Chapter 8

74 5 0
                                    

"Dati akong lassinggera, hahaha," biro ko sa kanila. Sila naman ay napamaang at di makapaniwala sa kanilang narinig.

Naglagay ako ng tubig sa pitsel at binuksan ang gin, binawasan ko ito ng kaunti at doon isinama sa bote ang grape flavored juice na tang. Shake it. Humingi naman ako ng lighter sa kanila at nagtatakang tiningnan na naman nila ako.

"Aanhin mo ang lighter?", saad ni Thunder.

"Sisindihan ko na ito para sabay sabay tayong masilab," pinigilan ko ang tawa ko nang makitang natatakot sila.

"A-anong sisindihan?" sabi ni Dale. Umaangal na silang lahat at kung anu-ano pang sinabi nila at pilit inilalayo sa akin ang lighter. Dahil naiinis na ako sa kanila, sinabi ko na ang totoo.

"Ano ba, akin na nga yang lighter. Parte yan ng paghahalo," naiinis pero natatawang sabi ko.

"Sigurado ka?" paniniguro ni Joshua.

"Oo nga. Akin na," ibinigay nya na sa akin. Ibinuhos ko ng lahat ang alak na may juice saka sinindihan ang bote bago itinaob ng mabilis sa pitsel. Hinigop nito ang pinaghalong alak at juice, saka ko iniangat at ibinuhos muli ang laman ng bote. And BOOM. okay na sya.

"Andami nyong binili, mauubos niyo ba yan?" tanong ko pa sa kanila. Nang tingnan ko sila isa isa ay namamangha silang lahat sa nakita. Parang mga abno tong mga to.

"Uubusin natin," wala sa sariling sabi naman ni Dale.

"Oh really. Let's see." sabi ko naman.

"Simulan na natin to!" kumuha na si Tristan ng mga baso nang makabawi mula sa pagkabigla.

Aalis na sana ako pero dahil niyaya nila ako at namiss ko ang ganitong inumin ay nakiinom na din ako. Alam ko namang mababait silang lahat. Subukan lang nilang gumawa ng kahit na anong hindi maganda, makakatikim sila ng pinag-aralan ko sa martial arts.

Sa nakikita ko ay nagustuhan nila ang lasa ng aking tinimpla. While drinking, we are talking things about us. Nararamdaman ko na parang nahihilo na ako. Kaya hindi na ako naggagalaw dahil mas lalo lamang akong mahihilo. Hindi ko alam kung nakakailang bote na kami nang magdesisyon akong tumayo para umihi pero dahil nahihilo na talaga ako napapaupo lang ako uli. Inalalayan na ako ni Dale. Sa kwarto nya ako dinala dahil sa nasa CR si Thunder. Pumasok ako dahil talagang ihing ihi na ako. Naghilamos na din ako para mahimasmasan ng kaunti. Kailangan ko pang umuwi.

Lumabas na kami at bumalik sa sala. Ang mga kasama namin ay nagsasayawan na at nagkakantahan. Nakisayaw din ako sa kanila. Si Dale naman ay nanunuod lang. We were drinking kanina pa, but Dale doesn't look like a drunk man. Dale was just watching us.

Umupo na ako nang makaramdam na ulit ako ng hilo. Uminom pa ako ng ilan bago napagpasyahan magpaalam na para umuwi.

"Guys I need to go. Bye na," paalam ko at tumayo na. Kahit umiikot ang paligid ko ay kailangan kong umuwi kaya pinilit ko ang sarili kong tumayo ng tuwid. I get my hoodie and my bag and get my car key.

Nasa pintuan na ako nang may humawak sa bewang ko at inalalayan ako. Nilingon ko sya at nakita ang mapupungay na mata ni Dale na nakatingin sa akin, mapulang labi na kaakit-akit na halikan. Napalunok ako sa aking naisip at agad na binura iyon.

"Hatid na kita."

