"Saan sila pupunta?" Nagtatakang tanong ko nang makaalis na sila.
"Baby we need to talk. I-i am sorry kung natakot kita," nag-aalalang sabi niya.
"I'm good baby. Don't worry about me. Nabigla lang talaga ako. H-hindi ko lang inaasahan ang lahat ng ito. Pasensiya na kung ganoon ang naging reaksyon ko," paghingi ko ng paumanhin.
"Alam kong masyadong mabilis. Truth is, I ordered it yesterday. Nang sabihin mong gusto mo din ako ay agad pumasok sa isip ko ang ideyang ikaw ang gusto kong makasama habang buhay kaya ginawa ko iyon," nakatungong sabi niya. Halatang kinakabahan. Ang totoo ay sigurado naman talaga ako na siya na talaga ang gusto ko.
Noon sa tuwing malalaman ko na may big concert sila ay itinataon ko ang pagpunta dito. Nabisita ko na ang resto ay mapapanuod ko pa siya. Simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko noon para sa kaniya hanggang hindi ko namamalayan na lumalim na ito. Sa tuwing uuwi ako dito ay siya agad ang hinahanap ko.
Isang araw natagpuan ko na lang ang sarili kong humaling na humaling sa kaniya. Bawat release ng album nila ay binibili ko. Kaya naman nang hindi ko magawan ng paraan na mapigilan si mommy na ipakasal ako ay tumakas ako at nagdesisyong dito pumunta. Nagbabakasali na mapansin niya ako. Kahit na may girlfriend siya ay hindi pa rin naman nawala ang nararamdaman ko para sa kaniya. Pinigilan ko lamang dahil ayaw kong makasakit o makasira ng relasyon. Dala ng alak kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob. Dumagdag pa na siya nanguna kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili.
Kaya naman ngayon ay hindi ko mapaniwalaan na ganito na agad kalalim ang nararamdaman niya sa akin.
"Baby," tumunghay siya nang tawagin ko siya, "wag kang magagalit pero sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo?"
"Hindi naman sa pinagdududahan ko ang nararamdaman mo. Ang sa akin ay baka nabibigla ka lamang," sinikap kong sabibin yun ng hindi nauutal.
"I understand if you're thinking that way. I'm sorry but that's what I feel for you Louise," mariin man ay dama ko ang sinseridad sa tinig niya.
"Ikaw ang gusto kong makasama sa pagtanda Louise at doon ako nakakasiguro."
"Paano? Paano ka nakakasigurong hindi na magbabago ang isip mo?" alinlangan kong tanong.
"Sigurado ako at yun ang mahalaga," buo ang loob na sabi niya.
"If ever, would you accept it?" Bigla ay tinanong niya sa akin tinutukoy ang proposal. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Kita ko ang paglunok niya tanda na kinakabahan sa maari kong isagot.
"Well.. Yes! I would! That's why I asked if you really mean it 'cause there is no turning back," napanganga siya sa aking sinabi. Nang makahuma ay lumapit siya sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Hello beb?" Tumatawag si Jewel.
"Beb may ipapabili ka ba? Pabalik na kami dyan," tanong niya mula sa kabilang linya.
"Can you buy me lots of fries beb?" Nakangusong saad ko.
"Yun lang ba beb?"
"Hmmm. Yun lang. Thank you beb!" Nilingon ko si Dale na tatawa-tawa. Pinatay ko na ang tawag at nakangusong tumingin sa kaniya.
"Why are you laughing?"
"You sure you're not pregnant, baby? We're unprotected," nakangising sabi ni Dale. Natigilan ako pero agad na umiling.
"I'm not sure but maybe not," I don't want to assume.
Maya-maya pa ay dumating na sila na may mga nanunuksong tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/253791476-288-k918510.jpg)
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
RomanceIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...