Watty Ortiz's P.O.V.
"You may start now," sabi ng Teacher namin kaya agad na kaming nagsagot ng exam.
Hindi ko ba alam kung ano ang gustong kopyahin nitong lalaki na 'to eh sobrang dali lang naman ng exam, bonus na nga lang 'to kumbaga.
Hindi ko na tinatakpan yung test paper ko, long test lang 'to kaya malugod ko siyang pinapakopya, pero kung periodical 'to wala siyang mapapala. Patuloy lang din ako sa pagsagot at hindi ko siya pinapansin kung mangopya man siya o hindi.
Mabilis na tapos ang oras ng page-exam namin hanggang sa nag-check na kami ng test paper.
"Ikaw na mag-check niyan ah," utos niya pa sakin, sinunod ko nalang din siya at di na pinatulan.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagche-check ay biglang umepal ang teacher namin.
"Asan ang test paper na chine-check-an mo?" tanong ni Ma'am kay Rockie.
"Namanhid po kasi yung kamay ko kaya hindi po ako makapag-check," pagpapalusot niya habang nakaratay sa table niya yung kanang kamay niya.
Ilang minuto pa at nag-command nanaman ang teacher namin. "Pass your paper base on your score."
And sa last part, sabay kami nagpasa dahil parehas kaming naka-perfect score.
Wait? What?! Oh no!
"Himala at naka-perfect score ka Rockie Cruz?!" Pati si Ma'am ay nagulat din, alam na alam niya din kasi ang lagi score nitong asungot na 'to is half score lang, hindi na lumalagpas doon, kung minsan bokya talaga.
Dahan-dahan siyang lumapit sa upuan namin dalawa.
"Ms. Ortiz, nagkopyahan ba kayong dalawa?" seryosong tanong niya.
"No po Ma'am." sagot ko kahit naninigas na yung mga paa ko.
"Diba sa likod ka dapat naka-pwesto Rockie? Bakit nang bigla kang tumabi kay Watty tsaka ka naka-perfect? Now go back to your seat!"
Agad din naman siyang sumunod dito at nagpunta sa dati niyang upuan.
"Ano 'to? Mukhang sinisira mo talaga ang tiwala ko Ms. Ortiz. Hindi mo ba napansin na may kalat ka sa ilalim ng upuan mo?" sabay kuha niya doon sa papel na binato ni Rockie.
Shemaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Ano na gagawin ko?
Hindi na ako makahinga ng maayos, maluluha na ba ako o kung ano? Urgh! Bwisit kang Rockie ka!
Sa bawat pagbukas niya doon sa papel, kaba ang aking nadama.
Pumihit siya paharap sa amin at pareho kaming tinignan ng masama. Kulang nalang ay magusok ang ilong niya.
"Mr. Cruz! Ms. Ortiz! go to the guidance office now! Class dismiss!"
May ten minutes pa ang klase namin sa kanya pero ang aga niya tinapos para lang samin dalawa ni Rockie, shet super serious talk na din kasi. Ohmay self kalma kalma lang, guidance lang iyan.
Sabay kami ni Rockie naglakad papuntang guidance. Mga ilang metro lang din ang layo nu'n sa classroom namin.
Panay ang paghingi niya ng tawad sa daan, naiinis na nga ako eh.
"Shut up! Sinabi ko na kasing ayoko pero pinilit mo pa!" pagrereklamo ko sa kanya dahil punong-puno na ako. Ngayon na nagsimula magpatakan ang mga luha ko, mas binilisan ko din ang lakad ko para hindi niya ganoon mapansin na umiiyak na ako, baka gatungan pa niya eh.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko sila Kuya kasama sila Aria, kailangan kasi namin daanan yung court pa puntang guidance office, at nagkataon na doon ang intayan namin para hindi na kami malilito. Usually kasi, pagpatak ng ganitong oras ay agad kami magki-kita-kita para magsama-sama uli yung magkakaklase, kahit kabisado naman namin na whole day sila Kuya magkakaklase, trip lang namin tumambay sa court pag may free time.