"I'm fine, I can handle myself. Malapit lang naman dito yung condo ko," sabi ko sa kaniya.

"No. I'll drive you home," pagpupumilit niya at binuksan na ang pintuan.

"How about them?" tanong ko sabay turo kina Joshua.

"They're old enough. They can handle themselves" sabi niya ng may diin.

"Okay, if you say so," pagpayag ko. Besides this is better, mas makakasama ko siya.

"Where's your car?" tanong niya sa akin. Tinuro ko naman sa kanya ang sasakyan ko. Inakay niya ako papunta doon and he opened the door of the passenger seat for me at dahan-dahang iniupo doon.

Umikot siya sa kabila at sumakay na din. He started the engine. Ako naman ay nakatutok lang sa kaniyang ginagawa. Lumingon siya sa akin at lumapit ng dahan dahan ang kaniyang mukha, habang ako na titig na titig at napapalunok dahil sa sobrang lapit niya. Bumaba ang mata niya sa balikat ko at bahagyang tumungo, inilagay niya ang kamay niya malapit doon. Pigil ko ang aking hininga at nahugot ito nang dumampi ang kanyang kamay sa aking balikat. Naamoy ko ang pinaghalong pabango at alak sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Seatbelt," nakahinga ako ng maluwag when he get back to his seat and drove my way home.

Mabilis lang ang naging byahe. How I wish na malayo ang bahay ko para matagal pa kaming magkasama.

He parked the car at inalalayan ulit akong lumabas. Ngayon ko lang napansin na nakacap pala siya, which is good baka kasi may makakita aa kaniya.

"Room 203 7th floor," I told him my room number when we are at the elevator. Napapapikit na ako dahil sa sobrang hilo.

Binuksan ko ang pinto at pumasok. Hawak-hawak padin ako ni Dale. Being in his arms is the best feeling. What I'd give for this to happen again. Humarap ako sa kaniya na ikinagulat niya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Tumingin ako sa mata niya at hinawakan ko ang kaniyang mukha. Siya naman ay nakatingin lang sa akin na hindi mabasa ang emosyong nakapaloob sa mga mata. Then I speak. I know what I'm doing, I'm not that drunk. Feeling ko lang I can do everything. Alcohol effect.

"Dale, do you know?" simula ko.

"Know what?" tanong niya din sa akin na nakakunot ang noo.

"I really like you, I admire you so much. You had an angelic voice, anyone would love. Your smile, they are the sweetest smile I've ever seen. Everything about you is perfect. You also had a, what do you call this" tanong ko at hinawakan ang ibabang parte ng kaniyang dibdib na nagpaatras ng kaunti sa kaniya, "ah a six pack abs". Siya naman nang aking tingalain ay nakangiti at tatawa-tawa.

"Yeah and?" sabi niya na nag-aabang sa iba ko pang sasabihin.

"And I really like you. You know what's stopping me from liking you?" tanong ko sa kaniya.

"What?" tanong niya na parang naguguluhan.

"The fact that you are in a relationship," natigilan siya at napawi ang ngiti niya kanina. Mukhang nakalimutan niya ang katotohanang iyon.

"Alam mo ba sobrang gusto talaga kita, kaya nga ako nagtrabaho sayo eh. Noong nalaman ko na kailangan mo ng PA, I applied. Ang saya ko nun kasi natanggap agad ako but I lose hope when I found out that you have a girlfriend. Hayy life," sabi ko pa.

"Yeah," nandun na naman ang ngiti sa labi niya.
"You are cute and you are really drunk Louise," sabi niya habang tumatawa.

"No I'm not, I'm good but I want to ask you something," andun pa din yung lakas ng loob. I know what I'm doing and I know I'll regret it tommorrow. Pero bahala na bukas. It's now or never.

"Anything," kunot-noong sabi niya.

"Can I kiss you?"

☆abby☆

His Sweet Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon