Sabay kaming umalis ni Dale nang makatapos mag-agahan. Nababahala man ay pinili kong huwag na munang magtanong tungkol sa mga mensahe na natanggap at tawag na sinagot ko kanina.
Sa ngayon ay gusto kong matiyak ang aking hinala.
Habang nasa biyahe ay panay ang paalala niya na mag-iingat ako at tumawag kung ano man ang mangyari na tinanguan at tinawanan ko lamang. Nagpaalam na ako sa kaniya at bumaba sa sasakyan. Agad naman akong sinalubong ni Jewel ng yakap.
"Parang tumataba ka ata ngayon beb," puna niya at iniangkla ang kamay niya sa braso ko.
"Talaga ba beb?" Naninigurong tanong ko na tinanguan niya lamang ng nakangiti. Dumiretso kami sa office niya at doon nag-usap.
"Beb samahan mo naman ako," napatunghay siya at nagtatakang tumingin sa akin.
"Where?"
"Sa OB beb," nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa akin.
"A-are you p-pregnant beb? Alam ba ni Dale 'to? Anong sabi niya?" Nauutal at sunud-sunod niyang tanong.
Umiling ako at sinabing, "I'm not yet sure beb. Hindi din alam ni Dale kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya."
"Where is Dale going ba?" Nagtatakang tanong niya.
"He's going to pick up Belle sa airport tapos mag-uusap sila," I get my phone when I heard it beep and read the message. It was from Dale saying he loves me so much.
"Belle? Bakit siya ang susundo dun sa bruhang yun at bakit pumayag ka?" Nanggigil na sabi ni Jewel.
"Hayaan mo na beb. Ngayon na lang naman yun at hindi na mauulit," may pinalidad na sabi ko.
"Whatever! Siya halika na at sasamahan kita. I'm so excited. Tara na?" Mabilis na nagbago ang mood niya at kinuha ang bag bago kami lumabas at sumakay sa kotse niya.
Mabilis lang kaming nakarating dahil malapit lang naman iyon. Magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman nang oras na pumasok kami sa loob ng clinic. Naroon ang pagdadalawang-isip kung tutuloy pa ba ako o hindi pero sa huli ay nanaig ang kagustuhan kong malaman ang kalagayan ko ngayon at kung tama ang aking hinala.
I gave all the informations she is asking and told her that I am not sure if I am pregnant and I came to know, so she gave me a pregnancy test kit.
Agad akong pumasok sa comfort room at sinunod ang nakasulat na instructions sa lalagyan. Kinakabahan kong sinilip ang maliit na bagay na nasa kamay ko makalipas ang limang minuto gaya ng nakasaad sa lalagyan.
Kung kanina ay malabong guhit na pula ang aking nakita ngayon naman ay malinaw na dalawang guhit na pula na iyon. Kinuha ko ulit ang lalagyan at paulit-ulit na binasa ang nakalagay doon. Napakadaling intindihin pero hindi parin agad magsink-in sa utak ko iyon. Napahawak ako sa tiyan ko at hinaplos iyon.
Halo-halo ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Kinakabahan sa maaring maging reaksyon ni Dale. Natatakot dahil hindi ko alam ang gagawin at kung kakayanin ko ba pero kahit ganun ay masaya ako. Masaya ako dahil nagbunga ang pagmamahalan namin ni Dale.
Ilang mahihinang katok ang narinig ko kasabay ng pagtawag ni Jewel.
"Beb, what's taking you so long? Are you okay there?" Dama ko ang pag-aalala sa boses niya kaya naman binuksan ko ang pinto at nakatungong iniabot sa kaniya ang pt.
Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa akin at agad na niyakap ako.
"Ninang ako beb ha?" Excited na sabi niya at hinila ako ng may pag-iingat.
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
Любовные романыIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...