Third Person's P.O.V.
"Humanda na kayo, ngayon ang araw ng ating tagumpay!" sigaw ni Sarayang na naging dahilan para magdiwang ang kanyang kampon.
"Asan na si Malling?" tanong nito, ngunit walang nakasagot ni isa sa kanila.
Ilang minuto ng paghihintay ay bigla na itong dumating.
"Malling, saan ka galing?" bungad agad nito.
"Mahal kong reyna, mayroong hindi inaasahang pangyayari sakin. Kumokontra ang tunay na may ari ng katawan na 'to."
"Kung gano'n ay marapat ka lang na magpakatatag at huwag magpadaig sa kaniya," sagot nito. "Kaya tayo naririto ay dahil nais na nating maghari sa buong mundo at patayin ang seven spirits na humahadlang satin."
Nagsimula na sila maghanda at sabay-sabay na lumabas sa kanilang kampo.
Susugod sila sa lugar ng Icuigas, lugar kung saan naganap ang unang labanan ng mga bathala.
Dati ay isa lamang itong napakalawak na bukirin ngunit ngayon ay naging isang sikat na bayan na ito.
Sa kabilang palad, alam ng mga spirits ang maaari mangyari kaya kumilos na din sila, mapalad ang kanilang grupo at naroon si Elyssa. Kilalang-kilala niya kasi ang ugali ng kanyang Ina.
"Matanong ko lang, ano bang kapangyarihan mo?" tanong ni Cryst kay Elyssa habang sila ay nakasakay sa air ship ng Nature Agency.
"Kaya kong palakasin o pahinain ang kapangyarihan niyo, kaya ko kayong tulungan para malampasan ang limitasyon niyo, at kaya ko din na pahinain kayo ng higit sa inaasahan niyo," sagot niya.
"Wow! Amazing! Sana ako nalang ang 7th spirit!" tuwang-tuwa na sambit ni Cryst.
"Mabuting huwag mo nang hingiin na maging katulad ko, dahil wala akong silbi kung wala kayo," sagot niya.
"Huwag mong isipin 'yun, tulungan lang naman tayo dito palagi. Tayo-tayo lang din magpapalakas sa isa't-isa." - Aria.
Ngumiti nalang siya bilang tugon.
"Huwag mong isipin na wala kang silbi, dahil hindi ka naman naging katulad ng Tatay namin," sambit ni Eric sabay walk out.
"May pagka-bastos talaga itong lalaking 'to," sabi ni Cryst habang naiinis at nakasara ang kamao sa sobrang gigil.
"Hayaan mo na siya, gano'n talaga ang mga taong mayroong mahinang pangunawa." - Watty, sabay hawak nito sa balikat ni Cryst.
"I have a suggestion, mag training kaya muna tayo." - Rockie.
"Good idea, para makita na din natin si Elyssa na gamitin ang kanyang regin." - Aria.
"Paano si Eric? Sasama kaya 'yun?" tanong ni Cryst.
"Kanina pa ako handa." Nagulat sila nang makita at marinig si Eric na nasa likod ni Cryst.
"Waaaaah! Multo ka ba?!" gulat na gulat na sabi ni Cryst at napaupo pa sa sahig habang nakalingon kay Eric dahil sa pagkagulat.
"I can't believe na ikaw ang naging boyfriend ng kapatid ko."
"Aba'y loko 'to ah" Sabay biglang bangon ni Cryst.
"Wops! Tama na 'yan wala pa tayo sa training guys." - Rockie.
"So, saan ang training area natin?" tanong ni Fherlyn.
"I can manage it, don't worry." Sabay ngiti ni Aria.
Hinawakan ni Aria ang kamay ni Fherlyn at ni Watty. "Humawak na din kayo sa kanila, kailangan na may physical connection kayo samin para makaalis tayo ng sabay-sabay."
Humawak nga sila sa isa't isa at sinunod ang utos ni Aria.
