Aria Alejandro's P.O.V.
Habang bumubili ako ng milktea ay narinig ko ang pagtunog ng chime sa may pinto nung shop, paglingon ko ay nandoon na si Cryst kasama yung dalawang magkapatid at diretso pila na din, siguro o-order din.
Umupo muna ako doon sa may table na may four seats. Sumunod din sa akin yung dalawa.
"Akala ko o-order kayo?" tanong ko sa magkapatid.
"Wala kaming budget para diyan," sagot sa akin ni Watty. Naawa naman ako kaya binigyan ko sila ng pambili.
"Huwag na nakakahiya," pagtanggi ni Eric, "Oo nga huwag na," dagdag pa ni Watty.
"Hay naku, ano ba naman kayo, sige na, baka magutom pa kayo kakaantay kay Fherlyn, saan na nga ba yun?" At the end of our conversation, nagpalibre nalang sila ng biscuit kasi kaunti lang yung almusal nila.
And 8:01 a.m. bago nakadating yung isa diyan.
"Wow, parang nagmadali ka pang pumunta dito ah," pagbibiro sa kanya ni Cryst.
"Wapakels na ako sa'yo Cryst," sabi niya habang hingal na hingal. "Anyways takbo na tayo at may grupong humahabol sa akin, mga manyak papatayin daw ako, kasi hinipo yung legs ko kaya pinaso ko yung kamay, ayan tuloy hinabol ako bigla."
"Shemay! Let's go!" sabi ko sa kanila at nagmadaling sumakay ng van. Wala tuloy kaming nagawang plano bago umalis, iyon pa naman ang purpose ng pagtambay namin sa milktea shop.
Saktong pagsakay naming lahat sa van, ay bigla nang nanakbo yung mga grupong humahabol kay Fherlyn para habulin kami.
"Bakit ba kasi ang iksi ng short mo ghorl, isla ang pupuntahan natin hindi mall," puna ko sa kanya.
"Hindi pa kasi ako naglalaba ghorl, alam mo na mahirap lang si manay walang taga-laba," sagot naman niya.
Nang hindi na kami magawang mahabol nung mga siraulo na manyakis na grupo ay agad na umayos ang speed nung van, hindi halata pero marunong pala si Fherlyn mag-drive, ako ang katabi niya sa driver seat.
Marunong din ako mag-drive pero hindi ko kaya yung ganoon kabilis gaya nung sa kanya.
"Huwag kayong magalala simpleng tao lang ang hahanapin natin hindi taong-gubat," bungad ko muli sa pagsisimula ng bagong usapan.
"So ano ang plano?" tanong ni Cryst.
"Maghihiwalay tayo into three groups, ako solo flight lang-
"Sure ka ba? Baka mapahamak ka," pagaalala sakin ni Fherlyn.
"Don't worry I can handle my self," sagot ko sa kanya. "Fherlyn and Eric, magsama kayo, and Watty, Cryst alam niyo na," dugtong ko pa.
Ilang oras lang at nakarating kami sa sakayan patawid ng isla.
"What if pumalag siya?" tanong ni Eric.
"Don't hurt him, kailangan niya ma-feel na ligtas siya sa atin," sagot ko sa kanya.
Pumili na kami ng bangkang sasakyan at agad na nagpahatid sa bangkero sa Sand Island.
Hindi ito literal na sand island, tinawag lang ito na ganoon dahil ito ang may pinakapurong buhangin sa isla sa buong mundo.
"Babala lang po Ma'am, Sir, huwag po kayong maglilibot masyado diyan at delikado po." Babala sa amin nung bangkero.
Hindi naman kami matatakot kasi we are the spirits of the nature, no one can defeat us nang ganoon lang kadali, ewan ko nga lang sa sarili ko, magaling nga ko makipag-combat pero wala namang kasiguraduhan ang pagkontrol ko sa powers ko.
Hindi pala totoo yung sabi-sabi, literal pala talaga ang pagiging sand island ng lugar na ito.
