Elyssa's P.O.V.
Grabe! Kahit na may bago na akong kakayanan ay napakalakas niya pa din.
Halatang pinaghandaan niya ang mga bago niyang kakayanan, mas mabilis din siya kumpara noon. Gumaling din siya sa paggamit niya ng sandata.
Akmang titirahin niya ako ng kidlat na gawa niya ng biglang dumting si Aria.
Kahit naman na hindi siya dumating ay sa tingin ko kakayanin ko 'yun depensahan dahil sa bago kong kakayahan.
Sa senyas niya palang ay alam ko na ang nais niyang mangyari, at bilang siya ang naging pinuno namin ay agad ko siyang sinunod.
Natuwa ako sa kinalabasan, kanina ko pa talaga gusto mapuruhan si Sarayang pero parang halos nagma-match yung lakas namin.
Pinagmasdan ko si Sarayang, inaabangan ko itong bumangon pero hindi ito gumagalaw.
Patay na kaya siya? Panalo na kaya kami? Sana ganu'n nalang kadali matapos ang lahat.
Nilapitan ko siya, hindi na siya humihinga, namutla na din ang mga labi niya.
Nagulat nalang ako nang bigla siyang maging usok na itim.
Dahil doon ay hindi ako makakita, wala akong makita.
Sinubukan kong mangapangapa sa paligid pero wala talaga ako madama ni mahawakan man na bagay. Para lang akong nasa kadiliman.
Nakiramdam lang ako sa paligid pero kahit pandama ko ay humina din.
At sa hindi inaasahang pagkakataon.
Naramdaman ko ang sakit.
Hinawakan ko ang tiyan ko at may nakaturok doon na isang matulis na bagay na mula pa sa likod ko. Tumagos lang iyon sa harap.
Nang bunutin ang nakatusok na iyon ay naramdaman ko ang pagsuka ko ng madaming dugo.
Pagkatapos ay nawala na ang itim na usok.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tuluyan na akong bumagsak sa lupa.
Pinagmasdan ko ang paligid ko.
Nakita ko lang si Sarayang na nakatayo at tumatawa.
Lumingon ako pakaliwa at nakita ko ang mga spirits na papalapit sakin.
"Subukan niyong lumapit at makikita niyo kung paano ko puputulin ang ulo ng inyong mahal na bathaluman."
Patuoy ko lang silang pinagmasdan nakita ko ang mga luha sa mata nila. Lalo na si Watty.
Kung naging malapit man ako sa kanila, pinakamalapit sa lahat sakin si Watty. Kaya siguro gano'n nalang din ako ka-importante sa kanya.
Pero inasahan ko na din na ganito ang mangyayari. Alam kong maaaring dumating ang araw na ito.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at pilit na hindi pinapansin ang sakit ng tiyan ko.
Magkakasama na din tayo, Ama.
Aria's P.O.V.
Nakita ko kung paano magagaw-buhay si Elyssa.
Gusto man namin siyang tulungan ay wala din kaming magawa.
Kumulo ang dugo sa aking puso.
Sobrang naiinis ako sa ginawa niya.
Lumutang siya sa ere at pinagmasdan ang buong paligid.
"Lahat kayo! Makinig kayo!"
Naging dahilan iyon para tumigil ang iba sa pakikipaglaban.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasíaSa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...