Chapter 22

65 4 0
                                    

Dalawang sasakyan ang ginamit namin. Ang isa ay para sa mga gamit at ang isa ay sinakyan namin. Kasama din namin ngayon si Jewel na nakikipagbangayan kay Tristan.

"Alam mo ikaw ang yabang mo talaga! Ang pangit pangit mo naman!" Sigaw ni Jewel.

"Talaga pangit? If I know gusto mo ako," nakangising sabi ni Tristan. Sigurado ako na naririndi na si Trevor na nasa pagitan nila.

"Aba at ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ikaw ang tipo ko!" Gigil na tugon naman ni Jewel na tinawanan lang ni Tristan at ng iba.

"Pwede ba kuya tama na? Baka ikaw itong may gusto kay ate Jewel," na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Ako? Imposible. Hindi ang katulad niya ang magugustuhan ko," natatawang sabi pa ni Tristan.

"Should I mark what the two of you just said?" Tanong ni Joshua na sabay namang sinagot ng dalawa ng yes.

"Okay," at kinuha ang cellphone niya. Maya-maya ay itinapat niya ang phone niya kay Tristan bago muling nagsalita, "Swear that you will never gonna fall or like Jewel, but.... in case that happens you had to give up what you like the most."

"What?! Are you serious dude? Like the most? You know I like singing."

"Yeah and? Does that mean na hindi ka sigurado kung maiinlove ka kay Jewel? O baka naman na love at first sight ka na sa kaniya," nakangising sabi ni Joshua.

"Wooaah," namamanghang sabi naman ng magpinsang si Thunder at Trevor.

"The heck! Never gonna happen," sagot naman ni Tristan.

At gaya nga ng gusto ni Joshua ay nagsalita na si Tristan.

"I, Tristan Jake Buenavista, swear to f*cking all of you, that I won't fall or even like Jewel. Okay na?"

"Kulang pa yun bro. Yung kapalit pa pag di mo natupad," natatawang sabi ng kapatid niyang si Trevor.

"At kung sakaling hindi ko matupad ang sinabi ko ay titigil ako sa pagkanta," ang hindi ko maintindihan kung bakit nakangisi pa si Tristan nang sabihin niya yun.

"At sisiguraduhin ko na ikaw ang matatalo Jewel," masama ang tinging pinukol ni Tristan si Jewel.

"You wish, jerk!" Pairap na tugon ni Jewel.

"Your turn Jewel," nakangiting sabi ni Joshua.

"Hand me that phone of yours," iniabot naman ni Joshua ang phone niya, "I, Jewel Zed Monteverde, guarantee all of you that I will never fall for Tristan Jake Buenavista. In exchange of not doing so, I vow to give the whole ownership of the restaurant to my partner Louise," taas-noong sabi ni Jewel.

"Are you for real Jewel? You would give that up just for this bet?"

"I will win this bet beb, don't worry. I know, I will," nang mapatingin ako sa mga kasama namin ay nakatingin sila sa aming dalawa ni Jewel ng gulat na gulat. What happened to them? Oh shoot. The partnership. Hindi nila alam yun.

"You didn't tell us you own a restaurant Louise," naguguluhang sabi ni Tristan, "at kasama mo pa pala itong pangit na ito," at itinuro si Jewel. Inirapan siya ni Jewel at sasagot pa sana pero inunahan ko na dahil siguradong mamaya pa sila matatapos kapag nagsimula na naman silang mag-asaran. I now doubt, they won't fall for each other with this kind of attitude.

"You never asked, so why tell?" Nakangiting sabi ko sa kanilang lahat.

"Aling resto?" Tanong ni Trevor.

His Sweet Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon