"Ninang!" Zeleina shouted nang makapasok kami sa restaurant.
"ZJ! Don't run," sabi ni Jewel na dahan-dahang naglalakad.
"Ninong!" Sabi niya nang makita si Tristan palapit sa kanila kasunod ang iba. Kinakabahan kong iginala ang paningin sa likod nina Joshua hinahanap kung may iba pa o mas tamang sabihin na kung nandito din si Dale pero nakahinga ako nang maluwag nang sabihin ni Jewel na wala doon ang hinahanap ko.
"He's not here," she said nang makalapit sa akin. I can see that Zeleina is so happy to see them. Lumapit ako para isa-isang ipakilala sina Joshua sakto naman na tumingin si ZJ sa akin na may nagtatanong na mga mata habang sina Joshua, Trevor at Thunder ay parang hindi makapaniwala sa nakikita nila.
"Is she Zeleina?" Thunder asked with a creased forehead while intently looking at me. I was about to answer when Zeleina spoke.
"Opo. I'm Zeleina Jade Buenavista," sabay-sabay silang napasinghap. Lumingon si Thunder sa akin na may matalim na tingin habang si Joshua at Trevor ay napailing at dahan-dahang lumapit kay ZJ.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kahit si Dale ay hindi ko pa rin nakitang magalit sa akin. But this one is different. I know na magagalit talaga siya. Ngayon pa lang na siya ang kaharap ko ay ganito na ang galit sa akin. Paano pa kapag kapatid niya na mismo ang kaharap ko.
"You're a Buenavista?" Thunder asked nang makabawi saka tumingin kay ZJ. Umupo siya sa harapan nito at agad na lumapit si ZJ sa kaniya.
"Yes po tito," natigilan si Thunder nang banggitin ng bata ang salitang tito.
"Kayo po ba ang kapatid ni Daddy?" Lalo namang nanigas sa kinatatayuan niya si Thunder dahil sa tanong ni ZJ.
I never imagined this day. I never thought this will happen now. Ngayon na sila pa lamang ang nagtatanong ay masyado na akong kinakabahan. How much more kung si Dale na ito. Baka himatayin na ako sa sobrang kaba.
"Mommy said may kapatid po si Daddy na dalawa. Si Tita Summer at Tito Thunder. Mommy said kanina you're Tito Thunder and you look like him po." Paliwanag ni ZJ na naguguluhang tinanguan ni Thunder.
"What is your father's name baby?" Muli ay tanong ni Thunder, naniniguro kung tama ang kaniyang hinala.
"Hmmm. Dale po. Dale Storm Buenavista," natigilan siya nang marinig ang sagot ni ZJ.
Dahan-dahang lumingon sa akin si Thunder. Kita ko ang sakit sa mga mata niya nang lingunin ako.
"Tito where is daddy po ba?"
"N-nasa condo niya. Don't worry I'll tell him na dumating ka para puntahan ka niya," Thunder said smiling at ZJ then face me.
"I'll just talk to your mommy, hmmm?" Sunud-sunod na pagtango ang naging sagot ni ZJ. Naglakad siya palabas na agad ko namang sinundan.
Pumasok siya sa kotse niya kaya naman ganun din ang ginawa ko.
"Bakit?" That was the first question came out of his mouth. Isang salitang tanong pero hindi ko mahagilap ang sagot.
"Why didn't you tell us na may anak kayo ni kuya o kahit kay kuya man lang?" Kita ko ang poot at galit sa mga mata niya nang sabihin niya iyon.
"I-I'm going to tell him. I j-just don't know how and when. Kasi everytime na kakausapin ko siya, iiwasan niya kaagad ako," nauutal at naiiyak na sagot ko.
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
RomanceIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...