Aria Alejandro's P.O.V.
"Kailangan niyong hanapin ang three power stone, ito ang mga stone ng combination niyo na mga spirits. Base sa assets natin--"
"Wait, What?!" pagputol ko sa sinasabi ni Papa. "Meron tayong assets?
"Of course, hindi tayo makakapagplano kapag wala sila," sagot niya sakin.
"So, pwede din na may assets sila dito satin?" tanong ko pabalik.
"Possible but anyway, kailangan niyo itong mahanap sa lalong madaling panahon, bago pa kayo maunahan ng kampon ni Toxic. Dahil sa pagkakaalam ko, maaari na naman silang magkaroon ng malakas na kagamitan laban sa mga regin ninyo."
Wala nang sali-salita at kumilos na agad kami, kanya-kanyang ayos ng gamit at per partner ang alis.
Don't worry kasi bago kami umalis ay nahanda na namain ang lahat, pagkain, mapa etc.
Kasalukuyan kami ngayon magkasama ni Eric, papunta kami sa Saribia, isang forest sa ibabaw ng mga ulap.
Tanging mga spirits lang at ang mga taong may magagandang sasakyan pang-himpapawid ang may kayang makadating dito.
"Aria, may pagasa ba na maging tayo?" tanong sakin ni Eric sa gitna ng aming paglalakbay.
"Ewan?" painosente kong sagot.
"Pwede ba natin i-try?" aniya.
"Depende sa pagtibok ng puso ko." Ayoko sana makasakit ng damdamin pero hindi pa ako handa eh. Nag-focus nalang din ako sa daan na dinadaanan namin at pinapakiramdaman ang paligid habang sakay sakay ng inner spirit ko.
"Malapit na tayo," sabi ko.
"Maghanda kayo!" ani Manang Agila.
Bigla siyang napayakap sa akin habang ako naman ay nakayakap sa matitibay na balahibo ng higanteng agila na 'to.
Nang biglang bumalik sa dati ang anggulo namin ay mabilisan namin inayos ang posisyon naming dalawa.
"Sorry," - Eric.
"Okay, lang alam ko namang hindi mo sinasadya," sagot ko. Pagtingin ko sa paligid ay agad kong natagpuan ang ganda ng paligid sa lugar na ito. Hindi siya basta-basta lang na forest, kundi forest ng mga ulap.
Ang mga nagmimistulang dahon sa mga puno nito ay ulap, ngunit ang sahig ito ay parang flat na rainbow.
At nandito din ang iba't ibang uri ng mga ibon.
"Wow," bulong ni Eric habang pinagmamasan ang kagandahan ng paligid.
Agad din namang pumalibot sa amin ang maliliit na ibon at sinamahan kami sa pagpunta dito sa lugar na 'to.
Hindi ko talaga inasahan na ganito pala ang tinutukoy nilang air forest, akala ko isa lang itong simpleng gubat na nakalutang, pero meron pala itong natatanging ganda.
"Maligayang pagdating Lightning and Air spirits," bati samin nung nagsasalita na kuwago.
"Teka? Bakit ka nakakapagsalita?" tanong ko.
"Eh bakit mo ko naririnig?" pamimilosopo ng matalinong kuwago na 'to.
"Spirits kayo remember? Magtataka ka pa, eh talaga naman malapit kayo sa mga tulad nila na nage-exist sa mundong ito," dagdag pa ni Manang Agila, buti nalang at pagkatapos niyang magsalita ay bumalik na siya sa loob ko at nanahimik.
"Alam ko na ang storm stone ang hanap niyo, sa ngayon ay hindi muna kayo maaaring maglakbay papunta doon, kailangan niyo munang mamahinga dito at tsaka namin kayo gagabayan papunta sa kinaroroonan nito," pagpapaliwanag nung matandang parrot.
![](https://img.wattpad.com/cover/248110338-288-k800541.jpg)
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasíaSa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...