Chapter 46

2 1 0
                                    

Third Person's P.O.V.

Nagsimula na nga ang sumisiklab na labanan. Ilang linggo nalang mula sa araw na itinakda bago maganap ang Second Regin War.

Lahat ngayon ay aligagang maghanda at magensayo mula sa kampon ng kadiliman, na walang iba kung hindi ang grupo ni Sarayang. Maigi din ang pageensayo ng grupo ng kabutihan, walang iba, ang nagiisang Nature Agency.

"Meron kaya tayong magawa pa na bagong technique or strategy ng pakikipaglaban?" Out of nowhere na tanong ni Cryst habang nagte-training sila.

"Malay mo naman diba." - Watty.

Nagpatuloy lang sila sa pageensayo, ngunit sa kanilang lahat ay makikita na si Elyssa ang natatangi, because of her problematic face. Punong-puno ng problema ang isip niya.

Marahil dahil ito sa kanyang panaginip, panaginip nga ba o bangungot? Kahit na nageensayo siya ay may masama pa din siyang kutob, mukhang hindi maganda ang kakalabasan ng mangyayaring labanan.

Hindi pa din siya mapakali sa nadarama. Hindi talaga ito normal.

"What if makipagusap nalang tayo ng maayos, para hindi na mas lumala itong gulo na ito."  Suhestyon ni Elyssa, para bang hindi niya ito pinagisipan, nasabi niya dahil sa labis na pagaalala.

"Stop me! That is not going to happen, never!" Pagkontra dito ni Fherlyn.

Masyado na silang madaming nagawang sakripisyo para gawin ito. Wala nang ibang rason para maitigil ang labanan na ito, isa pa, madaming buhay na din ang naperwisyo at nadamay.

Habang nageensayo sila ay hindi nila namalayan si Corbin na pinagmamasdan sila mula sa ere.

Kinakabisado nito ang bawat galaw at kilos ng mga spirits, napangisi ito habang nagmamasid.

Mukhang tumataas ang self confident niya dahil sa kanyang napagmasdan, pero sa mga oras na ito ay masyado siya naging mapanghusga. Hindi niya kasi nakita kung paano talaga ang tunay na pakikipaglaban ng mga ito.

Akala ko noong una ay makitid ang utak ng isang ito 'yun pala ay may tinatago itong talino.

Agad siyang bumaba upang makipaglaban sa mga spirits. Nais niya talaga makabisado ng mga galaw nito.

"Sino ka? ANong ginagawa mo dito?" Matapang na bungad ni Rockie, the brave soul of the group.

Hindi sumagot sa kanila si Corbin, una sa lahat wala siyang interest sa pitong tao na kaharap niya, pangalawa ay hindi naman sila nakakapagsalita.

Agad niya lamang pinagaspas ang kanyang pakpak at agad iyon nakagawa ng ipo-ipong kulay itim. 

Dahil sa kanyang ginawa ay agad na nahigop nito ang seven spirits.

"Oh no! I think masusuka na ko!" Sabi ni Fherlyn sabay hawak sa bibig niya.

Si Watty naman ay wala ng malay, nahilo na siguro ito ng sobra dahil sa mabilis na pagikot ng hangin ng ipo-ipo. Si Aria naman ay sinusubukan itong kontrahin, at ang iba nilang kasama ay kunti-kunti na ding nanghihina, at may ilan na nagpipigil ng suka.

Bumaba si Aria sa pinakadulo ng ipo-ipo, ibinuka niya ang kanyang mga kamay at dahan-dahang kinokontra ang malakas na impact ng hangin ng isang ipo-ipo. 

Nagtagumpay siyang magkaroon ng lugar at nakaapak na siya ngayon sa ground, medyo nabuka na din niya ang ipo-ipo at bumagal na ang pagdaloy ng hangin nito.

"Aaaaaaaaaargh!" Sigaw ni Aria habang nagsusumikap na sirain ang binuong ipo-ipo ni Corbin.

Naging kulay gray na ang mga mata nito at sa isang tulakan lang ay nawala na ang ipo-ipo at gamit ang hangin ay dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mga kasamahan.

"Sino ka ba talaga?" Tanong ni Aria, sa tono ng kanyang pananalita ay tiyak na mararamdaman mong nagagalit na siya.

