Chapter 31

73 7 1
                                    

Dale's POV

"Excuse me," tawag ko kay Louise na sa ngayon ay may kausap na bata. Siguro ay ito ang anak niya.

Kailangan na kasi naming umalis at lahat ng waiter ay busy kaya ako na lang ng nagkusang lumapit para magbayad. Sabi ni Winter ay pwede naman kaming mag-iwan na lang ng pera. Hindi ko alam kung bakit parang may nagtutulak sa akin na lumapit kay Louise.

"Y-yes sir?" Parang namumutlang sabi niya.

"Our bill please," diretsang sabi ko.

"Dale!" Winter shouted.

"Daddy?" The little girl said. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Lumabas siya sa likod ni Louise. Napalunok ako nang makita ang mukha ng bata.

"Did I heard it right? You call him daddy?" Tanong ni Winter sa bata pero hindi ito sumagot at tiningnan lamang ako.

"What's your name baby girl?" Winter asked again but this time she answered.

"Zeleina Jade D. Buenavista," nakangiting saad ni Zeleina.

"Buenavista?" I asked at ipinilig ang ulo. Tumingin ako kay Louise na may nagtatanong na mga mata.

"I'm sorry," she whispered at nag-uunahang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"She's your daughter," hirap na sabi niya.

"When and h-how?" I asked na halos maiyak na din sa sitwasyon. All this time I have a daughter and nobody bother to tell me.

"Why didn't you tell me!"

"Are you angry daddy? You didn't like me?" Zeleina asked, nagbabadyang pumatak ang luha sa mumunting mata niya. Sh*t! I made her cry.

"She's not angry at you baby. Come, I'll show you something. Kailangan kasing mag-usap ng mommy at daddy mo," Winter said at hinila si Zeleina. Tiwala naman ako kay Winter dahil pinsan namin siya.

Hinila ko si Louise sa nag-iisang kwarto na sa pagkakaalam ko ay office niya.

"Now tell me, what is happening!" Pabagsak na binitawan ko ang braso niya.

"I'm really sorry Dale. I'm so sorry," umiiyak na sabi niya.

"I don't need your sorry! I want your explanation! Do you know that you are pregnant before you leave?!"

Tumango siya bilang pagsagot. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko.

"That's bullsh*t Louise! Kung alam mo naman pala, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin!?"

Hindi pa rin siya umiimik.

"I'm gonna get her!" Yun ang salitang sinabi ko na nagpalakas ng iyak niya. Nagmamakaawa siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Please, wag mong gagawin yun. Ginawa ko yun dahil yun ang alam kong makakabuti," nagsusumamong sabi niya. Hinayaan ko lamang siyang magsalita.

"Ginawa ko yun dahil yun ang tama. Parehas tayong mahihirapan kung nanatili ako. Ayaw kong mawala si Zeleina. Kung.. kung mananatili ako ay hindi ko mapipigilan ang sarili ko na mag-isip ng kung anu-ano. Hindi ko rin kinaya nang malaman ko na buntis din si Belle. Lalo na noong sabihin mo na hindi ka pa handa na maging ama."

"Sinabi mo sana! Hindi din naman ako ang ama ng anak ni Belle. Nasayang ang panahon Louise. Sinayang mo!"

"What's the difference? Kung sinabi ko ba na buntis ako, magiging handa kang maging ama kay Zeleina? Pareho lang kaming buntis ni Belle ng mga panahon na yun. Kahit pa sabihin na hindi ikaw ang ama...Kung hindi ka handa sa magiging anak ni Belle, ganun din siguro sa akin kaya hindi ko na sinabi sayo."

His Sweet Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon