Eric Ortiz's P.O.V.
Sobrang daming tao sa paligid ko, habang ako ay kinakabahan at nakatayo lamang habang naghihintay.
Maging ako sa sarili ko ay nagtataka na din, bakit nga ba ako nagiintay? Sino ba yung hinihintay ko?
Tuwang-tuwa ang mga tao sa paligid habang nakatingin sa akin, nagiging dahilan tuloy iyon para mas lalo pa akong kabahan.
Nakita ko din na nakaupo sa upuan sila Fherlyn na katabi si Watty habang umiiyak, gusto ko sana siyang patahanin pero parang may program ang sarili ko ng mga dapat kong gawin.
Ilang minuto pa at may naka-gray na gown na babae na may hawak na bulaklak ang dahan-dahang lumalapit papunta sa aking harapan.
Wala sa sarili na naglakad ako kasabay niya sa pagharap sa altar.
Hindi ko namalayan ang oras, hanggang sa sinabi nalang ni Father na, "You may kiss the bride."
***
Bigla akong bumalik sa reyalidad nang gisingin ako bigla ng kapatid kong kontrabida sa istorya.
"Hoy! Lalaking bano, anong oras na? Aber? Male-late na tayo kaya bumangon ka na dyan." panenermon niya sakin.
"Dinaig mo pa si Mama ah, mas matanda kaya ako sayo." sagot ko naman sa kanya.
"Basta! Kumilos-kilos ka na dyan." Sungit talaga nito.
Wala sa wisyo akong tumayo at kinuha yung tuwalya ko para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagayos na agad ako ng mga gamit ko na dapat kong dalhin sa pagpasok ko sa school.
"Hoy! bilisan mo naman! Ayos na ko ikaw naman itong ang tagal-tagal diyan!" pagrereklamo ko.
"Teka lang! Hinahanap ko pa yung ballpen ko!" Ugh! kainis! "Baka tinago mo yun ah!"
"At talagang nanisi ka pa talaga, eh ano 'tong nasa lamesa?" sabay turo ko doon sa black ballpen sa lamesa namin. "Diba ito yung ballpen mo? Ayan oh may pangalan mo pa, mas matanda na ata iyang utak mo kesa sakin, mas malilimutin ka pa. Tara na nga!" aya ko sa kanya.
Naglalakad lang kami papunta sa school kaya lagi kaming maaga umaalis ng bahay, pinaka-late na yung 5:40 na alis dahil 30 minutes pa kami maglalakad.
Pagkalabas namin sa bahay ay biglang may pumaradang isang magandang kotse sa harap namin. "Sakay na," pagaya samin ni Cryst.
Hindi na din kami tumanggi at baka ma-late na kami sa school pagnaglakad pa kami.
Mga fifteen minutes bago kami maka-dating sa school namin. Pagbaba palang namin doon ay agad nang sumalubong sa amin sila Aria, Fherlyn, at Rockie.
Sabay-sabay na kaming pumasok sa first class namin, magkakaklase kasi kami sa first subject namin then kami lang nila Aria at Cryst ang magkaklase hanggang sa end ng buong class. Sila Watty at Rockie naman ang magkaklase sa sumunod na dalawang class, magkaklase naman sila Watty at Fherlyn sa iisang class, at sa dalawang last subjects si Fherlyn naman at si Rockie. Depende din kasi ang subjects namin sa track namin eh.
***
Watty Ortiz's P.O.V.
Recess na namin ngayon, magkikita-kita pa kami sa canteen kaya mabilis na kaming kumilos ni Fherlyn dahil kami ang may room na pinakamalapit dito para makapag-reserve din kami agad ng lamesa.
As usual naka-reserve na yung table.
Ilang minuto lang at dumating na din yung apat.
"Sino manlilibre ngayon?" tanong ni Fherlyn sa kanila.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...