Agad akong sinalubong ng yakap nila Aria at Fherlyn.
"Bakit ka umiiyak?" seryosong tanong ni Kuya.
"Si Rockie kasi eh!" pagsusumbong ko na parang bata. "Nangopya sakin tapos ayun nahuli kami ni Ma'am Dizon."
"Siraulo ka pala eh!" sabay suntok ni Fherlyn sa balikat ni Rockie.
"Kaya nga sorry na eh!" pagpilit niya sa paghingi niya ng tawad.
"Mauna na kami, bye," huling reply ko sa kanila at pinunasan ang aking luha at dumiretso na papuntang guidance office.
***
Rockie Cruz's P.O.V.
Nandito kami sa guidance kasama ang mga matatanda at pangit na mga teachers.
"Ms. Ortiz, totoo ba na pinakopya mo si Rockie?" tanong ni Ma'am Stella(Guidance Councilor) sa kanya.
Hindi niya ito sinagot, nakayuko lang siya at umiiling.
"Mr. Cruz, bakit kailangan mong lumipat ng pwesto sa tabi ni Watty habang nagte-take kayo ng inyong long test?" diretsong tanong niya sakin,
"Para po mangopya," saad ko habang pangiti-ngiti at may pakamot-kamot pa sa pwet kong makati (pasintabi sa mga kumakain).
"Sinasabi ko na nga ba eh! Edi lumabas din ang katotohanan!" pagsusungit sakin ni Ma'am Dizon. "Deserve niyo lang na ma-suspend."
Napaangat ng ulo si Watty at panay ang sorry kay Ma'am Dizon, naaawa tuloy ako.
Inaabot sa amin ni Ma'am Stella yung red card. Hindi ito kinukuha ni Watty dahil ayaw niyang ma-suspend. "Ms. Ortiz, kukunin mo ba o dadagdagan ko pa?"
Akmang aabutin na niya sana, "Wait Ma'am," pagawat ko dito. "Ako po ang may kasalanan ng lahat, pinilit ko pong mangopya kahit ayaw naman po akong pakopyahin ni Watty." Inilabas ko mula sa bulsa ko yung papel na inabot sakin ni Watty, yung reply niya sa binato kong sulat.
"Okay," tugon ni Ma'am Stella. "Pero dahil sa hindi pag-cover ni Watty sa test paper niya, makakakuha ka ng yellow card, minor offense. Kailangan mong malipat ng upuan, doon ka lang sa dulo kung saan walang sinuman ang pwedeng mangahas na lumapit sa'yo. And for you Mr. Cruz, kailangan mo ng two weeks suspension."
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nagdatingan ang mga kaibigan namin sa guidance.
"Ma'am!" tawag nila sa attention ni Ma'am Stella.
"Ma'am ako po ang nagutos kay Rockie na mangopya, para makakopya din ako." pag-ako ni Cryst sa kasalanan ko.
"So you mean? Utusan lang si Rockie?" pagtataka nung Principal.
"No, Ma'am," pag-deny ni Fherlyn. "Ako po Ma'am ang pasimuno.
"Gosh! Hindi ako makapaniwala na kung sino pa yung masisipag at matatalino kong students ang nagkakagnito!." pagepal ni Ma'am Dizon. Students niya din kasi yung mga ito maliban kay Cryst.
"Sorry Ma'am pero ako po yung pasimuno." turo ni Aria sa sarili niya.
"How come na ang captain pa ng agency na nagpatayo ng school na ito ang may ganyang paguugali?!" si Ma'am Dizon uli.
"Pero ako po talaga ang Master Mind," huling sagot ay nanggaling kay Eric.
Tinignan siya ni Watty ng masama, habang nagpupunas ng luha niya.
"Hay nako! Amin na iyang mga cards niyo!, papalagpasin ko ito for now, sana maging lesson ito sa inyo specially you Rockie, go back to your class." And sa wakas! nice decision Mrs. Guidance Councilor.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasíaSa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...