Nakarating kami sa airport at agad nakita si Troy.
Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap na ginantihan ko naman. Sa mga pagkakataong ganito gusto kong umiyak at sabihin sa kaniya ang lahat ng iniisip ko at nararamdaman. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha mula sa mga mata ko.
Tinulak niya ako ng marahan at tiningnan.
"Magiging maayos din ang lahat Riz. I'll be here for you. Happy birthday," he said and kissed my forehead. Halos nakalimutan ko na na birthday ko nga pala ngayon. What a happy birthday is this?
Pinunasan ko ang luha ko bago humarap kay Jewel para magpaalam. Umiiyak din siya.
Lumapit siya sa akin saka bumulong.
"Mag-iingat kayo ni baby doon. Balitaan mo ako ha. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka. Ingatan mo si baby," paalala niyang sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig.
Inakay ako ni Troy at sumakay sa private plane. This will be my new start. A new start without Dale but with my little one.
NANG makarating kami sa bahay ay agad akong sinalubong ni mommy at daddy.
Kinamusta nila ako at sinabing natutuwa sila na makita ako.
Agad naman akong nagpahinga matapos ang aming pag-uusap. Masyado na akong napagod sa layo ng byahe at pati na rin sa mga naiisip ko. Pakiramdam ko sobrang hinang-hina ako.
Nang sumunod na araw ay tanghali na akong bumangon at nagdiretso sa kusina.
"Louise iha, ipinagluluto kita ng paborito mo," agad akong lumapit sa kaniya at inamoy ang niluluto niya pero agad na bumaligtad ang sikmura ko at tinahak ang daan papunta sa cr. Agad namang sumunod si manang at hinagod ang aking likod.
"Okay ka lang ba iha? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni manang na inilingan ko lamang.
Nagpaalam ako sa kaniya at bumalik sa kwarto para maligo at bumaba ulit para kumain.
Nasa hapag na silang lahat nang bumaba ako.
"Louise, baby join us," daddy said with a smile.
Kumain kami habang nag-uusap hanggang sa maging topic ang dahilan kung bakit ako umalis.
"So Louise ngayon na nandito ka na, we will continue your engagement party with Troy and magpapakasal na kayo," tuluy-tuloy na sabi ni mommy at mababakas ang tuwa sa kaniyang tinig. Ang buong akala ko ay natanggap na ni mommy na ayaw ko talagang ikasal kay Troy. Hanggang ngayon pala ay ipagpipilitan niya pa din iyon.
"Mom can we talk about this some other time?" Kuya asked hesitantly and looked at me with worried eyes.
"Today is the good time lalo na at mamaya ay dito magdidinner ang family ni Troy," how am I gonna say na ayaw ko. I know it's easy but I know she will need a very valid reason. I don't even know how to tell them that I am pregnant. Hindi ako umimik at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.
"Louise eat more. This is your favorite food, diba?", daddy asked and gave me the bowl of paksiw. Agad na nanuot sa ilong ko ang amoy ng umuusok pang paksiw kaya agad akong umiling at itinulak ng bahagya ang mangkok. Sunud-sunod na paglunok ang ginawa ko para pigilan ang pagsuka.
"Are you okay?" Nag-aalalamg tanong ni Kuya.
"Okay lang. Medyo masama lang ang pakiramdam ko," may katotohanang sagot ko bago muling binilisan ang pagsubo para makabalik na sa kwarto.
"Just eat well and rest Krizza so you can prepare for dinner later," tinanguan ko na lang si mommy bilang pagsang-ayon. Ayaw kong makipagtalo sa ngayon. Ramdam ko ang tingin sa akin nina daddy at kuya siguro ay dahil hindi ako tumanggi o nangatwiran man lang gaya ng malimit kong ginagawa noon. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi na pinansin ang nagtataka nilang mga tingin.
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
RomanceIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...