Chapter 22

6 1 0
                                    

Rockie Cruz's P.O.V.

"Ano?! Nagpapatawa ka ba," sabay tawa niya na medyo shy type pa.

"What if sabihin kong totoo."

"Totoong ano?" pagma-maang maangan niya.

"Na totoong I like you, gusto kita," seryoso kong sagot sa kanya.

"Ang adik mo talaga!" sabi niya sakin sabay hampas sa balikat ko.

"Ito naman, masyadong padala! syempre joke lang 'yun," in denial kong tugon sa kanya. Hindi lang ako showy but deep inside masakit sakin 'yun. First time ko nga lang magmahal tapos na-reject pa.

Ilang minuto lang at nakita na namin yung apat sa labas ng hq. 

Agad kaming bumaba ng sand dragon ko at lumapit sa kanila.

"Anong balita?" bungad agad ni Aria.

"Succes kami bes! And meron na akong spirit armor!!!" tuwang-tuwang saad ni Fherlyn.

"Hay salamat, kahit papano may makakapagpagaan pala ng kalooban ni Papa," - Aria.

Sabay sabay kaming pumasok sa building ng aming hq, halatang halata din sa reaksyon ng iba naming kasama na medyo kinakabahan sila.

Dumiretso kami sa office ni Kuya James at doon niya kami kinausap.

"Kumusta ang missions niyo?" bungad niya samin.

"Sorry po Pa, sumugod samin yung mga kalaban natin, meron silang mga mamahalin at magagandang weapons," - Aria.

"How about the others?" tanong uli niya.

"Sorry po," sabi nila Cryst at Watty habang nakayuko.

Akmang iaabot ko naman kay Kuya James ang lava stone ng biglang tumunog ang emergency alarm ng hq.

May kung anong pasabog ang itinira dito sa lugar namin.

Bigla nalang umusok ang paligid at agad din namang kumilos si Aria para itaboy ang usok.

Nang tuluyan nang mawala ang usok ay agad din naman kaming nakakita at pinagmasdan namin ang paligid.

Ang ikinagulat ko lang din ng husto ay ang biglang pagka-wala ng lava stone sa mga kamay ko.

"Sino kumuha ng lava stone?!" tanong ko sa paligid ko.

"Itz Me!" sigaw nang isang lalaking naka-shades na may hawak na baril na nakatutok sakin.

Bigla niyang pinutok ang baril at may lumabas doon na net na naging dahilan para hindi ako makagalaw.

PInagyelo ni Cryst ang mga paa niya, pero naipasa na niya ang stone sa mga kasamahan niya at agad itong ini-akyat sa parang kung anong sasakyan na ginagamit sa himpapawid.

Akala ko magaalisan na sila pero hindi, desidido sila na lusubin kami.

Mas dumami sila this time at inatake ang buong hq, buti nalang at madami din soldiers dito. And base sa nakita ko mga mechanical and electrician workers ang pakay nila dahil kinuha na nila ng isa sa mga ito kanina.

Ano man ang balak nila, ay hindi kami makapapayag na makuha nila ang mga taong importante sa agency na 'to.

Pinilit kong makawala sa net na ito at agad kong pinatalsik ang mga sumusugod na soldiers ng mga kalaban gamit ang giant stone fist ko, but that is not enough para mapabagsak sila.


***

Aria Alejandro's P.O.V.

Agad na kumilos si Papa at nag-command na protektahan ang mga workers ng agency.

Nandito ako sa harap ngayon at patuloy na nakikipaglaban sa mga kalaban na nakakalagpas mula doon sa giant fist ni Rockie, katulong ko din ngayon si Eric at Fherlyn. Sila Watty at Cryst naman ang nagbabantay sa mga tao.

GInamit namin ni Eric ang storm power namin at nakatuong iyon para mabawasan ang 1/4 sa aming mga kalaban, kakaunti palang kung tutuusin.

Lumapit si Fherlyn kay Rockie at gumamit sila ng lava para maubos ang lahat ng mga kalaban na lulusob, and dahil don 1/4 nalang ng population ng aming kalaban ang natira, triple ang lakas compare samin.

Sila Eric at Watty naman ay gumawa ng ice shelter doon na magpo-protekta sa mga tao dito.

Gumawa ako ng air blades at agad na itinira sa mga kalaban. 4 agad ang napatumba nito, effective ang skill na ito kaya ginamit ko din sa iba, habang si Eric ay gumagamit ng electric strike.

Sumama na din samin si Cryst, tumatakas na ang mga kalaban, ang goal namin ngayon is mahuli sila at malaman kung saan ang kuta nila.

Hahabulin na sana namin sila ng biglang gumawa si Cryst ng ice wall sa harapan namin.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang sinapak ni Rockie at Eric. "Traydor!" - Eric.

"S-sorry, hindi ko ma-control ang regin ko, until now."

"Hindi ma-control o sinasadyang ipalpak ang gagawin?!" bulyaw sa kanya pabalik ni Rockie.

Inirapan siya ni Fherlyn habang si Watty naman ay maluha-luha sa nangyayari.

"Magsitigil nga kayo!" awat ko sa kanila. "Wala ni isa satin ang traydor, nararamdaman ko iyon because we are all connected to each other! Dapat matutunan niyo din na makiramdam sa isa't isa!" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga linyahan kong ito, siguro leader instinct ang tawag dito.

"Hindi nga traydor, tanga naman," - Fherlyn.

"I said enough!" reply ko sa kanya sa mataas na tono.

"Edi enough! feeling magaling at feeling boss!" Sabay irap sakin.

Sasagutin ko pa sana siya kaso biglang humawak si Watty sa balikat ko, dahan-dahan ko siyang nilingon at nakita siyang umiiyak.

"Huwag na kayo mag-away please, nagkakagulo na ang paligid natin ngayon, hindi ito ang panahon para magkawatak-watak pa tayo," sabi niya habang umiiyak.

Biglang nadurog ang puso ko sa sinabi niya.

"Kumikilos na ang mga kaaway natin, kaya wala na tayong panahon na magpatumpik-tumpik pa. Kailangan niyo nang mailabas ang special ability niyo at ang inyong spirit weapons," sabi ni Papa.

"May alam akong makakatulong satin," sabi ni Cryst.

"And you think sasama kami sa'yo?!" tugon sa kanya ni Fherlyn.

"Bes, kalma," mahinahon na sabi ko sa kanya.

"Ngayon feeling anghel ka kasi nandyan ang Tatay mo!" Pagtataray nanamn niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka nagiging ganyan?" - Ako.

Isa-isa silang nag-walk out at ako nanaman ang naiwan, ano nanaman ba ang nangyayari samin?

***

Nandito na ako ngayon sa bahay, medyo malungkot pa din ako until now.

Nagtungo ako sa kuwarto ko at agad na humiga sa aking kama. Sa paghiga kong iyon ay agad kong naramdaman ang pagpatak ng aking luha mula sa aking mga mata.

Biglang nagfa-flashback ang mga sinabi sakin ni Fherlyn sa aking isipan, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito, ang alam ko ay nadudurog ang puso ko, para bang pinaghalong galit at lungkot ang puso ko, napakabigat sa pakiramdam.

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon