Chapter 13

7 1 0
                                    

Aria Alejandro's P.O.V.

Pwede na ako umalis ngayon sa clinic kasi ayos naman na daw yung kalagayan ko, but need to rest.

Magliligpit na sana ako ng mga gamit ko nang biglang dumating itong limang 'to, and dami-daming binibigay na pagkain, lalo na si Cryst, may binigay pa sakin na heart-shaped chocolate. Pinaghati-hatian nalang namin kasi mukhang masarap naman tsaka malaki.

"Ba't nga pala kayo nandito? Hindi ba kayo nagte-training? Diba may training na din kayo with Tita Alexis?" tanong ko sa kanila.

"Nagpaalam muna kami na ipagpabukas nalang para kasabay ka," sagot ni Rockie sakin.

"Ghorl, help me naman oh, paano ko mapapalabas yung inner spirit ko?" tanong ni Fherlyn.

"Mangyayari lang iyon kung magiging connected and regin mo sa physical body mo, kaya kung mapapansin niyo, umiinit lang ang inner part niyo once na ginagamit niyo yung regin niyo, and kung connected na kayo,  mararamdaman niyo na ang daloy nito sa buong katawan niyo, and  mas tatas ang limit sa paggamit ng regin ninyo." sagot ni Rockie.

Lahat kami ay na-shock, paano niya nalaman yung bagay na 'yun.

"Alam kong nagtataka kayo sa akin ngayon," sabay ngisi niya sakin. "Inner spirit ko yung sand dragon. Hindi niyo siya natalo, pinabalik ko lang siya sa akin," dugtong pa niya.

"Kaya pala hindi ka niya inaatake!" shock na sabi ni Watty sa kanya.

"Sino pa ang may tinatago dito?" tanong ni Cryst, sabay lingon kay Eric.

"Pinagbibintangan mo ba ako?" 

"Ops, ops, baka kung saan pa mapunta iyan," awat ko sa kanila. "Mabuti pa tulungan niyo nalang ako magayos ng gamit."

Kinuha ko yung sling bag ko doon sa table na katabi nung bed ko dito sa clinic, kaso accidentally kong nabitawan.

Pinulot ko iyon and nung mahawakan ko iyon ay nakapatong na sa bag na iyon ang kamay ni Eric, gosh! medyo makapal ang laman siya sa kamay, hindi ko alam kung nagi-gym din ba itong kamay niya, pero ang smooth pa din.

Shemaaaaaay! Grabe yung puso ko!

Ang ganda pa nung ngiti niya, ang hot.

"Aria, kung may kailangan ka pa sabihin mo lang sakin ah," singit naman ni Cryst.


***

Watty Ortiz's P.O.V.

Bakit gano'n, ang sakit sakit. Parang tinutusok ang puso ko sa tuwing magaalala siya na may halong kahulugan para kay Aria.

Hindi niya ba ako nakikita?

Wala lang ba ako para sa kanya, sinubukan kong umasa na baka sakali ay magkagusto din siya sakin, pero base sa nakikita ko, mukhang malabo na magkatotoo ang imagination ko lang.

"Kuya, mauna na ako, gagawa pa ako ng project namin ni Rockie," pagpapaalam ko.

"Ihatid na kita," alok ni Cryst.

"Huwag na, bantayan niyo nalang dito si Aria," pagtangi ko sa alok niya at umalis na.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep ay agad akong may naramdaman na sumusunod sakin.

Ayoko nang mag maang-maangan, si Cryst yung sumusunod sakin, I can sense him.

"Bakit mo ba ako sinusundan? Kaya ko naman umuwi na mag-isa." Sabay pihit patalikod kung saan ko nga siya nadatnan na nakatingin sa akin na para ba siyang nagaalala.

"Are you okay? Parang ang cold mo samin lately." 

Hindi ko nalang siya pinansin at patuloy na naglakad. 

Nagulat ako ng bigla nalang niya hinawakan ang mga kamay ko.

Ugh! Tama na Watty! Pigilan mo na ma-fall sa lalaking 'yan. Hindi naman niya kayang suklian ang pagmamahal mo.

"Sabay na tayo," sabi niya, at medyo nakakatakot din yung boses niya dahil sa kanyang pagiging seryoso.

"Huwag na," pagmamatigas ko.

"Sige na."

"Pwede ba, tama na!" Sabay takbo ko paalis, sinubukan niyang i-freeze ang mga paa ko pero sinira ko lang 'yun at hinagisan siya ng water ball kaya siya napaupo sa sahig. Hindi ko nalang siya pinansin at agad na sumakay mag-isa sa jeep.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko at nagkulong.

Gusto ko sanang tapusin na yung project namin ni Rockie kaso hindi ko magawang pigilan yung emotion ko.

Nandito lang ako sa kuwarto ko at iyak lang ng iyak,  bakit ako nasasaktan? Hindi naman kami diba? Bakit ko ba 'to nararamdaman?

Habang umiiyak sa kuwarto ko ay agad kong naramdaman na merong pumasok sa bahay namin. Agad kong inayos ang sarili ko at pinunas ang luha ko.

Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto ko at nadatnan ko si Cryst na nandoon sa upuan namin sa may lamesa.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Tutulungan na sana kita sa paggawa ng project niyo eh."

"Di ba sabi ko kan--"

"Huwag mo nang sayangin yung pagpunta ko dito," pagputol niya sa sasabihin ko.

Wala na akong nagawa kundi pagbigyan siya. Tiga-abot ko siya nung mga kailangan ko.

"Uy bukas pala, start na din ng training natin sa Tita ni Aria."

Bukang bibig nanaman niya si Aria, mas lalo tuloy sumasakit yung puso ko.

"Saka na natin problemahin ang hindi pa nangyayari, gawin muna natin kung ano ang dapat," tugon ko sa kanya.

"Eh ano ba ang dapat natin gawin?" Sabay smirk niya sakin, ano ba iniisip ng lalaking 'to?

Kinikilig tuloy ako deep inside, pero kailangan pigilan, mas masakit 'to kapag pinakawalan ko pa tapos wala din naman palang mapapala.

"Itong project," seryoso kong sagot.

"Akala ko kung ano na eh." At ang lakas din ng amats nito! Ano ba sa tingin niya ang dapat gawin bukod sa project na 'to? Aba, aba, may pagka-manyakis pala itong isang 'to!

"Alam mo? May dapat pa pala akong gawin," sabay sarcastic na ngiti sa kanya.

"Ano?" pagtataka niya.

"Dapat na kitang paalisin sa bahay na 'to kasi magaasikaso na ako ng bahay at magluluto na din ng pagkain namin ni Kuya," biglang nawala ang ngiti niya sa labi.

"Edi kumain nalang tayo sa labas, yayain ko nalang din yung iba, for celebration na din kasi nakalabas na ng clinic si Aria." Matalino din itong isang 'to eh.

"Bakit ako, paano ako?" pabulong kong tanong out of no where. 

"Ano?" tanong niya sakin

"Wala, sabi ko magwawalis na ako." Sabay pulot sa tambo.

"Hindi ako na,"  agaw niya. 

"Tuloy mo na yung paggawa ng project." Kinuha ko yung walis, "Bahay ko 'to, obligasyon kong linisin ito."

Nagagawan kami ng walis hanggang sa walang gusto magpatalo sa amin at parehong bumagsak.

Seven Spirits (Spirit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon