Chapter 3

120 8 1
                                    

Maaga pa lang andito na kami sa studio na paggaganapan ng interview ng Vista Band. At maaga pa lang din ay kinukulit na ako nitong si Tristan.

"Louise umamin ka na. Kita ko talaga eh. Huling huli kita."

"Eh ano ba naman sayo kung ganun nga. At saka alam mo ikaw napaka tsismoso mo, kalalaking tao mo, dapat ikaw na lang yung mag interview dun," naririndi na ako sa kanya.

"Hala sya, nagalit na. Lalo ka tuloy napaghahalataan, hayaan mo tutulungan kita kay pinsan. Ayoko dyan kay Belle eh, kulang sa pansin, hahaha," tumatawang sabi nya pa.

"Hay naku, napakadaldal mo, tinatawag na kayo dun oh, tsupi," pagtataboy ko sa kanya.

"Aba at kung itaboy mo ako ah, kung may makarinig sayong fan ko, naku mababash ka. Ikaw din," mayabang na aniya at nakalabing sagot nya pa sa akin.

"Sir Tristan, tinatawag na po kayo dun oh. Ano? Okay na ba?" sarkastikong sabi ko.

"Yan ganyan nga. Hayaan mo at ilalakad kita kay pinsan."

"May paa ako kayang kong maglakad no," kunwaring inosenteng sabi ko samantalang sya naman ay laglag ang pangang sumulyap sa akin. Siguro dahil nabara ko sya. Hahaha yan ang napapala nya.

Habang iniinterview sila, nakikinig lang ako at tahimik na nanunuod sa kanila. Hanggang sa tawagin na nga si Belle.

"Hello Miss Belle Garcia, you are so beautiful and stunning, please take a sit. We are happy to have you here," that's Miss Joelen, the interviewer.

"Oh thank you Joelen, I am happy to be here," Belle replied.

"Maraming nagtatanong tungkol dito, so, let's go straight to the point. Ilang buwan na kayong magkasintahan ni Dale Storm?"

"Three months palang po kami, he wants to keep it private for me, but I want the public to know that he's mine," sabay ngiti sa mga nanunuod at hawak sa kamay ni Dale. Ako naman ay napairap na lang. Napakaterritorial naman nito eh hindi pa nga sila mag-asawa.

"awwww," mahabang sabi ng mga manunuod ng tila ba may kinikilig at ang sa iba ay panghihinayang.

"So Miss Belle is territorial. But may nakarating din sa amin na balita na aalis ka daw to study abroad. Is that true?"

"Ahm yes, I need to. It's for our future din naman. My parents asked me to do that. Who am I para tanggihan sila, when all they think about is, kung ano ang makakabuti para sa akin, diba?" mahabang paliwanag ni Belle.

"Well that is, True. How about you Dale, ano ang masasabi mo tungkol dito?" baling ni Miss Joelen kay Dale.

"Well nag-usap na kami tungkol dyan, long distance relationship is hard, but kakayanin." nandun ang determinasyon nang sabihin nyang kakayanin. He loves her so much.

"Okay that's good to hear. The time is too short for us to catch up but we are happy to have you all here Vista Band and Miss Belle, hoping we'll see each other again next time." Miss Joelen.

"Thank you for having us. And we want to say thank you sa lahat ng nanuod ng concert namin. Maraming salamat po." Si Dale, at sabay sabay silang nag vow.

Nagkamayan lang sila at bumalik nadin sa dressing room. Dahil si Belle ang nag aasikaso kay Dale tinulungan ko nalang ang ibang ayusin ang mga gamit nila para makaalis na din agad kami.

"Kailan ba ang flight mo ate Belle?" tanong ni Thunder.

"The day after tomorrow," sagot naman ni Belle sa nakababatang kapatid ni Dale.

"That fast?" naninigurong tanong naman ni Dale. Ramdam sa boses nya ang lungkot at tila ba pagtutol sa pag-alis nito.