Sa isang iglap ay agad silang napunta sa isang lugar na kulay berde ang kanilang tinatapakang lupa dahil sa mga maliliit na damo. At sa gilid nito ay napapalibutan ito ng mga puno. Isa itong malaking field sa gitna ng kagubatan.
"Paano mo naman nadiskubre ang lugar na 'to?" tanong ni Eric.
"Actually, I made this place, dati ay isa lang 'tong ordinary na gubat but I decide na gawin na training ground ko, kaso napalaki para sa isang tao."
"Let's start!" Agad na nag-vertical si Rockie at pagbagsak sa lupa ay nakatayo ito.
Napanganga si Elyssa sa taglay na galing ni Rockie, hindi pa ito ganun ka-seryoso pero ang galing na nito.
"Elyssa, okay ka lang?" tanong ni Watty.
"Oo, nabibilib lang talaga ako sa inyo. Mabilis ninyong natutunan ang tamang paggamit ng mga regin ninyo. Noon kasi, minsan isa lang o wala talaga sa isang henerasyon ng mga spirit ang nakaka-control ng maayos sa kanilang mga regin."
"Elyssa!" tawag sa kanya ni Aria. "Let's see what you've got!"
Gumawa si Aria ng maliit na wind ball, tinignan lang ito ni Elyssa, biglang naging kulay puti ang mata nito, kasabay ng biglang paglaki ng wind ball ni Aria.
"WOW! Lagpas na 'to sa limit ng regin ko." Natutuwang wika ni Ariat at agad itong hinagis papunta sa kagubatan.
Pumunta nga ito sa kapunuan at nasira ang ilang bahagi ng gubat, kaya may mga ilang hayop din ang nabulabog.
"Kami na ni Watty bahala dito," ani Rockie.
Nagdikit ang mga palad ni Watty at Rockie, kasabay nito ang muling pagkabuo ng mga puno.
"Mukang magagamit natin ng husto ang kakayahan ni Elyssa. Pwede nito mapabilis ang pag-gagamot ni Watty, at palakasin ang defense ni Rockie, kaya din nitong palakasin ang attacks naming apat." - Eric. "But we need to hide her, hindi dapat siya makita ng kalaban, kundi madedehado tayo."
"May point si Eric, kaya mahalaga na isama natin sa mission ang pagpoprotekta kay Elyssa." - Rockie.
"Hindi niyo na ako kailangan protektahan. Huwag niyo sanang kalimutan na anak ako ng mga bathala, kayang-kaya ko ipagtanggol ang sarili ko."
Agad na nag-spirit armor form si Cryst at inatake si Elyssa gamit ang kanyang boomerang para masigurado kung kaya nga nito ipagtanggol ang sarili.
Agad itong nasalo ni Elyssa na hindi man lang hinahawakan ang blade ng boomerang.
Pinagyelo ni Cryst ang kamay niya sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng kanyang regin sa kanyang spirit weapon. Nag-freeze ang kamay nito, ngnunit nabaligtad niya ang sitwasyon.
Sinugod niya si Cryst gamit ang kamay niyang nagyeyelo na sa oras na ito ay kapag tumama sa kalaban ay napakalaking impact.
Agad na umiwas si Cryst at nagpahabol kay Elyssa. Habang hinahabol ni Elyssa si Cryst ay mas lalo pang dumaloy ang pagyeyelo nito hanggang sa braso niya.
Mas namadali si Elyssa dahil sa ginagawa ng kanyang katunggali.
Nang halos ma-freeze na ang buong katawan ni Elyssa ay biglang umilaw ang mga mata nito, ngunit sa oras na ito at kulay light blue na ito.
Kunti-kunting nawala ang pagyeyelo ng katawan ni Elyssa.
"Mukang hindi ko napaalam na kaya ko din palang bawasan o tanggalin ang epekto ng mga regin niyo."
"Now, I believe na hindi na nga natin siya kailangan protektahan ng husto."
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
Viễn tưởngSa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...