Nang makababa na kami ay agad na kaming kumilos, walang puno dito, puro cottage lang, medjo madami ding tao pero sa bungad lang, hindi sila lumalapit doon sa likod na may malaking bundok ng sand na may babalang 'bawal akyatin.'
Ako ang dumaan sa gitnang bahagi ng isla at tig-isang side sila.
Nasa harap ako ngayon nitong malaking bundok ng buhangin. Sinubukan kong gamitin ang hangin para itaas ako pero isang metro lang ang taas na nagagawa ko.
Sinubukan kong akyatin iyon, dahan-dahan lang para kaunti lang ang buhangin na nagkakalaglagan.
Napalingon ako sa likod ko ng makitang nagkakagulo ang mga tao at lumikas na agad sa isla.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy, pero hindi maitatanggi na may kaba ako sa puso ko sa bawat paghakbang sa bundok na ito.
Hindi naman sa pagiging selfish kung bakit dineadma ko sila, wala naman kasi ako nakikita mula dito sa tuktok na nanggugulo sa kanila, baka delikado tala itong inaakyat ko, baka kasi pagumuho ma-apektuhan sila.
Habang nakatitig ako sa drirection nung mga taong lumikas, tinapat ko ang kamay ko sa direction na tinitignan ko at nagconcentrate.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman maigi ang hangin.
Ilang segundo lang at naramdaman kong umangat ako at parang isang rocket na umatras.
Pinilit kong ipihit ang sarili ko paharap sa sand na bundok at nagpadulas sa dulong bahagi nito and nakita ko yung apat na pinapalibutan na yung isang lalaki.
Tatakbo sana siya patalikod kaso nandoon ako.
"Listen," bungad ko sa kanya. "We are the spirit of the nature. I can feel our connection, we can feel that you are connected to us."
"Paki ko?" sagot niya sakin.
"Pigilan niyo ko papatulan ko 'tong mayabang na 'to," saad ni Cryst habang hinahawakan ni Watty yung braso niya.
"You need to go with us. Buuin natin ang grupo natin at magbigay ng kaayusan sa mundo," pagkumbinsi ko sa kanya.
"If you want me to be with you, kailangan niyo makipaglaban sakin para malaman ko kung dapat ba akong sumama sa inyo."
"Then let the battle begin!" sigaw ni Cryst at akmang susugod na ng biglang lumindol, lahat kami ay napahiga sa buhangin na 'to.
"Catch me if you can!" Sabay takbo pero nadulas din agad dahil sa yelo na gawa ni Cryst.
"Lahat kayo pumunta sa yelo! mas kontrolado ko iyon," sabi niya kaya ginawa namin iyon. Muli namin siyang napalibutan pero napatalsik niya kami gamit ang buhangin.
"Ugh! Hindi ako makakita!" sigaw ni Fherlyn at kung saan-saan tumitira ng fireball.
"Fherlyn, calm down!" awat sa kanya ni Eric hanggang sa natamaan na siya ng fireball na 'to.
Biglang nagsabuyan uli ang buhangin sa aming mga mata hanggang sa wala na kaming makita. Tawa nalang din ng earth spirit ang naririnig ko.
Bigla kong naramdaman na may kung anong matulis na bagay ang tumama sa akin. "Aaaargh!" Sigaw ko sa kirot.
"Sige! magpatayan kayo!" tuwang-tuwa na sabi nitong sand man na 'to.
Gumawa ako ng wind barrier ko, and first time ko lang 'to nagawa.
Ngayon ko lang na-kontrol ang hangin ng ganitong katagal, pinilit kong itaas ang sarili ko at nakita ko siya na nandoon sa kalagitnaan.
Gumawa ako ng buhawi at sa pamamagitan nito ay nakontrol ko din ang mga nagliliparang buhangin at doon siya pinuwing.
Ilang minuto lang at nakakita na kaming lahat ng maayos.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...