"Hey babe, diba napag-usapan na natin to, I'll call you everyday. You too. We'll get through this," pag amo ni Belle kay Dale.

"I'm sorry. It's just that I'll miss you," paglalambing naman ni Dale habang yakap si Belle.

Hindi inaasahang nalaglag ko ang basong hawak ko kaya napatingin silang lahat sa akin at nasira ang moment nung dalawa. Well magaling naman, feeling kasi nila sila na lang ang tao.

"Sorry," wala sa sariling sabi ko.

"Tara na nga, kung makapaglampungan kasi kayo parang walang ibang tao," yaya ni Joshua habang nakatingin sa akin.

Isa-isa na silang nagsilabasan pero naiwan ako dahil nilinis ko pa ang kalat na ako ang may kasalanan.

Hindi ko napansin na pati pala si Joshua ay naiwan o tamang sabihin na nagpaiwan.

"You are beautiful Louise, sexy, papasa kang model. Bakit sa kanya ka nag-apply?" napapantastikuhang sabi niya sa akin habang titig na titig sa aking mukha.

Matapos nyang sabihin yun ay lumabas na sya. Ako naman ay naiwang nakatulala. Ang pagtawag sa akin ni Miss G ang syang nagpabalik sa akin sa katinuan, kaya dali dali akong kumilos at lumabas sa dressing room dahil paniguradong ako na lang ang hinihintay nila. At tama nga ang hinala ko. Halos lahat sila ay masama ang tingin sa akin nang makasakay ako sa van dahil sa bagal ko ay dinudumog na ang sasakyan namin.

"What took you so long ba?" naiiritang tanong ni Belle.

Hindi ko nalang sya pinansin, at kinuha na lang ang cellphone ko at sinalpak ang earphones. Sumandal sa upuan at pumikit habang nakikinig sa kantang "Dadalhin".

Nakakapagod ang araw na ito. Pagod na ang katawan ko, isip at puso ko pati ang mata ko ansakit na dahil hindi ko mapigilan ang laging mapasulyap sa kanilang dalawa. Habang tumatagal nahahalata na ng mga kasama namin na may pagtingin ako kay Dale at hindi ito maganda. Baka mamaya awayin pa ako ni Belle at magkagulo, pati ako mawalan ng trabaho. Hindi pwedeng mangyari yun. That's the least I wanted to happen. I don't want to be seen on the news or any social media flatform or it will be the end of me.

I need to stay on the low profile I set for myself.

Nang makita kong malapit na kami sa condo ko ay pinatigil ko na si kuya Vince, ang driver ng van, at bumaba na ako kahit na pinipilit pa nila akong sumama sa kanila sa pagkain.

I wore my cap at tuluyan ng bumaba at nagtatakbo na.

Pagod akong humiga sa kama at agad pinikit ang mga mata hanggang sa makatulog na ako.

Isang nakakarinding tunog ang gumising sa akin kinabukasan.

May tumatawag. Si kuya Louie.

"Hello kuya? Napatawag ka."

"Louise where the hell are you!?" nailayo ko ang cellphone sa aking tenga dahil sa pagsigaw nya.

"Kuya ang ingay mo, don't worry about me. I'm good. Don't tell mom na nagkausap tayo. Please kuya" nagsusumamong pakiusap ko sa kanya.

"Okay just tell me where you are and I won't tell mom."

"But kuya-…"

"No buts' Krizza Louise, mom is just a call away. You know me," pananakot nya pa. He really know how to make me obey him.

"Okay," I tell him my address. And again ayan na naman sya sa sermon nya. Sinasabi ko na eh.

"Krizza naman, I told you to stop that, why are you so stubborn? Masasaktan ka lang," sabi nya pa.

"Kuya just please let me, kahit ngayon lang," pagmamakaawa ko.

"Okay if that's what you want. But promise me one thing, you'll call me when something went wrong. Hmm?"

"Sige kuya. Salamat," at pinatay ko na ang tawag.

"I need to be careful," kausap ko sa sarili.

☆abby☆

His Sweet Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon