Third Person's P.O.V.
"Long time no see, spirits!" sabay halakhak ni Toxic.
"Wala ka talagang puso!" Sigaw ni Aria sa kanya.
"Mayroon lang naman akong ibibigay sa inyo, hindi pa ito ang oras ng huli nating pagkikita."
Bumuo siya ng isang ball bomb na kasing laki ng bola ng basketball at itinira niya sa lugar ng kanyang mga kalaban.
Agad itong sumabog at lumiwanag ang buong paligid. Mabuti na lamang talaga at mabilis kumilos ang anim para gumawa ng barrier.
Kasabay ng pagkawala ng liwanag ay ang pagkawala ni Toxic.
"Tuso talaga ang isang 'yun!" - Rockie.
"Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Watty sa mga tao.
"Ano po ba talaga ang nangyayari?" tanong ng isang kawawang batang babae na umiiyak.
"Huwag ka na magalala kami na ang bahala sa mga bagay na dapat naming gawin," tugon niya.
"Isang grupo ng mga makapangyarihang kabataan ang nagsalba sa buhay ng mga tao mula sa kabahayang Mabuhay. Ang tanong ngayon, sila na nga ba ang tagapagligtas ng buong mundo? SIla na ba ang ating pag-asa?" - Reporter.
"We must go bago pa tayo ma-interview," bulong ni Aria sa kanila.
Sa isang iglap ay nagsialisan na ang kanilang grupo at pumunta sa headquarters.
***
Ang dating building na muli nang naayos ay muli nanamang nawasak sa pangalawang pagkakataon, but this time ay madami na ang nabawian ng buhay.
Si Captain James naman ay kasalukuyang nakabandana ang kanang bahagi ng kaniyang braso.
*Flashback*
Habang nagmo-monitor sa malaking screen ang mga miyembro ng Nature Agency sa mga simenteryo na nagagambala ay biglang may pagsabog na naganap.
Sa sobrang lakas nang pagsabog ay lumipad na ang bubong ng buong building.
Agad silang na-alerto at naghanda sa kanilang hukbo.
Mula sa itaas ay nakita nila ang isang babae na may itim na armor, tumuro ito pa baba at biglang may itim na kuryente ang bumulusok papunta sa building.
Sa sobrang lakas ng impact ay tuluyang nabuwal ang buong building.
Kahit ang mga inosenteng tao ay nadamay din sa pagatake sa kanila ni Sarayang.
Nang bumagsak ang kanilang building ay biglang nagsuguran ang mga soul less men. Hindi nila ito kaya dahil hindi ito namamatay.
Paano nga ba naman mamamatay ang matagal ng patay hindi ba?
Kalahati sa buong panig nila ang nawalan ng buhay at ang iba ay sugatan.
Dahil bukod sa pagatake ni Sarayang ay meron pang isang babae na punong-puno ng kagalingan sa pakikipaglaban. That woman is Alexa Alejandro.
Sa lahat ng mga patay na binuhay ni Sarayang, siya ang pinakamalakas, at mayroong sariling pagiisip.
Siya ang isa sa pinakamalaking impact kung bakit sobrang dami din ang namatay at sugatan sa kanila.
Hindi din ito ang dating Alexa, mayroon din itong dagdag na lakas at napakalinaw na paningin.
Pagkatapos ng pagatake nila ay agad na silang nagalisan, ang pakay nila ay ang pitong spirits pero hindi nila dito iyon natagpuan.

BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...