Chapter 29

5 1 0
                                    

Third Person's P.O.V.

Ngumisi lang si Toxic at kinaladkad ang babae habang patuloy itong sinasabunutan.

Sumakay na din ang lahat ng tauhan niyang natitira sa cruise.

Patuloy nilang pinagmasdan ang paligid. Kalahati sa kanilang kampo ang namatay at mangilan-ngilang sugatan.

Hindi mapigilan ni Watty na mapahagulgol sa nangyari, lalo pa't nakilala niya ngayon ang kanyang Tunay na Ama na hindi siya kayang ituring bilang isang Tunay na Anak.

Si Aria naman ay nanatiling matatag kahit medyo pinanghihinaan na din ng loob. 

Agad namang nilipon ng kalalakihan ang mga kasamahan nilang nakatamo ng malalalang sugat at inilapit iyon sa karagatan.

Kasama si Fherlyn sa mga iyon, inuna muna ni Watty na gamutin ang mga kritikal.

Pinadaloy niya ang tubig sa mga katawan nito at ginamit para sila'y pagalingin.

Nang tanggalin ni Watty ang tubig sa mga sugat ng mga critical ay agad iyong gumaling...maliban sa sugat ni Fherlyn sa kanyang kaliwang braso.

Hindi lang ito basta sugat, tila tinusta na ang parte ng katawan niya na ito, marahil kapangyarihan din ng isang spirit ang dahilan nito kaya hindi siya basta-basta mapagaling si Fherlyn.

Babalikan nalang niya na pagalingin si Fherlyn, ginamot niya din ang mga nakatamo ng malalang sugat ngunit hindi naman critical. 

Pagkatapos niya silang gamutin ay bumalik muli ang kanyang attention kay Fherlyn.

Ginamit niya ang dulo ng kanyang sibat at hiniwa ang kanyang palad.

"Watty..." pagaalala ni Cryst at Eric.

"Okay ako." 

Pinatulo niya ang dugo niya kay Fherlyn at ito ang ginamit niya para pagalingin ito. 

Lumiwanag ang kanyang dugo at dahan-dahang humilom ang sugat ni Fherlyn. Ngunit kasalukuyan pa din siyang walang malay.

Hinayaan niyang mabasa ng tubig ang kanyang kamay at kusa na din itong gumaling.

"Saan mo natutunan ang ginawa mo kay Fherlyn?" tanong ni Rockie.

"Hindi ko din alam, basta kusa nalang iyon pumasok sa isip ko. Isa pa likido din ang dugo at isang uri ng tubig. At bilang isang healer naisip ko na mainam gamitin ang dugo ko sa pagpapagaling lalo na't isa din akong spirit," pagpapaliwanag niya.


***

Watty Ortiz's P.O.V.

Sa katunayan ay hindi ako naging sobrang tapat sa mga kaibigan ko, kahit pa sa boyfriend ko.

Hindi lang ako nagsasalita pero meron akong kakaibang nararamdaman sa pagkatao ko.

Kung minsan ay parang napapanaginipan ko ang seventh spirit...Si Elyssa.

"Ako ang Engkantada na ginawa ni bathala bilang taga-pangalaga ng kalikasan."

"Nagpapakita ka din ba sa ibang spirits?" Inosenteng tanong ko sa kanya.

"Sa ngayon ay ikaw palang ang nakakakita sakin. Ikaw kasi ang may pinakabusilak at malambot na puso sa inyong lahat."

At hindi lang doon iyon nagtatapos...Kung minsan ay nakikita ko din sa aking panaginip ang mga sinaunang water spirit.

Nakikita ko din kung paano ibinigay ni Elyssa ang pamamahala sa kalikasan sa mga hayop. At ang mga hayop na ito ang aming naging inner spirit.


Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon