Fherlyn Tuazon's P.O.V.
"Tara date tayo, libre ko," aya niya sakin, "And consider it na isang celebration sa paggaling mo."
Oo nga pala, nabalitaan ko ang paggamot sa akin ni Watty, magpapasalamat nalang ako sa kanya mamaya sa school.
Since Nature Agency ang may hawak ng school na aming pinapasukan, napakiusapan ang mga teachers dito na pagsama-samahin nalamang kami sa iisang class.
"Alangan naman, mag-date tayo na ako ang manlilibre eh ikaw itong nagyaya," pagtataray ko kahit na alam ko namang wala din akong choice, minsan lang din kaya ito.
"Basta, sumama ka nalang."
Sumakay kami sa isang UV Express na van. Ilang minuto lang ay agad na kaming nakadating dito sa isang coffee shop kung saan malapit sa school namin.
Na-excite pa naman ako, dito lang pala mauuwi! Kainis!
Wala ng bakanteng table sa paligid maliban doon sa part malapit sa mirror na pader.
Agad akong pumunta doon at inilapag ang aking bag doon.
"Tara order na tayo," aya niya sakin.
"Good Morning Ma'am, Sir! Ano po ang sakanila?" tanong samin nung staff.
"Isang hot chocolate and ten pieces of oreo cookies," sagot ko sa kanya, 'yun yung gusto ko eh, "And two pieces of pancakes na din."
"Sakin brown cofee lang," sabi ni Rockie doon sa staff.
Ilang minuto lang at dumating na din ang order namin.
Marahil ay nagtataka kayo kung bakit madami na agad tao dito, siguro ay dahil sa pwesto ng kanilang shop, na kahit madaling araw ay dagsaan na ang mga tao.
Five-thirty na ngayon sa relo ko.
Sinawsaw ko ang isang oreo cookie sa aking hot chocolate, nang lumambot na ito ay agad ko itong sinubo, ito ang favorite part ko sa paginom ng hot chocolate.
"You're so cute," sabi niya sakin habang nakangiti.
"Ano ba," sabay hawi ko sa buhok ko at sinabit iyon sa aking tainga. "Baka mamaya minamanyak mo na ako sa isip mo."
"Hindi naman ako ganu'n klaseng lalake."
"Wews, maniwala." Ayoko talagang maniwala.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain, ang sarap-sarap kaya.
Nang maubos ko na ang oreo cookies ay agad ko nang tinunga ang tasa ng hot chocolate ko, hindi na iro ganu'n kainit kaya nagawa kong tunggain.
"Loyal kaya ako, gusto mo i-try mo ko."
Bigla kong nabuga yung iniinom ko dahil sa sinabi niya.
Buti nalang at mabilis siyang kumilos at ginamit ang metal para protektahan siya mula sa dura kong iyon. "Fherlyn naman eh! Kaunting ingat naman, naka-uniform na kaya ako, wala akong extra."
"Eh bakit mo kasi sinabi 'yun?"
"Bakit masama ba na magconfess sa'yo na gusto kitang maging girlfriend?"
"Hindi naman, nakakabigla lang. Ang pangit kase ng bungad mo eh," sagot ko sa kanya.
Bigla nalang nanlaki ang mga mata ko ng bigla akong nahimasmasan. "What did you say?"
"Can you be my girlfriend?" sagot na tanong niya na parang may pagaalinlangan pa.
"Parang may duda ka pa ah."
"Sagutin mo nalang kasi," sabi niya, with medj inis na voice.
Ngumisi lang ako sa kanya, naiilang pa din siya at hindi makatingin ng diretso sakin.
Bigla akong tumayo at hinawakan ang pisngi niya at agad siyang binigyan ng isang matamis na halik, yung tipong pang teleserye para bonga!
Huwag kayong magalala dahil deserve niya lang iyon, pareho din naman naming mahal ang isa't isa diba, wala naman sigurong masama 'yun.
***
Third Person's P.O.V.
*Cring!*
Tumunog na ang bell at isa lang ang ibigsabihin nito. Break na ng mga students.
Halos mala-zombie apocalypse ang pagdagsa ng mga estudyante sa kanilang school crafeteria.
Buti nalang at may reserve sila na lamesa, hindi nga lang sa crafeteria kundi sa loob ng guidance office.
Actually, daanan lang ang guidance office, mayroong pintuan sa likod ng table ng guidance councilor, at iyon ang daan ng mga spirit patungo sa kanilang lugar.
Parang isang yayamanin na restaurant ang table para sa kanila, kahit na underground pa ito.
"Kumusta naman ang lifestyle niyo?" tanong ni Fherlyn, siya lagi ang nagbubukas ng conversation.
"Ayos naman," sagot ni Aria sabay tingin kay Eric na nakatingin din sa kanya.
"Huwag na kayong magsalita gets ko na," sabi ni Watty.
"Ang alin?" tanong nilang lahat.
"Sus! maglolokohan pa ba tayo? Alam naman nating tatlo na ang partners dito sa grupo natin." Kabisado niya talaga ang mga kaibigan niya.
"Pano mo nalaman?" tanong ni Fherlyn.
"Yung kay Aria hindi ako ganu'n kasigurado pero na-confirm ko na ngayon na dapat ay Ate Aria na ang tawag ko sa kanya."
"Malakas ang sense mo," bati sa kanya ni Aria.
"Eh yung samin?" tanong ni Rockie.
"Nakita namin kayong nagleleplepan sa may coffee shop kanina, P.D.A. pa kayo, doon pa talaga kayo pumwesto kung saan kitang-kita kayo," sagot ni Cryst.
"Anyways may mahalaga akong sasabihin sa inyo."
Biglang nagbago ang mood ng lahat dahil sa sinabi ni Watty. Alam nila na kapag sinabi nitong mahalaga ay mahalaga talaga, siya lang ata ang natitirang babae na hindi marunong magsinungaling.
"Nakikita ko ang seventh spirit sa panaginip ko."
"Talaga?!" nae-excite na sabi ni Fherlyn, "sana all."
"So bakit hindi siya nagpapakita samin?" tanong ni Eric sa kanya.
"Maybe dahil siya ang may pinakamalambot na puso na madaling makipagkonekta sa mga taong katulad ng seventh spirit," - Aria.
"Exactly! And nakikita ko din si Lia, the water spirit before me."
"Ang astig mo naman beb, ano naman sinasabi nila sa'yo?"
"Ang pinakanatatandaan ko lang ay sinabi niya na marapat lamang gamitin at unahin ang puso ngunit huwag kalimutan na paganahin ang utak."
"I think may gusto silang ihatid na mensahe sa'yo," sabi ni Rockie.
Siya ang may pinakamadaming nalalaman tungkol sa kanilang mga kakayanan kaya mataas din ang tiwala nila dito.
"Dapat kang magingat sa sobrang pagiging malambot ng puso mo, dahil maaari mo iyong ikapahamak." Namangha sila sa galing nitong mag-interpret ng sinasabi ni Watty na nakita daw niya sa panaginip.
"Maghanda din kayo, baka makita niyo din ang dating spirit at si Elyssa sa panaginip niyo. Lahat tayo ay may kanya-kaniyang koneksyon kay Elyssa at sa mga dating spirits," sabi ni Watty.
Sa bawat pangyayari ay mayroong dahilan at rason kung bakit ito nagaganap. Ang kailangan lang ay sumabay sa agos.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...