Mahihinang katok sa pinto ang gumising sa akin mula sa pagkakaidlip. Matapos ang usapan namin ni Jewel ay kumain muna ako bago nagpaalam para makapagpahinga.
Nagulat ako ng makita si Joshua pagbukas ko ng pintuan.
"Hey! Just wanted to give you this?" Patanong na sabi niya at iniangat ang maleta na dala niya.
"Oh, thank you. Naiwan ko, nagmamadali kasing umalis kanina si. .si Dale," I said and opened the door widely. Agad ko namang kinuha ang dala niya at pinapasok siya sa loob.
Ikinuha ko siya ng maiinom. Mabuti na lamang na kahit hindi ako tumitigil dito ay palaging malinis at kumpleto ang mga kailangan dito. Thanks to Jewel.
"So, how are you?" He suddenly asked.
"I'm good," nakangiting tugon ko sa kaniya.
"How about your daughter?" Alanganing tanong niya na nagpakaba sa akin.
"She.. ahm she's fine," pilit ang ngiting sagot ko sa kaniya.
"What's her name again?" He asked again.
"Zeleina. Zeleina Jade."
Silence occupied the whole space hanggang sa magring ang cellphone niya.
"Hello?... okay. I'll be there," at ibinaba ang tawag.
Tumayo siya at kaagad na nagpaalam.
"I'm sorry but I have to go," Joshua said hurriedly.
"Okay. Thank you for bringing my things here."
Inihatid ko siya sa pinto at muling nagpasalamat.
"You should tell Dale about Zeleina. He needs to know," tumango ako at ngumiti ng tipid bilang pagsang-ayon.
I really should. Maybe tommorow.
Kinabukasan ay naging busy ako sa resto dahil sa reservation ng isang wedding kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na puntahan o kausapin si Dale.
Nang sumunod na araw ay nagpaalam ako kay Jewel na sasaglit sa mall para mamili ng grocery para sa pag-uwi ni Zeleina sa susunod na araw. Paalis na ako nang sabihin ni Jewel na sasama siya dahil gusto niya ng pizza.
Pagdating namin sa mall ay agad na tinawagan ni Jewel si Tristan. Nalaman ko na magkikita sila kaya nagpasya akong humiwalay para makapamili na pero hindi ako hinayaan ni Jewel bagkus ay hinawakan niya ako sa braso at hinila patungo kay Tristan.
Agad na nagdiretso si Jewel kay Tristan. Ang buong akala ko ay si Tristan lang ang kikitain niya. Hindi ako nainform na buong Vista Band pala kaya naman halos hilahin na ako ni Jewel papunta sa kanila lalo na ng matanaw ko si Dale.
"Beb, don't you think I am not welcome here?" I asked her doubtful.
"Of course not. Chance mo na din ito para makausap si Dale," she said in a persuasive way.
Hinawakan niya si Tristan ng makalapit kami. Natahimik naman ang mga kasama niya nang makita ako at agad na napatingin kay Dale.
This is so awkward!
"Hi," nakangiting bati ni Joshua.
"Hi?" Alanganing bati ko.
"Upo ka," sabi niya at tumayo para ipaghila ako ng upuan.
What's with him? I asked myself.
"Thank you," sabi ko at naupo sa tabi ko.
"When is Zeleina coming?" Jewel all of a sudden asked. What is she thinking? Kailangan ba talaga ngayon niya yun itanong.
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
RomanceIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...