Tinignan lang siya ni Corbin ng seryoso at naglabas ng isang espada at agad na sumugod kay Aria, ang iba nitong kasamahan ay nanghihina pa.

Ginamit ni Aria ang hangin para lang masalag ang atake sa kanya ng kanyang kalaban.

Biglang naglaho si Aria at nagulat nalang si Corbin ng may maramdaman na kung anong matulis na bagay na tumama sa kanyang likod.

Binunot niya iyon at nakita ang bala ng pana na may dugo sa dulo nito.

"Do not underestimate me." Katagang sinabi sa kanya ni Aria.

Buong akala ni Aria ay nakapuntos siya, ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang paghilom ng sugat nito.

Lumingon lang ito sa kanya at tinignan siya ng masama. Lumipad ito at bumulusok pababa pasugod sa kanya.

Akamang sasaksakin na niya si Aria ng tila may isang kidlat ang nagpatalsik sa kanya.

Nang makita na ni Aria ng maayos ang kalaban niya na tumalsik ay tsaka niya lang din nakita na si Eric ang humila sa mga pakpak nito para hindi maatake si Aria.

Ginamit din ni Cryst ang Crystals upang ma-freeze ang lalaking ito at hindi na makagalaw.

Lahat sila ay dumistansya ng malayo-layo dito. Delikado ang kalaban nila na ito, nakakamangha din ang angking lakas nito.

Si Elyssa lang ang medyo malapit sa position nito. Kulay light blue uli ang mata niya, pinapalakas niya ang regin ni Cryst upang masigurado na hindi makakawala ang kalaban.

Nagpula ang mga mata ni Corbin at sa isang iglap lang ay nasa ere na agad ito, sinubukan itong tirahin ni Fherlyn ng fire balls kaso mabilis na itong nakatakas.

"Sigurado ako, isa siya sa mga nilalang na likha ni Sarayang." Ani Elyssa, nakuha nito ang kanyang. 

"Kung ganu'n dapat tayong manatiling handa, lalo na sa araw ng labanan." Sabi ni Eric.

Lahat sila ay nakaramdam ng pagka-distract sa training nila. Lahat sila ay hindi komportable sa pangyayari.


***

Aria Alejandro's P.O.V.

Grabe! Hirap maka-move on doon sa pangyayari kanina ah, first time ko makaranas ng kalaban na ganoon kalakas. 

Something different sa kanya, napaka-lakas naman niya para maka-escape pa sa crystal ni Cryst na pinalakas pa ni Elyssa. 

Unbelievable one! Mukhang hindi talaga nila hahayaan maging madali ang labanan namin. Mahirap-hirap din pala silang kalabanin, akala ko ay madadalian na kami dahil sa alam na namin ang kahinaan ng mga souless.

This is very unexpected event sa buhay ko.

Tumambay lang ako dito sa garden namin sa bakuran, nakaupo lang ako dito sa swing namin, at nagiisip ng kung ano-anong strategy na pwede namin gamitin.

Dapat siguro pagsamahin namin yung mga kapangyarihan namin, or i-blend namin sa isa't-isa like what if kung ako at si Rockie ang magsama, makakabuo kaya kami ng sand storm?

Ang alam ko, madami kaming pwede magawa ng magkakasama. Pwede din magtrio like me, Watty, and Fherlyn. Kaya naming gumawa ng tornado na upgraded because of the fire and water element.

Hindi ko na alam basta kung ano-ano pumapasok sa isip ko. Basta we must find ways para matalo sila.

I didn't expect na merong isang tao na makakakuha ng attention ko.

It was her, Alexa.

Agad akong nagmadali upang lumabas ng bahay. Nakita ko siyang nakatitig sakin at tila ba may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Okay ka lang po ba?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at yumakap lang bigla sakin, wala na akong ibang nagawa kundi ang yumakap lang pabalik. Hindi ko alam pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

"Pasensya ka na ah, may na-miss lang kasi akong tao." Sambit nito sabay bitaw sa pagkakayakap sakin.

"Naku, huwag po kayong mag-alala, ayos lang po sakin, parang nanay na din po ang turing ko sa inyo." Sabay ngiti ko sa kanya, I feel connection between us pero hindi ko talaga matukoy kung ano 'yun.



Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon