Chapter 12

6 1 0
                                    

Aria Alejandro's P.O.V.

Nandito ako ngayon sa training area namin ni Tita, kakatapos lang din nung unang two hours, kaya nag-break na din muna kami.

Agad akong lumapit doon sa bag ko at agad na binuksan ang cellphone ko.

*Message from Ghorl*

'Ghorl, may emergency, need mo pumunta now sa bakanteng lote ng school.'

Patay! two hours na ang nakalipas, hindi agad ako nakapunta baka, importante 'yun.

"Tita may emergency!" Agad kong pinakita sa kanya yung phone ko at siya na rin mismo ang nakabasa nu'n.

Agad kong inayos ang sarili ko at mga gamit ko, akmang aalis na ng bigla niya akong awatin.

"Paano ka pupunta doon kung ikaw mismo sa sarili mo hindi ka pa handa?" pampaparanka niya sakin.

"Ano gusto mong gawin ko? pabayaan sila?!" sagot ko naman sa mga salita niya sakin.

"You need to be ready, hindi ka naman pwede na sumugod doon ng walang dalang bala." May point siya kaya pinilit kong i-relax ang sarili ko.

"So paano na? Kaya mo ba akong tulungan?" diretso kong tanong sa kanya.

Umupo lang siya sa ground and ginaya ko siya.

"Close your eyes, ang damhin mo ang regin mo sa buo mong katawan," utos niya sakin. Ginawa ko naman agad iyon, nararamdaman kong gumagaan ang pakiramdam ko, parang ako at ang regin ko ay may maayos na communication.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko, at agad kong nakita ang isang agila na nakatitig sakin, hindi siya ordinary na eagle kasi napaka-laki nito, siguro mga five feet ang taas niya.

Dahan-dahan ko siyang hinawakan and kusa siyang lumapit sa akin.

"Now go with your inner spirit, I think ready ka na," sabi ni Tita kaya agad na din ako umalis sakay-sakay ng aking inner spirit.

"Ang sarap pala, damhin ng hangin kapag wala sa loob ng barrier," puna ko sa himpapawid.

"Kumapit ka, kailangan na natin tulungan ang iba." Na-shock ako sa biglang pagsasalita nung agila na 'to.

Hay nako! dapat pala hindi na ako magtaka, spirit nga pala siya. Hindi siya katulad nung pangkaraniwang hayop.

Bigla kaming bumilis at agad naman akong napapikit dahil sa lakas ng impact ng hangin na sumasalubong sakin. Pagdilat ko ay nadatnan ko na ang school sa likuran ko at nasa harap ko naman ang bakanteng lote na mat tunel pababa.

Dumiretso lang ako at lumiko sa likuan sa kanan, pagtingala ko ay agad akong nakitang daanan kaya gumawa na agad ako ng wind barrier. Nagpatuloy ako sa pagtungo sa direksyon ng under ground tunnel at ilang minuto pa ay naramdaman ko na umaakyat ang inaapakan ko pataas.

"Good job spirits! Mukhang matutuwa si Toxic kapag nalaman niya na hawak ko kayong anim," sabi nung babaeng may maroon na gloves. 

Nakita ko din na nakadikit sa pader yung mga kasama ko, lalapitan ko sana sila ng biglang nawala yung air barrier ko.

Wait? Merong ibang sumusubok na mag-kontrol sakin.

Bigla akong napaluhod at kusang tumaas ang dalawang kamay, pagkatapos ay biglang tumaas at ngayon ay nakadikit na ako sa kisame, sabay bagsak sa sahig.

"Aria!" sabay-sabay nilang sigaw.

"Ligtas ka na sana kaso um-epal ka!" sabay hampas uli sakin sa sahig.

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon