Franco Alejandro's P.O.V.
Nandito ako ngayon sa lugar ng head quarters namin na nasira, tumutulong ako sa paggawa at sa pagpa-plano ng bagong design para sa hq, yung maganda pero hindi mabilis masira.
Nakakainis kasi talag yung mga kalaban namin, dalawang beses na palang nasisira ang buong headquarters, kaya sumngayon nalang din sila sa plano kong gawin.
Ang Nature Agency headquarter ay magiging underground na, nang sagayon ay masiguradong safe ang hq at ang mga tao, mga empleyado dito.
Buti nalang at support kami ng goverment, at sponsored by the other countries kaya maayos namin na naipapagawa ang hq namin.
Isa pa, masyado na din kasing matanda yung lumang hq, pero nasira din nung napalitan, kaya sa pangatlong pagbangon nitong muli dapat sa sigurado na, yung pang matagalan parang katulad lang nung unang hq.
"Kumusta ka? Okay ka lang ba, baka gutom ka na, Ito oh." Sabay abot niya sakin ng tinapay at sofdtrinks. "Mag miryenda ka na muna." Sabi ni Jasmine.
"Ikaw din, dapat lagi kang busog. Para maging malusog si baby sa tiyan mo."
"Opo, daddy." Tugon niya sakin sabay ngiti at dahan-dahang hinimas ang kanyang tiyan na ngayon ay malaki na.
"Maybe bukas magpa-check up na tayo, diba need na magpa-ultra sound para malaman na yung gender ni baby?" Saad ko sa kanya.
Tumango lang siya bilang tugon at bumalik na doon sa pwesto niya kung saan pinpanood niya lang kami habang gumagawa.
Kasalukuyan akong naka-long sleeve, dahil sa sobrang pawis ko ay naghubad muna ako nito at pinahawak muna sa asawa ko.
Pagkatapos ay nagpatuloy na uli kami sa pag-gawa.
Ilang minuto lang at dumating na ang mga spirits. Gusto siguro nila na silipin yung ginagawa namin.
"Hi everyone!" Bati ko sa kanila.
Biglang nanlaki ang mata ng isa sa mga girls sa kanila, if I am not mistaken siya si Fherlyn. Nung una hindi ko alam kung bakit ganu'n ang reaksyon niya, nang...
"Oh my god! Lahi talaga kayo ng mga hotties! Grabe!!!! Putok na putok!" Halos patili na nitong anas.
"Huy, ano ba, umayos ka nga ghorl, nakakahiya kay Tito." - Aria. Hindi pa din siya nagbabago, still firm and proper talaga ang batang 'to.
"Ako din naman may abs ah." Anas nung Rockie sabay angat ng t-shirt at pinakita ang kanyang sariling abs and ang masasabi ko lang ay not bad mas maganda lang ng kaunti ang form ng akin, jowa ata ni Fherlyn kaya ganu'n nalang yung reaksyon. Nakikita ko talaga kaming dalawa ni Jasmine sa dalawang 'to.
"Syempre sa'yo pa din naman ako, kahit na ang pangit ng mukha mo at mas maganda ang katawan ni Sir Franco sa'yo." Sabi ni Fherlyn.
Ngumuso nalang ang isa at sama-sama silang lumapit doon sa pwesto ni Jasmine para manood sa pag-gawa.
"Diba wala naman tayong gagawin? Tumulong kaya tayo." Aya ni ryst sa dalawa pang lalaki.
Hindi na din sila nagdalawang isip, not bad kung tutulong sila. As long as libre ang pag-gawa nila hahahah.
Naghubad din ng mga pang-itaas ang tatlong lalaki, and I can see na may ibubuga din sila, sa kanilang lahat si Cryst ang pinaka may istura, si Rockie ang may pinakamagandang hubog ng katawan, while si Eric naman ay napakalakas ng sex appeal. Actually pare-pareho silang may magagandang istura at katawan. But base on my observation ganito ko sila i-describe.
Malaking tulong talaga silang tatlo samin, lalo na si Rockie, kapag may mga mabibigat na bagay ay gumagamit siya ng regin para mabuhat iyon, lalo na kung mga bakal ang bubuhatin. Dahil din sa kanya hindi na namin kailangan ng welding, kaya niya kasing ma-control at pagdikit-dikitin yung mga bakal in just a seconds only.
Pinaubaya ko na muna sa ibang empliyado yung mga gagawin pa dito sa hq.
Gusto na din kasi namin magpahinga mag-asawa.
Pagdating namin sa gate palang ng bahay ay agad na akong napahinto ng sasakyan.
Anong ginagawa niya dito? Diba matagal nang patay yung isang 'yan?
"Sino ka?" Tanong ko sa kanya sabay hawak ng mahigpit sa braso niya.
"Bitiwan mo 'ko!" Mariin na sambit niya.
Tinignan ko lang siya ng masama at mas diniinan pa ang paghawak sa braso niya.
"Sino ka ba para sagutin ko?" Maangas na sabi niya.
"Ako lang naman ang may ari ng bahay na nasa harapan mo ngayon. At kapatid ng asawa ng taong ginagaya mo, isang impostor!" Sagot ko sa kanya.
"Anong impostor?! Ako ay ako kaya pwede ba! Pumunta lang ako dito dahil may dapat akong gawin." Umirap siya sakin. "Isang empleyado ng nature agency." Sabay lingon sa logo na nakadikit sa ibabaw ng dash board ng sasakyan ko.
"Kampon ka ni Sarayang." Halos pabulong kong saad. "Ang tanga mo din 'no? Gagayahin mo yung mukha ng taong matagal ng patay."
"Wala na akong panahon magpaliwanag sa'yo. Hindi deserve ng pinamataas na uri ng souless ang magpaliwanag sa isang tulad mong pipityugin." Sabay lapat ng palad niya sa tiyan ko at bigla ako nitong napatalsik ng mga ilang metro.
Agad din naman bumaba ng sasakyan si Jasmine para silipin kung ayos lang ba ang kalagyan ko.
Pumasok nalang kami agad ng bahay at dumiretso sa kuwarto, nag-ayos na kami ng sarili at nagpahinga.
***
Alexa's P.O.V.
Kasalukuyan akong nakatambay sa silid ko sa headquarters ng kampon ni Sarayang.
Ginawa ko na naman ang utos niya kaya pwede na akong magpahinga ngayon, magmamatyag pa sana ako kaso wala namang tao sa lugar na pinapapuntahan niya sakin.
Habang nakatambay dito ay biglang dumating si Malling.
"Alexa, pwede ba kita makausap?" Tanong niya sakin.
"Kinakausap mo na 'ko." Sarkastiko kong tugon.
"Kailangan ko ng tulong mo, paano ko mapapalaya ang sarili mula kay Malling at Sarayang?" Out of nowhere niyang tanong. Ugh! Nagagaya ko na ang english ni Sarayang.
Nalilito ako sa mga pinagsasasabi niya, paanong gusto niyang makalaya kay Malling eh siya na nga si Malling? Nalilito talaga ako.
Hindi ko siya sinagot at inirapan lang siya. Maya-maya ay umalis na din ito.
Wala din kasi ako sa mood ko ngayon. Sino ba naman magiging maayos ang mood sa paraan na uutusan ka tapos wala kang mapapala kahit ikaw na itong nag-effort para sa gagawin mo.
Minsan ay napapaisip din ako sa magaganap na labanan, nilikha lang ba ako para don? Bakit hindi ko maalala yung nangyari ng kabataan ko? Bakit bigla nalang akong namulat na dapat makulahok bilang isang pinuno ng hukbo?
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasiaSa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...