Toxic's P.O.V.
"Handa ka na bang muling makita si Reyna Sarayang?" tanong ko sa kanya.
"Patay na siya! Payapa na ang lahat! Hindi lang iba ang kaya niyang pabagsakin, maging ikaw din! Traydor si Sarayang! Pagkatapos niyang makuha ang lahat ng kailangan mo sa kanya ay basta basta ka nalang niya papabayaan o mas malala ay patayin ka pa niya!"
"Wala akong pakialam sa lahat ng pinagsasasabi mo Elyssa. In fact my decision is final. Nakuha ko na ang dugo ng mga spirits, mabubuhay na namin ang Reyna ko."
"Nagmamakaawa ako sa'yo! Pakiusap! Huwag mong gawin ito!" Pagmamakaawa niya sakin habang nakayuko sa aking paanan.
Ayos lang sakin na lumuhod siya sa harap ko, mas gusto ko pa nga 'yun. Pero para pigilan ako sa mga bagay na gusto kong gawin, hindi ko ikakatuwa iyon.
Sinipa ko ang mukha niya kaya siya napahiga sa sahig, pero hindi pa din siya tumitigil sa pagmamakaawa kaya sinampal ko siya.
Pagkatapos nu'n ay nanahimik na lamang siya habang nakahawak sa kanyang pisngi.
Tinalikuran ko nalang siya at agad na umalis.
Nakaayos na ang lahat para sa aming pagalis.
Pumasok na ako sa sasakyan ko at sumunod naman si Alexis.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at agad ng kumilos para sa gagawin naming isang mahalaga na bagay.
Kasalukuyan na kaming umaakyat sa bundok, at ilang minuto lang ay narating na namin ang tuktok nito, dahil na din sa kagandahan ng aming mga kagamitan.
***
Elyssa's P.O.V.
Hindi ko mapigilan na hindi mabagabag. Hindi pwedeng matuloy ang binabalak nila.
Hindi pwedeng muling mabuhay ang aking Ina.
Si Reyna Sarayang ay ang diyosa ng kadiliman. Wala siyang puso at lahat ng lalabag sa kalooban niya ay kanyang papatayin. Dahil dito, kunti-kunting nabuo ang takot ng mga tao.
Alam ng aking Ama ang mga ginagawa ng aking Ina.
Hindi siya natuwa dito, hindi nito gustong makita na sinisira ang kanyang mundong nilikha.
At iyon ang kauna-unahang labanan sa buong daigdig.
Napatay ng aking Ina ang aking Ama.
Ngunit bago pa tuluyang malagutan ng hininga ang aking Ama ay naipagkaloob na niya sakin ang kanyang kapangyarihan.
Bukod sa natural at orihinal kong kapangyarihan, dinagdagan pa niya ito at mas pinalakas.
Muli namang nagkaroon ng labanan, at sa pagitan ko na iyon at ng aking Ina.
Dahil sa lakas na taglay ko ay tuluyan na siyang namatay at nawala sa mundong ito.
Doon ko siya nilibing sa tuktok ng bundok nang sa gayon ay hindi ito matunton ng iba pang mga alagad niya.
Pagkatapos ng laban na iyon ay patuloy na ang kaguluhan sa mundo, gyera sa pagitan ng mga bansa.
Ito ang naging dahilan para ipagkaloob ko sa mga nilalang na nilikha ni Darius na aking Ama ang aking kapangyarihan.
Ayokong magaya sa aking Ina na ginagamit ang kapangyarihan laban sa mga tao.
Ipinagkaloob ko ito sa mga malalakas na hayop sa daigdig.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...