Aria Alejandro's P.O.V.
Nang maayos na ang paningin namin ay agad siyang ikinulong ni Cryst sa yelo. At gamit ang tubig sa dagat sa may gilid ng isla ay inilayo siya ni Watty sa buhangin.
"Teka?! Tinamaan niyo yung bundok na buhangin?! Umalis na kayo ngayon!"
Agad naman kami kumilos para umalis kaso nga lang naubusan kami ng bangka.
Biglang may sand dragon ang lumabas mula doon sa bundok na buhangin na inakyat ko kanina.
Tinamaan ata ng lightning ni Eric yung gitnang bahagi nito kaya nabulabog yung dragon.
Gumawa ako ng malaking wind barrier para ipangdepensa namin.
Binubugahan nito ng apoy yung barrier na gawa ko, hindi ko alam kung hanggang kailan pa kaya ito magtatagal. Pagkatapos niya bugahan ng apoy ay agad nitong hinampas yung barrier.
Agad naman akong tinulungan ni Watty dinagdagan niya din ng water barrier yung ginawa ko.
Si Eric naman ay sinubukan na tirahin siya ng lightning pero hindi pa din effective, tumatagos lang iyon sa buhangin nitong katawan.
Sinubukan ni Fherlyn na gamitin ang fireball niya pero wala pa din.
Sinubukan siyang i-freeze ni Cryst pero wala pa din effect, nasira niya lang iyon.
Muli itong bumuga ng apoy pero agad na kumilos si Fherlyn para i-reverse sa kanya ang atake niya at nagawa niya nga iyong ibalik sa bunganga nung dragon at nanghina ito at nakalas ang ibang parte ng katawan niya na ngayon ay dahan-dahang bumalik sa dati.
Habang hindi pa ito nakakabalik sa dati agad siyang binuhusan ni Watty ng tubig at naging normal na basang buhangin. At ginamitan ito ni Eric ng electricity para kuryentihin at kinontrol ito nung earth spirit at itinaas sa ere para ma-freeze sa yelo ni Cryst.
Tinapat ko naman ang hintuturo ko sa bagay na iyon at pinalibad hanggang sa kalawakan.
"Game over," comment nung bwisit na lalaki sa likod ko.
"Paano na tayo babalik nito?" tanong ni Fherlyn.
"I have an idea!" tuwang-tuwa na sabi nung lalaking stranger, hindi talaga ako mabilis magtiwala. "Anyways my name is Rockie."
Gumawa si Cryst ng yelong sasakyan at nilagyan iyon ni Rockie ng manipis na surface ng lupa para hindi kami ginawin sa pagupo.
Ako naman ay kasalukuyang nasa likod katabi si Ghorl, kami ang nagpapaandar sa mini bangka namin, ako ang nag-handle sa movement and siya yung booster another good combination nanaman diba? thanks to Rockie tsk!
***
A/N: Hello po mga spirits! Thank you for reading this story! Sana po ay patuloy niyo akong suportahan sa story ko na 'to and I'll hope na magustuhan niyo po. Pasensya na po sa mga misspelled words and sa mga ilang wrong grammar, thanks for reading anyways. Don't forget to Vote this story! <3
***
So ayun na nga, nakabalik na kami ng ligtas sa pangpang kung nasaan nakaabang yung van namin para ihatid kami sa hq ng Nature Agency.
"So gaano na pala kayo katagal dito sa Agency na 'to?" paguusisa niya, ang dating supladong lalaki ay nagiging maamo, dual personality ata ito ah.
"Since magkaisip ako nandito na ako," sagot ko sa kanya.
"Kaming tatlo kahapon lang," pakikisali niya sa usapant ni Cryst.
"Ako the day before sila," si Fherlyn.
"Mga baguhan lang din pala kayo, okay."
Ilang oras lang at nakadating na kami ng ligtas sa headquarters.
Kompleto na kaming anim.
"Welcome to our Agency Rockie!" Nagyakap sila ni Papa na akala mo matagal na magkakilala.
"Wait? Paano mo siya nakilala? Di ba hindi pa naman namin sinasabi sa'yo yung pangalan niya?" pagtatakang tanong ni Eric.
"He is my first student sa combat, kaya matagal ko nang alam na isa siya sa mga spirits, and your mission is just a training." pagpapaliwanag niya.
"Alam niyo po ba na nagkagalos si Aria dahil sa kagagawan niyang student niyo?" reklamo ni Fherlyn kay Papa.
"Edi gamutin nalang natin sa clinic, ang maliliit na bagay ay hindi na dapat palakihin, paano kung mas malala ang natamo niyo sa mga kalaban na hindi inaasahan? Magrereklamo lang ba kayo at maninisi?" Kung sabagay may point si Papa.
After kami bigyan ng first aid sa clinic ay agad kaming pumunta sa office ni Papa at may paguusapan daw kami.
"Six Spirits of the nature, kayong lahat ay hindi pa 'official' as a spirit." bungad ni Papa na naging dahilan para ma-shock kami. "Merong two requirments para maging official na spirit na kayo, first is your inner spirit, kadalasan ito ay isang hayop o baka iba pang nilalang hindi din natin masasabi, sila ang mga unang may hawak ng kapangyarihang pino-posses ninyo. And if you discover kung sino o ano ang inyong inner spirit automatic niyo nang makukuha ang inyong spirit armor, package kumbaga."
"Ahy wow! may package package pa pala iyon AHAHAHA!." singit ni Fherlyn.
"SSSSSSSHHHHHH!!!!" pagawat namin sa kanya.
"And the last is your spirit weapon, mailalabas niyo lang ito kapag nagawa niyo na ang specialty ng inyong power or regin (tawag sa powers ng mga spirits)."
"So how do we find them?" deretsong tanong ko sa kanya.
"If you want to find your spirit armor, hindi niyo kailangan na magsama-sama pa, you can ask for assistance but ikaw ang gagawa sa sarili mo para mahanap iyon." sagot sa akin ni Papa. "And starting tomorrow, all of you ay kailangan mag-training under Aria's Trainor, Ms. Alexis."
And after ng maiksing paguusap ay agad na uli kaming umuwi sa kanya-kanya naming bahay.
Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kuwarto ko at nagbasa ng libro, kaunti lang ang koleksyon ko nito kaya inuulit-ulit ko nalang din.
Wala akong masyado magawa kaya pumunta na muna ako sa bakuran namin para magpahangin. Habang nasa labas ay bigla kong naalala yung nangyari sakin kanina, yung pagangat ko sa ere.
Sinubukan kong gawin iyon pero 1 meter mahigit lang ang kayang taas, hindi ko magawang itaas pa.
Pinipilit ko na lumipad dahil gusto kong mas maabot pa ang maliwanag na parte ng kalangitan, kasabay ng mga bituin na naglilitawan at ng bilugang buwan na sadyang maliwanag na tanglaw sa kadiliman.
Iniisip ko nalang na baka pagnaabot ko ang langit baka sakaling makita ko man lang ang aking Mama.
Dahil hindi ko magawa-gawa, sinubukan kong gumawa uli ng bilog na barrier at nandoon ako sa loob nito para makagala din ako sa himpapawid.
Nangyari nga ang inaasahan ko at sa wakas ay nakalibot din sa himpapawid, isa ito sa mga paboritong bagay ko sa pag-posses ng ganitong kapangyarihan.
A/N: Ohayogozaimasu! Mapapaaga po ang update natin today, coz madaming po akong tatapusing school work mamaya. #StudyFirstMamayanaJowa AHAHAHAHHAHHAHA!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/248110338-288-k800541.jpg)
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasiSa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...