na ito.
Aria Alejandro's P.O.V.
Dumating na kami sa lugar kung saan magaganap ang digmaan, nakita namin na nakahanda na ang hukbo ng kabilang grupo, halatang handang-handa sila sa kanilang gagawin.
"Meron pa ba tayong hinihintay?" Pasigaw na tanong ni Sarayang na ani mo'y ini na inip na siya.
Wala ni isa saming sumagot sa kanya, lahat kami ay nagmasid lamang sa paligid at tinitignan ang hukbo ng aming kalaban.
"Simulan na natin 'to!"
Pagkasigaw niya ay agad na sumugod ang kanyang hukbo kaya sumugod na din ang amin at tuluyan nang nagsimula ang labanan.
Tumulong din kaming pito sa pakikipaglaban sa pipitsugin niyang hukbo na wala pang ilang segundo ay isa-isa na namin napapatay.
Ang lamang lang nila ay tila ba sila hindi nauubos, sunod-sunod sila at bigla pang dumating ang mga pahirap sa buhay namin, ang mga souless.
Para mas mapabilis kami ay ginamit namin ang aming mga spirit weapons para mapuksa ang mga kalaban namin.
Habang nakikipaglaban ako sa iba at biglang sumulpot si Corbin kung saan.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...