Aria's P.O.V.
Wala akong lakas pero parang kaya ko ibuhos lahat ng luha ko dahil sa ginawa ni Sarayang.
Hindi ko mapaliwanag yung sakit.
Paano na ako ngayon? Mabubuhay nalang ako mag-isa?
Ayoko ng ganitong buhay. Kahit sinong teenager naman ay hindi papangarapin ang mabuhay ng walang mga magulang na kaagapay.
Naramdaman ko na uminit ang buo kong katawan, parang kagaya nung mga panahon na wala akong kontrol sa regin ko.
"Aaaaaaaaaaargh!" Sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko, para kasing tagos puso talaga ang sakit.
Naramdaman ko ang paglakas ng hangin.
Sobrang lakas.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang mga kaibigan ko na nakakabangon na sila.
Si Sarayang naman ay hindi makagalaw dahil sa lakas ng hangin na sumasalubong sa kanya.
Nakita ko din na ang mga souless ay naubos dahil sa impact ng hangin na iyon.
Kahit gusto kong kontrolin ay hindi ko nanaman magawa.
Gusto ko lang sa oras na ito ay matapos na ang labanan at magluksa.
Lumapit ang mga kaibigan ko sa akin at niyakap ako, at may naramdman akong isang kamay na nakapatong sa balikat ko.
Hindi ito kahugis ng kamay ni Eric, hindi din kila Cryst at Rockie.
"Aria," Tawag niya sakin. Now I know kung sino ka. "We can do this together, and I promise you that you will never be alone as long as I am here."
Dahil sa mga sinabi niya ay nakaramdam ako ng kontrol uli sa sarili ko.
Pinilit kong tumayo at pinahid ang mga luha mula sa aking mga mata.
Pinakita ko sa kanila ang isang Aria na matapang at matatag. Ang Aria na gumaling sa pakikipaglaban dahil kay Alexis, Aria na pinatibay ni Captain James, Aria na natutong magmahal dahil kay Eric, Aria na may respeto sa kapwa dahil kay Franco, Aria na naging matapang dahil sa mga kaibigan niya.
"Yes, we will do this together!" Ako.
Lumapit sa magkabila kong tabi sila Fherlyn at Watty, sa kanan si Fherlyn at kaliwa naman si Watty, hinawakan nila ang kamay ko at ngumiti sa akin. Lumapit naman sila Eric at Cryst sa kaliwa at si Rockie ay pumwesto sa kanan at humawak sa kamay ni Fherlyn.
"We are the spirits of the nature." Sabay-sabay naming sabi kay Sarayang.
"At sa tingin niyo may pakialam ako?" Mataray na sagot nito.
Pinagsama-sama namin ang mga regin namin hanggang sa bigla nalang lumiwanag. Sobrang liwanag, wala kaming makita kundi liwanag.
Nang mawala ang liwanag ay nakita ko na naging puti ang mga armor namin, nagiba din ang hair style naming mga girls.
Pinagmasdan ko ang mga boys, walang masyadong pinagbago maliban sa armor nila na kulay puti at pare-pareho ng design, kami din girls ay pare-pareho ng design ng armor.
Amazing, nakakabilib!
Matakot ka na Sarayang!
Lahat kami ay nagtutok ng kamao kay Sarayang.
Biglang may lumabas doon na parang puting laser na maliwanag at dire-diretso iyong pumunta kay Sarayang.
Sinubukan niya pa iyon na kontrahin pero wala na siyang magawa, dahan-dahan na umaatras ang dark laser niya. Paatras iyon ng paatras hanggang sa naging dark barrier nalang, hanggang sa tuluyan iyon na nasira at tumama sa kanya.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...